3

490 22 2
                                    

~

Kasalukuyang nasa D.R ni Vice, sina Vhong, Billy, at Anne. Kanina pang nagtataka ang tatlo, kung bakit hindi sila pinapansin ni Vice, at ang buong atensyon nito ay nasa cellphone.

"Brad! Pansinin mo naman kami, aba!" Reklamo ni Vhong, at iniisip na baka pansinin siya ni Vice, pero nabigo siya. Nakatitig si Vice sa kanyang cellphone, at slight nakanganga.

"Girl! Huy! Earth to Viceral! Earth to---" Napalingon agad ang tatlo, ng biglang nagbukas ang pintuan, pero si Vice? Nganga pa din until now.

"Uhm, guys? Ah-Uh,"

"What's up Kurba?" Bati ni Anne ng makita ang kaibigang si Karylle. Sumilip-silip naman si Karylle sa loob ng dressing room, 'saka tumingin kay Anne. Nagtaka naman ang tatlo sa inakto ng dalaga.

"Guys, you have stapler and puncher? I'm expecting that Vice had one." Sinilip muli ni Karylle si Vice na busy pa din sa cellphone. Kumunot naman si Billy, kung saan gagamitin ni Karylle ang stapler at puncher.

"Para saan naman, K?" Tanong ni Billy. Karylle smiled, and showed a picture of a girl. Hindi kilala ni Billy ang babaeng nasa larawan, kaya nagtaka ito.

"I'm making a message for my baby. One of ViceRylle Babies? Ikaw pa naman president nila ehh..." Nakangiting wika ni Karylle and placed her phone back into her pocket.

"Sweet mo naman! Lucky ni ate..." Side comment ni Anne na kanina pang nagea-eavesdropping sa usapan nina Billy at Karylle. Karylle shook her head, and left the room.

"Ano bang pinapanuod niyang si Viceral?! Kanina pa kasing nakanganga at tulala." Pag-oobserba ni Vhong, at hininihintay ang tugon ni Anne at Billy.

"Hay naku! Iwan na nga natin 'tong si kabayo! Tara na, guys! We have twenty minutes pa para maglakwatsa." Magiliw na imbita ni Anne, umagree naman ang dalawang lalake, at sumama sa trip ni Anne.

~

Masayang naghahanap ng pwesto ang grupo ng kababaihan. Ang Tim Buyshril! Si Gel naman ay hindi maintindihan ang nararamdaman at talagang masaya siya dahil sa wakas ay makikita na niya ang loveteam na halos ay ibuwis na ang buhay niya.

"Ngiting-ngiti Gel ah!" Nakangiting sabi ni Maricar sabay upo sa napili nilang pwesto, nasa second row sila sa pinakaharapan.

"Alam mo namang... First time kong makita sina Pogi at Kurba, diba?" Excited na sagot ni Gel, at talagang todo ang pagngiti.

Mga after five minutes, nag-umpisa na silang turuan ng mga kailangang gawin sa show. Tinuruan din sila tungkol sa regulations sa loob ng studio, at tinuruan din sila ng steps ng Showtime Theme Song.

-

"Another show to fill up everyone's happiness..." Malungkot na saad ni Karylle, at narinig iyon ni Coleen, yes, sabay-sabay silang sumikat.

Coleen tapped Karylle's shoulders, as a sign of comfort since alam niya ang pinupunto ng huli.

"Look Ate K, I am 100% sure that wherever Angela is, she is in good hands. Kaya stop that little drama, and put smiles on people's faces!" Magiliw na sabi ni Coleen, at medyo effective naman dahil ngumiti na si Karylle; a real one.

-

"And here are your Showtime Hosts!

Vhong Navarro!

Anne Curtis!."

Habang binabanggit ni Eruption isa-isa ang mga pangalan ng hosts, ay patalon-talon pa si Gel, at ang buong Tim Buyshril gang.

~~~~~~~~~~~~~~
Angela P.O.V

Grabe! Happiness, Joy, Enjoyment, at lahat na ng salitang magdedescribe sa true happiness, nararamdaman ko na. This is life guys!

"Karylle!"

ASDFGHHJJ!!! What damn. Ang ganda ng nanay ko! And the whole crowd goes wild! Kami nina Gail, Maricar, Mae, at Liza, talon nang talon!

"And... Vice Ganda!"

WTFFFF!!! Ang gwapo! Pahingi oxygen! Hinahampas na ako ng buong gang, ouch!

"Tangginnnaaa!!! Ang gwapo ni Bays!" Sigaw ni Liza sabay hiyaw na malakas. I can't blame her, it's true! Damn true.

Few dance steps... And much more introduction... Tuloy chika... Pak! Pak! Pak!

"Pramis, masaya talaga 'to! Tara! Iiiiiittt'ssss SHOWTIME!" Hiyaw ni meme, wait-wait... Malapit kami kay Bays! Taena! OMG! Pumwesto na siya sa harapan namin, I died.

"Maricar! Buyshril! Si meme!" Nangangatal na ako when I realized Vice Ganda is infront of me, dancing and goofing around. This is life, babes!

~~~~~~~~~~~~~~

Buong show puro tawanan, harutan, at iba pang klaseng moments ang naganap. Nung commercial gap ng show, naisip ng Tim Buyshril na gawin ang naisipan nilang plano.

"Beh! Aba, lapit! It's your chance... First time mo pa naman." Pag-aaya ni Gail kay Gel, na medyo hinihila ito patayo, sabay nguso sa direksyon ni Vice na nakaupo lamang sa may bandang sulok.

"Nakakahiya eh... Tsaka, baka paalisin ako, nakakahiya naman." Pagtanggi ng dalaga at umiiling pa.

"Oy beh! Hoy Anghel! Lapit ka na kay 'tay, please?" Nagtatampong tono ni Mae, at hinihila din si Gel patayo. Wala ng nagawa si Gel, kundi ang lapitan ang nakaupong Vice sa may bandang sulok.

Takot, saya, kaba, at kung ano-ano pang emosyon ang naramdaman na ng dalaga. Habang papalapit na siya sa idol niya, ay halos sabunutan na siya ng madaming tao, not literally.

Napatingin naman agad si Vice kay Gel, at halos naistatwa na sa kinakatayuan ang dalaga ng magtapat ang mata nila ni Vice. Teka, hindi sila loveteam, wag kiligin. Cheret✌🏻️🙊.

"Hi," Nakangiting bati ni Vice sabay kaway kay Gel, si Gel naman ay hindi alam ang isasagot dahil parang hindi nagfufunction ang utak niya that moment.

"H-H... He-Hello p-paapa-po." Nauutal na tugon ni Gel, at hindi pa din makapaniwala sa mga pangyayari.

Napatawa naman si Vice sa inakto ng dalaga, kaya nilapitan niya ito at inakbayan. Si Gel naman ay halos pumutok na ang mga ugat niya, dahil hindi niya maintindihan ang mga pangyayari. Parang na-mental block siya.

"Tara! Picture tayo! 'Wag ka ng mahiya." Nakangiting pag-aaya ni Vice kay Gel. Inangat ni Gel ang cellphone niya, habang hinahanap ang camera application, ay may napansin si Vice.

"Taray... Starmobile yan, teh?" Pabaklang tanong ni Vice, tumango naman si Gel na tila talagang nahihiyang huminga o gumalaw.

"Cheesseeee!!!"

"Okay... Thank you!" Pagpapasalamat ni Vice, dahil tinatawag na siya.

~

Inaayos na ni Vice ang itsura niya dahil mag-uumpisa na ulit ang show. Kinulbit naman siya bigla ni Karylle, kaya nabigla ito.

"Sino yun? Little pony mo?" Tanong ni Karylle. Ang hindi alam ni Vice, ay kanina pa pala siyang binabantayan ni Karylle.

"Hindi... KJewel mo..." Pambabara ni Vice, kaya nagpout naman si Karylle. Napansin ito agad ng huli, kaya inakbayan niya ito agad.

Ang hindi alam ng dalawa, ay nag-umpisa na ang show, ng hindi nila alam. So, ibig sabihin nun, nahuli ang akbayan nila. Moment nanaman yun para sa ViceRylle Babies.

"Oo... Nagpapicture lang, bakit selos ka?" Pang-aasar ni Vice habang kinikiliti ang tagiliran ni Karylle.

Nagulat ang dalawa ng biglang sumigaw si Anne sa microphone, "Tama na nga 'yang kaharutan niyo! Kanina pang nag-uumpisa ang show!"

Tinago naman agad ni Karylle ang pisngi niya, dahil namumula nanaman siya. Pero si Vice, tawa lang ng tawa.

===============
Hello! Sorry for the late ud... Hope u understand, meron kasi kaming buwan ng wika and madami akong sauluhin... Love u guys!✌🏻️💕 tweet me, okay? @praybeytmunoz 💋

~jeanellediana

My Fangirl Daughter| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon