Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

Basta kasi. Kaya eto ako, nagpakatomboy at nag-aastang maton sa Charleston.

Wait. San ako natigil!? Ayun. Mahilig akong magbasa ng kwento dito sa Watty.

At ang pinakapaborito kong kwento?

Those Three Words ni Mr/sDarcy.

Unang linya pa lang ng prologue, tinamaan na ko! As in! Di ba may mga kwento tayong nababasang ganun!? Prologue pa lang, ulam na! XD

Tungkol kasi yun sa isang girl na allergic sa mga lalaki. As in allergic. Malapitan lang lalaki, mamumula na sya. Sensitive kasi sya sa male pheromones kaya ganun. Until one day, nakilala nya si Tres, ang pinakapoging lalaki na nakita nya. Nainlove sya kay Tres pero di nya magawang lumapit kasi nga allergic sya. Nalaman ni Tres yun.. eh may gusto pala sya kay Red (yung girl) kaya ang ginawa nya?

Nagpanggap syang babae.

Di ba ang weird ng love story na yun?! Pero.. nakakatouch lang! Parang Pushing Daisies!

Dahil sa Those Three Words, nainspire akong gumawa ng kwento. Pero may isa akong problema.

Hindi ko alam kung pano ko icoconceptualize yung bidang lalaki sa kwento ko.

Well, I tried to use Chester as my pattern for Denn's character, pero hindi bagay sa kwento. Eh si Chester lang naman ang close kong lalaki. Ang hirap!

At dyan dumating si Cyrus Casabueno.

Magkaklase kami ni Cyrus nung summer review sa Brain Train (Remember kung pano nagkakilala sina Leiza & Denn? XD). Matagal ko na syang kilala, 3 years na siguro. Nung 1st year lang naman sya pumasok dito sa Charleston e. At sya ang pinakasikat sa batch namin. Gwapo. Matalino. Basketball player. Matangkad. Mabait.

Pang-Wattpad hottie ang dating!

Kaya sya ang ginawa kong pattern para kay Denn. Pattern? Panong pattern!?

I stalked him. Seriously. Nakasurveillance camera mode ako pag review classes namin. I paid so much attention from the biggest details to the smallest ones. Nirerecord ko yun sa Shawn Michaels notebook ko, na syang pinagsusulatan ko ng story drafts.

Parang kilala ko na si Cyrus noh!?

Pero alam nyo bang 5 beses pa lang kaming nag-uusap sa loob ng halos 4 years naming pagiging schoolmates!?

1st: Nung 1st day ng 1st year. Nagtanong sya kung saan ang library.

2nd: Intrams nung 2nd year; tinanong nya kung magpapalista ako sa women's basketball team ng year namin.

3rd: CAT Graduation ng officers namin nung 3rd year.

4th: Editorial Exam para sa The Charleston Herald last March. Nanghingi sya ng yellow pad.

5th: Sa Brain Train. Sabi nya "Excuse me".

Di baaaaa?! Nakakaguilty lang kasi ginamit ko sya for my story!! Tapos ngayon... ngayon... kaklase ko pa sya!?!

If I Fall (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon