3rd person POV
Malapit ng makarating sila Ruby at Luxus sa susunod na kwarto ng paulanan sila ng chronobombs ni Yumi. Mabilis naman silang naka-iwas sa mga ito.
Yumi: "I didn't expect na makakaiwas kayo sa mga atake ko." Nagpakawala ng tatlong Fire bombs si Ruby sa kinatatayuan ni Yumi, gumamit naman siya ng time bind dahilan upang tumigil ito sa kinalalagyan nito.
Yumi: "Sweet." Bigla niyang ibinalik ang mga apoy na binato niya kanina sa kanila. Binaril naman ni Luxus ang mga ito bago pa man makalapit ito sa kanila.
Luxus: "Ako ang kalaban mo. Total kating kati na akong talunin ka." Tumingin ito ng saglit kay Ruby. Pagkatapos ay sumugod na ito patungo sa kanya. Tumira siya ng tumira ng baril upang makagawa ng opening para makadaan si Ruby. Hindi naman siya nabigo sa planong ito at bago maka atake si Yumi ay nagbato na ito ng smoke screen dahilan upang wala itong makita. Agad namang nakalabas ng usok si Ruby at naramdaman ito ni Luxus.
Sa isip ni Luxus: "Careful sis." Kasabay nun ang pagnisi niya.
Napalingon naman si Ruby habang tumatakbo palayo sa kanilang dalawa.
Sa isip ni Ruby: "Wag kang gagawa ng kabaliwan kuya." Kahit nag aalala ito sa kanyang kapatid ay tuloy tuloy pa rin ito sa pag takbo palayo sa kanila. Ilang sandali pa ay tanaw na niya ang pinto papasok sa susunod at huling pinto kaya't unti - unti itong bumabagal sa pagtakbo. Huminga ito ng malalim bago niya hawakan ang door knob. Unti - unti niya itong pinihit at itinulak palayo sa kanya. Pagpasok niya sa kwarto ay agad niyang inilabas ang kanyang CAD. Napakalaki ng kwarto at sa dinadaan niya ay may red carpet, para bang alam nila kung sino ang darating. Sa gitna ay may dalawang lalaki, ang isa ay nakayuko pero sigurado si Ruby na si Aki yun. At ang isang nasa likuran niya, naka - suit ito ng pang negosyante.
"At last, nakilala ko rin ang anak ng dalawa sa pinakamalakas na ability users sa paaralan ng Serdin. Ruby Miyura Ashford." Mas naging seryoso lalo si Ruby sa narinig, isa lang kasi ang ibig sabihin nito, ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay isa sa mga nakalaban ng kanyang magulang noon.
Ruby: "Pakawalan mo si Aki ngayon din." Natawa naman ang lalaki ng mahina at lumapit kay Aki.
"Pag - ibig nga naman. Alam mo, katulad mo rin ang mama mo. Masyado niyong inuuna ang bugso ng damdamin bago ang iba." Dahan - dahang ini - angat ang ulo ni Aki, kitang - kita sa mga mata nito na wala itong emosyon. Parang robot na susundin lahat ng ipag uutos ng kumokontrol sa kanya.
Ruby: "Ikaw..." Mabilis itong sumugod patungo sa lalaki pero hinarangan ito ni Aki gamit ang kanyang sariling CAD.
"Not so fast." Tska ito naglakad palayo sa kanila.
Ruby: "BUMALIK KA DITO!" Mabilis na tinulak ni Ruby si Aki palayo sa kanya pagkatapos ay sinugod niya ang lalaki. Isang kisap mata lamang ay tumilapon na si Ruby palayo sa lalaki.
"Nasayo nga ang parehong energy ng comet pero hindi ibig sabihin nun ay matatalo mo ko. *tumingin ito kay Aki* Tapusin mo siya." Tumingin ang mga matang walang buhay kay Ruby. Mabilis na sumugod ito sa kinaroroonan niya si Aki at pinaulanan si Ruby ng mga force wave. Umiiwas lamang sa lahat ng atake si Ruby.
Ruby: "Hindi mo kailangang sumunod sa kanila Aki."
Aki: "Hindi ako si Aki. Ngayon, mamatay ka na." Plain lang niyang sinabi habang patuloy pa rin ito sa pag atake sa kanya. Nagpakawala ng shockwave si Aki dahilan upang mawalan ng balanse si Ruby. Sinamantala niya ito at nagpakawala ng shock blades. Gumamit naman ng fire and wind wall upang sanggain ang mga blades pero may mga ilang nakalusot dito dahilan para madaplisan si Ruby.
Sa isip ni Ruby: "Dapat pala pinag handaan ko to ng maigi." Nagset siya ng magic circle sa malaking lugar, naglabas ito ng usok upang maitago ang sarili kay Aki.
