Ang lagi kong gusto ay maging masaya pero ako pa ang dahilan kung bakit siya malungkot.

"Bakit ka ba kasi pumayag sa kagustuhan ni Carisse?"

Tanong ni Madam Crystal.

"Nagmakaawa siya sa akin. At isa pa hindi ko lang siya kaibigan, kapatid ko siya. Sa tingin niyo po, makakatanggi ba ako sa sarili kong kapatid?"

Hindi na nakapagsalita si Madam Crystal.  Si Carisse ay kapatid ko, pero hindi kami magkadugo. Inampon siya nila Mama noon dahil sa nangyari sa akin. Sa pamamagitan ni Carisse nagkaroon sila ng anak na pinapangarap nila, anak na pwede nilang ipagmalaki.

Nalaman ko lang ang lahat bago pa maging sila ni Max. 

"Sinabi mo na ba ang plano mo kay Reign?"

Umiling ako.

"Kapag sinabi ko sa kanya, ikukulong lang niya ako doon sa hospital. Hindi niya alam ang mga nangyayari sa akin. Ayokong mag-alala pa siya."

Hinawakan ni Madam Crystal ang kamay ko.

"Anak ka niya, natural lang na mag-alala siya. At lalo na sa kondisyon mo, masyadong delikado. Kailangan alam niya kung ano ang nangyayari sayo."

Umiling ulit ako.

"Hindi ko naman po pababayaan ang sarili ko.  Pero mahalaga din sa akin si Max, tuwing nakikita ko siyang miserable doble ang nararamdaman ko. Kaya kung mamamatay man ako, iyon na siguro ang karma ko kasi kasalanan ko ang lahat."

Dumaan ako sa bahay nila Max, araw-araw ko iyon ginagawa para malaman kong ayos lang siya. Pero gaya ng nakalipas ng araw nakakulong lang siya sa kwarto niya. 

Pumasok ako para dalhan siya ng pagkain dahil sabi ng Mama niya hindi pa rin siya kumakain.

"Max, kumain ka muna. Makakasama sayo kung hindi ka kakain."

Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Max.."

Lumapit ako sa kanya.

"Umalis ka."

Malamig na sabi niya.

"Kumain ka muna then aalis ako."

Kinuha ko ang tray ng pagkain at inilapag sa harap niya. Mabilis ang pangyayari, hinagis niya ang tray at nagkalat ang mga pagkain at basag na plato.

"Sinabi ng umalis ka! Ikaw ang may kasalanan nito! Inilayo mo siya sa akin!"

Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko. 

"Gusto mo akong makuha? Sige papakasalan kita pero sisiguraduhin ko na magiging miserable ka! Ipaparamdam ko sayo ang sakit. At kahit anong gawin mo hinding-hindi mo siya mapapalitan sa puso ko. Hinding-hindi kita mamahalin."

----

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Pakiramdam ko wala ng lakas ang katawan ko.

"When will she wake up? It's been a month."

I know that voice. It's Madam Crystal's.

"I know. Don't worry she will wake up."

Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa ilaw kaya bigla rin akong napapikit at dahan-dahan muli akong dumilat.

Naririnig ko pa rin na nag-uusap si Madam Crystal at Sir Reign.

May nakapalibot sa akin na mga machine at plastic curtain.

"Rain? Thank God, you're awake!"

Napalingon ako sa gawi nilang dalawa. Nakasuot sila ng

"Madam Crystal.."

Medyo masakit sa lalamunan ng magsalita ako. Gaano katagal na naman ba ako nakatulog? Unti-unti akong tumayo.

"Rain, anong nararamdaman mo?"

Pumasok sa loob ng plastic curtain si Sir Reign. 

"I feel tired.. Gaano katagal po akong ganito?"

Tanong ko.

"1 month."

Isang buwan? Kamusta na kaya si Max?

"May balita po ba kayo kila Max?"

Kumunot ang noo ni Sir Reign sa tanong ko.

"Wag mo na silang intindihin. Ikaw muna Rain, please lang."

Napayuko ako. Pero namimiss ko na kasi sila, lalo na si Max..

"Don't worry about them, Rain. Pinapasabi ni Melody na ayos lang sila. Max and Carisse ang planning to get married soon."

Sabi ni Madam Crystal. 

"I'm happy to know that. Salamat po, Madam Crystal.."

  Napangiti ako sa narinig ko. Finally, nagiging maayos na ang lahat. 

"Ah nga pala, Rain. May bisita ka."

Nagtaka ako sa sinabi ni Madam. Bisita? 

"Sino po?"

Narinig kong bumuntong hininga si Sir Reign.

"Malalaman mo mamaya. Ngayon ibabalik na ulit kita sa kwarto mo."

Tumango lang ako.

Pinagpahinga muna ulit ako. Bago ako ibalik sa kwarto ko. Baka daw kasi may mangyari na naman sa akin.

Naramdaman kong may humahaplos sa akin. Idinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang na andito siya.

"Hugo.." 




A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon