"Si Chane oh." biglaang singit ni Fiona kaya nahinto nalang si Josh sa sinasabi niya. Napabaling kaagad ako sa kung saan nakita ni Fiona si Chane. Kakapasok lang nila sa loob ng basketball court kasama ang mga barkada nyang puro lalaki.
Halos isang linggo ko ng iniiwasan si Chane. Kahit na lalapit siya sa akin ay naghahanap ako ng rason para makaalis.
"A-Ahh... sige alis na ako." nauutal kong sinabi sa mga kaibigan ko habang takot na nakatitig sa madidilim na tingin ni Chane na binibigay sa'kin.
"Ano? Mamaya na." tugon kaagad ni Cheska at hinila ang palapulsuhan ko kaya hindi ako kaagad naka-alis.
"Mag ano... like mag pa-practice na ulit kami." rason ko nanaman.
"Wag kang oa, hindi pa naman." sabi ni Josh at nakisali pa sa paghila sa'kin.
Laking pasasalamat ko dahil nang hinila ulit nila ako ay bigla nalang nagsalita ang organizer naming bakla gamit ang mic kaya ang peke ko sanang rason ay naging himala kaagad.
Wala ng nagawa ang mga kaibigan ko kaya pinakawalan nalang nila ako at mabuti nalang ay medyo nasa kalayuan pa sila Chane nang mabilis kong tinakbo ang distansya mula sa bench na kung saan nakaupo ang mga kaibigan ko, hanggang sa makarating na ako ng backstage.
"Ha!" sigaw ko nang makarating na sa likod ng backstage.
"Anyari sayo?" tanong ni Kryza, representative sa kursong Hospitality Management na kaibigan ko pero hindi kami masyadong nakakapagsama o bonding dahil malayo ang building niya sa building ko.
"Hinihingal 'di ba obvious?" tugon ko bago uminom ng tubig.
"Abay namimilosopo pa talaga." aniya at hinampas ang balikat ko. Hinintay niya ako hanggang sa matapos na akong uminom at sabay na kaming tumungo sa stage.
"Okay, sa mga hindi pa lumalabas galing ng backstage, prepare yourself!" anunsyo ni Christoff, yung baklang organizer.
Anim na pairs lang ang magkakalaban at kasali na kami nun. May iba kasing course na hindi nalang sumali dahil sa may mahalaga pa silang gagawin. Tanging Architecture, HM, Industrial Engineering, Accountant, Music and Arts at Law Course. Tatlong pair candidates na ang lumabas mula backstage at pang lima kami ni Justin kaya naghanda nadin kami.
Malamig sa loob ng backstage dahil may air condition sa loob nito pero nang dahil sa pagtakbo ko kanina ay naging pawisan ako ng kaunti. Medyo nilalamig nadin ako dahil sa kaunting pawis ko. Dagdagan pa dahil naka cycling short at sleeveless black sando lang ako.
"Candidate number five, be ready!" anunsyo ni Christoff kaya pumwesto kaagad kaming dalawa ni Justin sa kung saan kami lalabas. Sabay kaming lalabas pero hindi same ang paglalabasan namin. Nasa left side siya ng backstage habang ako ay nasa right side naman.
Rinig kong nagsimula ng mag count to ten si Christoff kaya hinanda ko na din ang sarili ko at nakinig ng maayos sa music.
"Two.. one! Labas!" sigaw ni Christoff kaya lumabas kaagad ako ng backstage at doon ko napansin na medyo dumami ang estudyanteng nanonood. Kahit na medyo nahihiya ako ay hindi ko nalang ito pinahalata at tinugma tugma ang bawat galaw sa music.
Kung anong napaghusayan ay syang gagawin ko.
Pagkatapos kong rumampa sa right side ng stage ay hinarap ko kaagad si Justin na naka white sleeveless sando kaya kitang-kita ang pagkakahulma ng maskulado niyang katawan. Nang magkatinginan na kami sa isa't-isa ay doon palang kami nagsimulang maglakad ulit pero ngayon ay magkasalubong na.
May narinig agad akong hiyawan sa buong lugar nang magkalapit na kami sa isa't-isa at nang humarap na kami sa harap ng mga nanonood ay doon ko palang napansing nanonood din pala si Chane kasama ang nga barkada niya pero may mga babae nadin silang kasama ngayon.
YOU ARE READING
Sa'yo Lamang (Heart Strings Series #1)
RomanceIn the midst of uncertainty, Zaylee found herself drawn to Chane's enigmatic presence. As they explored the depths of their connection, they discovered that love is a journey, not a destination. But will their hearts find a way to synchronize?
Chapter 8
Start from the beginning
