AWS CHAPTER 4

607K 13.7K 1.7K
                                    

Sky's POV

Bakit ba kailangan kapag nagmahal ka papasok yung katagang "Kapag nagmahal ka sa ayaw at sa gusto mo masasaktan ka talaga". Akala ko naiintindihan ko na ang mga katagang iyan dahil sa dami ba naman ng binabasa kong libro tungkol sa loveat mga sinusulat ko hindi pwedeng hindi papasok ito sa eksena. Kumbaga package ang love at pain--- buy one take one na laging magkasama. Pero ngayon ko lubos naintindihan ang mga salitang iyan.

Ang sakit pala kapag nasaktan ka nang dahil sa pag-ibig. Pero ang pinakamasakit ay ang masaktan ka ng taong mahal mo nang hindi niya alam. Paano niyang malalaman kung sasabihin mo pa nga lang ang nararamdaman mo, nakita mo nang may nagmamay-ari na sa puso niya.

"Cloud, may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Napatigil ako sa pag-inom ng champagne na hawak-hawak ko dahil sa tinanong ni Papa Winter kanila Cloud na akala mo nasa date kung maglambingan. Bagama't hindi ako nakatingin sa mga ito at nakapako ang paningin ko sa champagne na hawak ko. Nakapokus pa rin ang atensyon ko sa mga ito.

"Dad ano namang hindi ko sinasabi sa inyo?"

Nagmamaang-maangan pa to si Cloud. Para namang bulag kaming nasa lamesa at 'di nakikita ang pagiging sobrang close nila ng katabi niya na kulang na lang magkapalit na sila ng mukha. Ganon sila kalapit sa isa't-isa.

"Sigurado ka ba hijo, eh mukhang mali ata ang pakilala mo sa amin kay Charlotte?"

"Katrabaho mo nga lang ba talaga siya o higit pa?"

Sige lang i-hot seat niyo sila Mama at Papa at pag umamin na talaga sila sa tunay na relasyon nila. Ihanda niyo ang abuloy para sa akin dahil magbibigti na ko mamayang gabi. Fine, ako na ang dakilang eksaherada.

Tumikhim pa muna si Cloud at nakita ko mula sa lamesa na kinuha niya ang kamay ni Charlotte at hinawakan tapos hinalikan at humarap sila sa amin.

Nagsikip ang dibdib ko, at parang may sumasaksak dito nang marinig ko ang sumunod na lumabas sa bibig ni Cloud.

"Yes, we're in a relationship and I love her."

Narinig ko kung paano sila maging masaya para sa kanilang dalawa. Alam kong wala silang alam sa nararamdaman ko kay Cloud dahil wala naman akong pinagsabihan maliban kay Thunder pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis na masaya sila sa sinabi ni Cloud habang ako ay nakayuko at nagsisimulang lumandas ang mga luha sa pisngi ko. At kung hindi ako aalis sa kinauupuan ko malamang maririnig nila ang pag-iyak ko. Gusto kong tumayo pero parang may glue ang mga paa ko na nakadikit sa lupa. Hindi ako makakilos. Buti na lang nandito ang best friend ko. Naramdaman kong hinila niya ako at pinatayo. Doon lang tumahimik ang lahat.

"Hey Thunder, what happened? Saan kayo pupunta?"

"Sky umiiyak ka ba?"

Oh my gahd!

Nakita pa din nila ang pag-iyak ko. Damn this tears, may ikakasira pa ba ng gabi ko. Tumingin ako kay Thunder at seryoso siyang nakatingin sa kanila. Don't tell me sasabihin niya na kaya ako umiiyak dito ay dahil sa lihim kong pag-ibig sa kapatid niya. Tumingin ako kay Cloud, umaasang katulad nila TitaMoms ay nag-aalala rin siya.

Pero...

Nakita ko siya kausap niya pa rin si Charlotte at parang may sariling mundo sila. Mas lalo akong napaluha sa nakita ko. Kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Thunder. Inaaantay ang sasabihin niya.

"Ihahatid ko na lang po siya sa bahay. Heto naman kasing si Sky dine-dysmenorrhea na, nahihiya pang magsalita ayan tuloy napaiyak na sa sobrang sakit."

'Sa dami ng dahilan yun pa talaga Thunder.'

Pero it's better kaysa naman malaman nila na kaya ako umiiyak dahil brokenhearted ako. Humawak na ako sa puson ko at nagpanggap na masakit ito kahit ang puso ko talaga ang masakit.

A Wife's Secret PUBLISHED UNDER PSICOM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon