Chap. 1 - PART ONE

Start from the beginning
                                    


Nakasanayan ko nang maging magalang sa lahat ng nandito. Siyempre, maski sa gwardiya dapat magpakita ng kahit kaunting courtesy man lang.


"Magandang umaga rin sa 'yo, Ms. Hernaez!" masayang pagbati niya nang mapansin ako.


Pagkatapos kong mag-swipe ng ID card sa machine na nasa harapan ko ay tinungo ko na ang Business Administration building.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ngunit habang naglalakad, sa kamalasan, naputol pa ang strap ng sandals na suot ko. Hindi ako makapaglakad nang maayos, kaya minabuti kong umupo sa bench para ayusin ito.


Ilang saglit pa, may nagkasalubong na dalawang girls malapit sa kinauupuan ko. Matapos nilang magbeso-beso ay nagchikahan muna sila.


Naririnig ko ang usapan nila, pero pinili kong 'wag na lang silang pansinin. Hindi rin naman nila ako nakikita dahil natatakpan ng bulletin board ang puwesto ko.


I'm pretty sure na payabangan lang naman ang topic ng mga 'yan. Ang gaganda ng lahi pero medyo panget ang mga ugali.


"Hillary, it's been a while since we last saw each other," sabi nung isang babae na ang pangalan ay Lexa. "Mukhang may nagbago yata sa looks mo? Ah, it must be the new hairstyle. Bagay sa 'yo!"


"Last week pa 'tong hair ko. Bihira lang tayong magkita kaya ngayon mo lang napansin," sagot naman ni Hillary. "Galing kasi kami ng parents ko sa Italy. Here oh, I bought a new signature bag!" Sabay model pa nito ng dalang bag.


Mayamaya pa, bigla na lang may sumundot sa tagiliran ko, dahilan para magulat ako. "Ay! Pusang gala! Ano ba? Bakit basta ka na lang sumusulpot diyan?" Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko.


Dumating kasi si Ashley, ang makulit kong best friend. "Gala ka diyan? Siguro, may balak kang gumala sa mall? Ayiee! Magsho-shopping siya later!" panunukso niya sa akin.


"Sshhh! Tumigil ka nga diyan. Ang ingay mo!" pabulong na saway ko sa kanya. Buti na lang hindi napansin nung dalawang babae ang presence namin ni Ashley.


"Bakit anong meron?" Naintriga siya kung sino ang mga maarteng kolehiyalang iyon, kaya sumilip siya sa gilid ng nakaharang na bulletin board.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Where stories live. Discover now