1

557 14 3
                                        

Nakaupo ako sa malamig na bench sa labas ng emergency room. My tears won't stop falling. Kahit pa  maraming tao ang dumadaan sa hallway, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Pauwi palang ako galing sa aking internship nang tumawag si auntie Marila, inatake sa puso si mama kaya they rushed her to the emergency room. The doctor has yet to examine her thoroughly. She's now stable but still unconscious.

"Sino po ang pamilya ng patient, Diana Alvarez?" the nurse's voice made me alert.

Agad akong lumapit sa kaniya, "A-ako po, kumusta po si mama?" nanginginig ang boses ko nang harapin ko ang nurse.

"Didiretsuhin na kita, hija. Malala ang kondisyon ng mama mo. Kailangan niya nang maoperahan kaagad." she said.

"Malaking halaga ang kakailanganin... We will immediately perform the surgery if you already have the exact amount for her operation." she said directly. Nanuyo ang lalamunan ko.

"M-magkano po ba ang k-kailangan?"

"Seven hundred thousand."

Napaupo ako sa sahig. Saan ako kukuha nang gano'ng kalaking halaga?

Tumigil ako sa labas ng gate ng isang malaki at engrandeng mansyon.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" bahagya akong napaatras nang agresibong lumapit sa akin ang guard na nagbabantay sa gate.

"Walang inaasahang bisita ngayon ang mga Fuego, umalis kana." masungit na aniya ngunit hindi ako p'wedeng magpatinag. Ito nalang ang natitirang paraan para maoperahan si mama.

"Uhm... N-nand'yan po ba si Mr. F-Fuego?" kahit na may bahid ng takot sa boses ko, nilakasan ko ang loob kong harapin ang guard.

"Wala, umalis ka na Miss."

"Kailangan ko lang po siyang makausap—" but before I could even finish my words, biglang bumakas ang gate.

"What's happening here?"

Elle. Wearing a fancy lacey dress my half-sister stepped in.

Nang makita niya ako ay agad siyang lumabas ng gate.

"You! What are you doing here?!" she hissed while pointing at me. Mas nadagdagan pa ang kaba na nararamdaman ko.

My heart is pounding so hard. I looked wearily at my sister.

"Ang kapal naman ng mukha mong pumunta rito!" sigaw niya. Napaatras ako nang lumakad siya palapit sa akin.

"K-kailangan ko lang kausapin si D-daddy..."

"Daddy? Ha! Guard! Bakit hindi niyo pa paalisin ang pesteng 'yan?!"

"O-po, ma'am. Sorry po." Agad na lumapit sa akin ang gwardiya.

"Miss, umalis ka na!" hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palayo sa gate. Pinilit kong pumiglas sa pagkakahawak niya.

My tears started to form silently on the side of my eyes. Pinilit kong huwag humikbi at umiyak.

"A-ate, please! Kailangan kong makausap si Dad!" desperadang pagmamakaawa ko.

Ngunit bago pa siya makapagsalita ay may nauna na sa kaniya.

"Anong nangyayari rito?" kalmado ngunit maawtoridad na tanong ng ginang na lumabas sa mansyon.

Pakiramdam ko ay mabubuwal na ako sa kinatatayuan ko dahil sa kaba.

Siya ang legal na asawa ni Daddy.

"Mom!" Elle looked at her mother.

Hindi niya pinansin si ate at nilagpasan lang siya papalapit sa akin. Hawak pa rin ako nang guard, gustuhin ko mang makawala ngunit parang hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

I'm Carrying His ChildStories to obsess over. Discover now