Chapter Twenty-Two: Her Resolve (Part 1)
"IAN," napabalikwas ng tingin si Ian nang marinig niya ang boses na iyon. He's been waiting all day long just to see his face. For the first time in a while after being abandoned by his own family, Ian's found a new comfort.
Ian hesitated to talk the moment he got closer to him. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang itatawag niya rito. "You can start calling me Dad," ginulo-gulo naman nito ang buhok ni Ian. Para siyang batang natutuwa tuwing ginaganito siya nito.
"'Oy Albert, wala ako'ng hinandang juice para sa 'yo!" mula sa pintuan ng mansion ay nakita niya si Erwin na may hawak na tray na naglalaman ng dalawnag juice at ilang tinapay.
"Sa kanya na iyong akin," maagap na saad ni Ian.
"Hindi, magpapakuha ako, biro lang iyon," natatawang saad naman ni Erwin.
"Here, your adoption papers. We'll become a family."
Nanlaki ang mga mata ni Ian nang hinawakan niya ang envelop na inilahad ni Albert. The thought of having a new family is making him happy but at the same time, it makes him realize that his father really did disown him. Ilang beses nang kinontact ni Albert at Erwin ang kanilang bahay ngunit wala siyang sagot.
"Also, you want to be an engineer right? Saan mo ba gustong mag-aral. Baka makapag-request ako ng late entrance exam para sa 'yo," tanong naman ni Albert.
Bigla siyang nabuhayan ng loob. Albert might have made him realized that he still have life to live on... kahit tinakwil na siya ng kanyang ama.
"Nakakahiya na po," napayuko siya. "I'll just help you take the entrance exam. The rest is up to you. Alam ko'ng kayang-kaya mo."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Albert. Napalingon siya't sinalubong siya ng malawak na ngiti nito. Maging si Erwin ay sang-ayon sa sinabi ni Albert.
Iyon ang mga katagang pinapangarap niyang marinig mula sa kanyang Daddy. But he never gave a damn about his dream. Sapat na rason itong tinakwil niya ang sariling anak niya.
"Also, I hope you can continuously talk, Ian," hinawakan ni Erwin ang kanyang kamay na nakalapat sa mesa.
Nang ni-rescue siya't dinala rito sa mansion ni Erwin ay ilang araw siyang hindi nagsalita at nagkulong lamang sa loob ng silid. He won't even eat if someone doesn't say he's allowed to. Ngayong mga araw na nagdaan lamang siya na unti-unti siyang nagsasalita at lumalabas ng mansion.
"Senator," nakuha naman ang kanilang atensyon nang may lumapit sa kanila na nakasuot ng itim na suit. "Tumawag po si Chief Justice Andres,"
"Mauna na kayong kumain, I'll be back," ngumiti naman si Erwin at nagmadaling sumunod sa lalaking tumawag sa kanya.
"He's cool right?" napatingin naman si Ian kay Albert habang pinagmamasdan si Erwin na nagmamadaling pumasok.
"Kababata ko si Erwin, magkatrabaho rin sila ni Dad. Alam mo bang nakipag-agawan si Erwin sa akin para i-adopt ka? But I won," he confidently say as he got some of the bread and tasted it.
"Bakit niyo po ako...gustong i-adopt?" naglakas-loob naman si Ian na nagtanong.
"Nadurog ang puso ko nang makita kitang sinisipa ng iba. Bukod sa araw na 'yon ilang beses na kitang nakita sa kalsada. I didn't do anything," tila may bakas ng lungkot ang boses ni Albert.
YOU ARE READING
One World Apart
RomanceThe germaphobic Noelle Tan had her first kiss stolen by a stranger during a party and it left her in distress. She only had one clue for that stranger-that is his peppermint scent. She searched for the man who kissed her but unfortunately, she faile...
