Nanlaki ang mata ko. Hindi ko na napigilan ang aking tawa. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko siyang mababa ang confidence level. I couldn't believe it!

Ngumisi siya at pumikit. "Try it!"

Tumawa ulit ako at kinuha ang tinidor para masubukan ang Enchilladas na ginawa niya. Sinubo ko ito at pinagmasdan niya ako. Pinakiramdaman niya sa aking ekspresyon kung nasarapan ba ako o hindi.

Unang nguya ko pa lang nasarapan na kaagad ako. This man loses confidence over this? I can't believe him! Pakiramdam ko ay wala siyang tsansang bumagsak. Wala siyang tsansang pumalpak sa kahit anong gawin niya. He would never fail in anything.

"And?" Ngumuso siya.

"It's delicious!" sabi ko pagkatapos kong lunukin. Totoong masarap ito. Kung ganito pala kasarap ang Mexican food, I would want to learn how to cook it too!

"Okay. That's it. I'm fine with that," aniya at pinatigil na ako sa pagsasalita.

I can't help but really laugh at him. Ngumisi lamang siya at tinikman na rin ang sariling luto.

"You almost lost your cool because of this? I'm not sure if nagmamayabang ka through being humble or what?"

"How is that even possible?" Tumawa siya sa sinabi ko.

"Ewan ko sa'yo!"

Dammit! There's really nothing he can't do!

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko siyang mag ligpit ng gamit. Hindi ko nga lang maiwasan ang pagpuna sa pagiging sobrang minimal ng disenyo ng condo unit niya. He's a man, after all. Busy rin siya kaya wala na siyang panahon para pagtuonan pa ng pansin ang mga bagay na tulad ng interior design ng kanyang bahay.

"No frames, paintings, and whatnot..." I commented.

"Hmm. Why don't you paint something for me then? Para mailagay ko dito sa aking condo."

Siya ang nagbigay ng ideyang iyon kaya inubos ko ang nalalabing oras ng gabi sa pagpipinta. Pinaghalo ko ang lahat ng shades of red sa isang abstract painting. Nakatingin lamang siya sa akin sa loob ng isa at kalahating oras na pagpipinta ko noon. Nahihiya na nga ako. I know painting is boring and dragging for audiences.

"Ipapaframe ko muna ito," sabi ko sabay tingin sa kanya.

Natapos ko iyon sa loob ng isa at kalahating oras. Hindi naman kasi kalakihan iyong canvas na napili ko. Ilalagay niya raw iyon sa kanyang living room. He's minimalist so I want it simple too.

"What do you call that painting then?" aniya.

Nakatayo na ako at pinapahiran na ang mga kamay. May kaonting pintura sa aking mga daliri. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa salamin pero paniguradong mayroon ding pintura sa aking mukha.

Humakbang si Logan palapit sa aking likod at niyakap niya ako galing doon. Humilig ako ng kaonti sa mainit niyang katawan. Pareho naming pinagmamasdan ang weird kong painting.

"I don't know... it's all red... maybe... blood?" Humagikhik ako.

Hinalikan niya ako sa tainga.

"But what did you paint?"

Napawi ang ngiti ko. Pinalitan iyon ng kirot sa aking puso. "It's a rose."

"Rose?"

"Yup... a blooming rose," nilingon ko siya.

Tumitig siya sa akin. Seryoso at malalim ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako. Nag-iwas ako ng tingin. The intensity of his eyes were unbearable. Sa sobrang bigat ng kanyang mga mata, pakiramdam ko babagsak ako kung patuloy ko siyang titingnan.

Give In To You (GLS#3)Where stories live. Discover now