Chap. 1 - PART ONE

Start from the beginning
                                    


"Oops! 'Di ba si Hillary 'yan? Ang unica hija ng may-ari ng Vera Prime Holdings?" usiserang tanong pa niya.


Tumango lang ako sa kanya. Kasunod noon ay narinig ulit namin ang pinag-uusapan ng mga ito.


"I need to always look beautiful, especially now that Mitsui and I are dating," kinikilig na kuwento ni Hillary. "In fact, he asked me to go out with him tonight!"


"Really? So totoo pala ang rumors na nali-link kayo sa isa't isa? I thought na yung model na si Cassandra ang dine-date niya?" hindi makapaniwalang tugon dito ni Lexa.


"Ang model na 'yon? Well, they already broke up. She's even not that beautiful compared to me. Aside from that, alam mo ba na may anak na pala 'yon? Itinago niya lang sa States noong nanganak siya."


"Is that true?"


"Yup! No wonder, kaya nagsawa agad sa kanya si Mitsui, and then, heto pa....."


Hindi na namin napakinggan ang sumunod pang usapan ng mga babaeng estudyante dahil naglakad na papalayo ang dalawa.


Si Ashley naman na tapos nang makinig sa usapan ay humarap na sa akin. "Grabe talaga ang mga insecure na tao, noh? Kung makagawa ng kwento, daig pang nag-imbento ng libro," umiiling-iling na pahayag niya.


"Hayaan mo na sila. Halika na nga, okay na 'tong sandals ko. Late na naman ako sa class ko. Ikaw, anong oras ba ang klase mo?" untag ko kay Ash.


Inayos niya muna ang pagkakapuyos ng buhok niya bago muling nagsalita. "Mamaya pa akong 10 a.m.. Pero infairness ah.. Siya pala ang new fling ni Mitsui."


Speaking of Mitsui, ganyan talaga ang mga girls kung magkandarapa kay Lee Mitsui Peterson. Gwapo kasi, kaya head-over-heels sa kanya ang mga kababaihan.


Pero para sa akin, pagdating sa ugali ni Mitsui...


...isang napakalaking X!


Suplado, arogante, mayabang, bipolar, may temper at kung anu-ano pang negative attitudes na yata ang sinalo ng lalaking 'yon sa mundo.



***

Samantala, kasalukuyang naglalakad na kami ni Ashley sa may hallway nang biglang makarinig kami ng commotion ng mga babaeng mag-aaral.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Where stories live. Discover now