After a minutes ay nag notif agad yung gcash ko at doon ko nakita na 15k ang pinadala nila sa'kin. Seriously Fifteen Thousand Pesos? Ang laki naman ata ng pinadala nila sa'kin dito. Since pinaalam ni Nanay na pupunta sila dito ay kinuha ko agad ang cardigan sweater ko since medyo makulimlim naman ang kalangitan at pinaresan ko lang ito ng wide leg pants.

After fifteen minutes of preparing ay lumabas na ako ng apartment dala ang sling bag, may dala nadin akong payong, incase kung uulan may magagamit na, wala ako sa kdrama kaya magdadala ako ng sariling payong.

"Dito lang po." sabi ko sa tricycle driver. Nag tricycle ako patungong palengke dahil malapit lang naman, pwede nga ding lakarin pero dahil tinamad ako, nag tricycle nalang ako.

Nilibot ko agad ang paningin ko sa kabuuan ng palengke at nang makapag-isip kung saan ako mag sisimula ay doon agad ako tumungo. May listahan akong dala kaya siguradong wala akong makakalimutan. Gulay lang naman ang sadya ko dito kaya baka aabutin lang ako ng minuto dito.

Sinulat ko sa listahan ang mga gulay at sangkap na kakailanganin ng sinigang, tinola at adobong baboy, since iyon ang paboritong pagkain ng pamilya ko. May dala nadin akong lagayan ng pinamili para hindi na ako makabili sa tindahan dito. After 30 minutes of libot sa buong vegetables area ay tumungo agad ako sa cashier para bayaran ang lahat ng pinamili.

"One thousand four hundred thirty five miss." sabi nung tinderang kulang nalang maging si angry birds na. Kinuha ko agad ang pitaka ko at kumuha ng two thousand. Uubusin ko nalang ang natitirang allowance ko sa pinamili pero kung sakaling magkulang ay i wi-withdraw ko na ang fifteen thousand na laman ng gcash ko.

Pagkatapos ko sa palengke ay tumungo agad ako sa SM North Edsa, since mas malapit iyon kumpara sa ibang mall dito. Bibili kasi ako ng ibang gamit sa loob ng apartment at tsaka para nadin sa gamit para sa Archi, malapit na kasi akong maubusan, lalo na yung nga pens. Nang nasa SM na ako ay pinuntahan ko agad ang area kung nasa'n ang mga kailangan kong bilhin. Medyo nakakapagod din pala kung mag isa kang namamalengke eh no? Napansin siguro ng isang trabahador dito sa loob ng mall na nahihirapan ako sa mga pinamili ko, kaya binigyan niya agad ako ng basket na nakapatong sa hihilahin na gamit. Mayroon na palang ganon?

Halos nag lilimang minuto na akong naglilibot sa area kung saan daw nakalagay yung mga vase, sofa cover sheet and bed sheet, pero ni isa ay walang nahagi ang mga mata ko kung saan ito nakalagay.

"Ano po sa inyo miss?" narinig kong biglaang tanong ng isang babaeng nag tatrabaho dito. Kanina niya pa siguro ako napansin dito na parang amaw na paulit-ulit na lumilibot sa buong area.

"Ah.. yung ano po, vase, sofa cover and bed sheet, hindi ko po kasi mahanap." sabi ko agad.

"Maling area po ata yung napuntahan nyu, curtains lang kasi ang nandito, tapos yung mga hinahanap nyu ay nasa kabila po." tinutukoy niya ay iyong nasa kabilang bahagi ng second floor. Ayan, hindi kasi nakikinig sa sinabi ng ibang trabahante na tinanungan ko. Nag pasalamat agad ako kay ateng trabahante at sumakay ng elevator pababa para tumungo sa kabilang bahagi na sinabi niya.

"Excuse me po.." sabi ko sa nasa harap ko. Nakakairita kasi, nakaharang lang siya sa daanan ng tao. Pero ang mga tao pa talaga ang nag a-adjust.

Mukhang hindi niya siguro ako narinig dahil patuloy parin sa pagkaharang ng daan, kaya tinapik ko na ang matigas na braso nito at napasin ko agad na nahinto siya sa pakikipag-usap ng kasama niya. Unti-unti itong bumaling sa likod at doon ko lang napagtanto na ang lalaking nasa harap ko pala ay si Fumar! Si Chane guys, si Chane!

"A-Ah.. A-Ano, pwede padaan?" nasaan naba iyong naramdaman kong pagkakairita kanina? Napalitan ata ng pagkautal ah. Tinaas nito ang kaniyang dalawang medyo makakapal na kilay bago tumango at humakbang ng one step backward at ganoon nadin ang kasama nitong kasing tangkad at maskulado niya na hindi ko naman kilala. Pero may napansin akong pagkakapareho sa kanilang dalawa. Kilay at mata.

Sa'yo Lamang (Heart Strings Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang