At alam kong luha ito ng lalaking mahal ko.

Umiiyak na naman siya.

Dahil ba sa pinahihirapan ko na naman siya o dahil iniisip niya pa rin si Charlotte na mahal na mahal niya?

Alin man sa dalawa, lubos itong nagpapasakit sa puso ko.

Tanging pagtangis ko lang nangingibabaw habang siya ay patuloy ang pagpatak ng luha sa mga kamay ko. Nag-antay ako--- nag-antay ako na magsalita siya. Ang sabihin na wag--- wag muna kong bumitaw pero wala akong narinig mula sa kanya.

Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin.

Kailangan ko ng palayain si Cloud hindi lang para maging masaya siya kung hindi para na din sa sarili ko.

I know that letting go is hard but holding on to someone who doesn't love you as much as you love him is harder.

'If loving you is all that means to me

When being happy is all I hope you'd be

Then loving you must mean

I really have to set you free...'

"I-I'm setting you free even though hindi ka kailanman naging akin. Maaaring pag-aari kita sa batas at sa mata ng iba. Pero ang puso mo mananatiling nakatali sa kanya. Be happy Cloud. Don't worry about me, I'll be fine. Kung iniisip mo na may responsiblidad ka sa akin dahil sa nangyari sa atin, wag kang mag-aalala h-hindi naman nagbunga eh... Patuloy lang akong masasaktan maging ikaw kung ipagpapatuloy natin ito..."

I'm sorry Cloud, I lied. I'm pregnant but I can't say it to you dahil alam ko mapipilitan ka na naman na manatili sa tabi ko... At ayaw ko 'non... Kung mananatili ka man sa tabi ko, 'yun ay dahil sa mahal mo ko at hindi isang responsibilidad lamang...

Ayoko na siyang mahirapan kaya kahit ang sakit sakit. Bibitaw ako hindi dahil sa napagod na ako sa pagmamahal ko sa kanya kung hindi dahil gusto ko siyang maging masaya sa piling ng mahal niya. Dahan-dahan akong bumitaw mula sa pagyakap ko sa kanya. Nakakadalawang hakbang pa lamang ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Skyleigh..." napahinto ako sa paglakad.

Hanggang sa huli umaasa na naman ang puso ko.

Ang puso ko na wala ng kapaguran sa pag-asa sa na mahalin niya ako.

"I'm sorry sa lahat ng sakit na naiparanas ko sa'yo. Sa pagbanggit ko sa pangalan niya tuwing kasama kita. I'm sorry dahil siya pa rin hanggang ngayon ang nasa puso ko. I'm sorry pero maniwala ka I tried. Sinubukan ko ang mahalin ka, and thank you for setting me free, kahit na alam ko na mahirap para sa'yo. Thank you for the memories Sky. In time you'll find someone who will love you and I'm sorry that it won't be me because I am foolishly in love with her. I need to go but I'll be back, let's talk again later." anito sabay lakad paalis sa kwarto namin.

Paalis sa buhay ko...

Alam ko pupuntahan niya siya. Hahabulin niya na naman ang babaeng mahal niya. At ako maiiwang mag-isa.

Mali Sky, hindi ka na kailan pa magiging mag-isa makakasama mo na ang munting alaala mula sa lalaking mahal mo, nakakalungkot nga lang na mananatili siyang sekreto. I know I'm being unfair to my unborn child and to his father but then I think it's for the best. I can't bear to see my child witness our loveless marriage. And lastly I want him to be happy even if it means disappearing from his life...

And that night I ran away. I ran away from everything. I ran away from them. I ran away from the pain because of loving him too much. I ran away with the secret of me bearing his unborn child. I never regretted loving him but I wish that I won't see him ever again....

But indeed fate has it's own game.'Cause when I finally thought I gotten over him.He showed up again.And this time I can't run away again because he already found out my little secret's that I kept away from him.

-Skyleigh Vergara Monteciara

"A Wife's Secret"

===========

CREDITS TO THE OWNER ang mga quotes na mababasa niyo sa kuwentong ito :)

This was posted sa isa sa mga wattpad group sa facebook. And because of a good feedback, I decided na i-post na din ito sa Wattpad para mas marami ang makabasa.

WARNING: Grammatical Errors|Feel free to correct me|Typographical Errors also is present in this story|

Date Started: July 28 2015

Date Ended:February 14 2016

Story of Princess_Jenpaumevi
(Jennely)

PLAGIARISM is a crime.

No SOFTCOPIES.

Ask.fm : https://m.ask.fm/Princess_Jenpaumevi

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100011016587288

Twitter: https://twitter.com/JenpauPrincess

(2/28/16) A/N: Sa next chapter po regarding sa mga pangalan ng magulang ni Cloud. Marami po ang nag-cocomment about sa story ni Vampiremims. Pure coincidence lang po ito. Hindi ko pa po nababasa ang story n'ya. :)

(3/1/16) A/N: Decided to change the name of the father of Cloud.

(10/10/17) Published under Psicom.


A Wife's Secret PUBLISHED UNDER PSICOM.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon