"At her age? Paanong nangyari iyon? Hindi niya nakuha sa parents niya, kung ganun paano nangyari iyon?!"

Naririnig ko ang pag-uusap nila Sir Reign at Ms. Crystal. Isang doctor pala si Sir Reign. Lumabas kasi ako ng kwarto ko. Siguro mag-iiba rin ang tingin nila sa akin. Iiwan din nila ako..

"Kaya ba siya iniwan? They're stupid to do that! Kung hindi nila siya kayang alagaan tayo ang mag-aalaga sa kanya. Kaya pala hindi siya nakikisalamuha sa iba. Iniisip niyang mahahawa ang iba.. Hindi naman ganun iyon.."

Bumalik na lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Maya-maya pumasok silang dalawa, pero hindi ako nakakita ng awa o pagka-ayaw. Nakangiti sila sa akin.

" May good news kami sayo! Hindi ka na babalik sa ampunan. Titira ka na kasama ni Reign!"

Naguluhan ako sa sinabi ni Ms. Crystal. 

"Aampunin ka na ni Reign!"

Nagulat ako sa sinabi ni Ms. Crystal. Aampunin niya ako? Tumingin ako kay Sir Reign. Nakangiti siya sa akin.

"Bakit po? Hindi po ba kayo lalayo sa akin? Baka mahawa po kayo.."

Umiling si Sir Reign at tumabi sa akin.

"Aalagaan ka namin.."

Yun lang ang naging sagot niya. Hindi na nga ako tumira sa ampunan. Kung saan nagtatrabaho si Sir Reign doon na kami nakatirang dalawa. Dumadalaw na lang si Ms. Crystal lagi pala itong wala dahil sa mga negosyo na inaasikaso nito. Kaya hindi na Ms ang tawag ko sa kanya Madam na kasi ganun naman kapag mayaman di ba? Madam ang tawag.

Pinalitan din nila ang pangalan ko. Ako na si Crystal Rain Garcia. 

"Rain, ininroll kita sa school. Ayoko na lagi ka na lang nakakulong dito. Gusto ko magkaroon ka naman ng normal na buhay."

9 years old na ako ng bumalik ako sa school. 7 years old ako ng makita ako nila Sir. Reign.

"Pero hindi po ba mas mainam na dito lang po ako."

Sa totoo lang gusto ko din lumabas. Hindi ko naman sinasabi na nakakulong ako dito pero kasi gusto ko lang na makapasyal.

"Rain, you'll be fine. At isa pa ito rin ang gusto ni Crystal, ang sabi pa niya dapat daw may crush ka na sa edad mo."

Tumango lang ako. Gusto ko rin naman ang ideya ni Sir Reign. Pero hindi yung crush na sinasabi ni Madam Crystal

Unang araw ko sa school kahit na ilang buwan na nagsimula ang klase. Kinakabahan ako baka kasi walang gustong makipagkaibigan sa akin. 

Inihatid ako ni Sir Reign dito. Ngayon kasama ko ang isa sa mga teachers dito para ihatid sa klase. 

"Okay class may bago kayong classmate. Halika pasok ka.."

Dahan-dahan akong pumasok. At humarap sa mga kaklase ko.

"I'm Crystal Rain Garcia.."

Pangalan lang ang nasabi ko dahil sa nerbyos. Nakita ko naman na nakangiti ang iba kong kaklase sa akin. Kaya lang walang gustong lumapit sa akin. Walang gustong makipagkwentuhan. Kaya noong recess nakaupo lang ako sa isang tabi at pinagmamasdan ang ibang bata na naglalaro at nagkukwentuhan.

"Ikaw yung transferee di ba?"

Nagulat ako ng may lumapit sa aking batang lalaki. Matangakad siya sa edad namin, singkit ang mga mata, maputi, matangos ang ilong at itim na itim ang buhok. 

Tumango lang ako. Ang gwapo niya. Ito ba yung sinasabi ni Sir Reign na crush na dapat meron ako?

"Napansin ko kasi mag-isa ka lang.." 

Umupo siya sa tabi ko.

"Anong pangalan mo ulit?"

Tanong niya. 

"Rain. Crystal Rain Garcia.."

Nahihiya kong sagot. 

"Ako nga pala si Maximillian Del Valle, pero tawagin mo na lang akong Max." 

Max. Bagay sa kanya ang pangalan niya. 

"Rain, simula ngayon mag-best friend na tayo! Okay?"

Best friend? Napangiti ako sa ideya na iyon. Gusto ko din nun!

Sabay ngiti. Dahil sa ngiti niya biglang nag-iba ang ikot ng mundo ko. Parang lumiwanag ang lahat. Kung dati puno ng lungkot ang puso ko, ngayon sumaya dahil sa kanya, dahil kay Max..


A Sad Rain (Completed)Where stories live. Discover now