1

856 21 6
                                    

~

Kilala niyo naman siguro si Karylle Tatlonghari at Vice Ganda. Dalawang sikat na artista at sikat na hosts sa isang variety show na It's Showtime. Pero, paano kung ang dalawang ito ay may history pala, na sadyang hindi mo alam.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Childhood bestfriends sina Vice at Karylle. Childhood bestfriends, kaya sabay silang lumaki, umiyak, nagsaya, nagtulungan, nag-aral, at nagmahal. Halos ginawa nila lahat ng magkasama at magkasabay. Ni pagkain nga, kailangan hati pa sila. Dapat walang magugutom.

Noong mga bata sila, nagsumpaan pa sila sa isang bato. Nasa may tabi sila ng dagat at magkahawak ang kamay nila, habang nasa gitna ng palad nila ang pebble na gagamitin nila.

"Kaykay, promise mo sakin hindi tayo maghihiwalay ah." Sabi ni Tutoy habang nakatingin kay Kaykay.

"Pramis, Tutoy! Hinding-hindi kita iiwan. Sabay tayong mabubuhay at lalaki... Ng magkasama! Basta, walang lihiman ah?" Nakangiting pangako naman ni Kaykay kay Tutoy. Ngiti lang din ang isinagot ng huli.

"Oo naman! Ako lang kaya ang forever bestfriend mo." Sagot naman ni Tutoy, at tiningnan ang bato na hawak nila.

"Ipinapangako ko, simula sa araw na 'to, hinding-hindi ko iiwan si Tutoy. Kahit uugod-ugod na ako. Kahit ubanin ako, kahit matumba man ako. Si Tutoy lang ang forever bestfriend ko!" Wika naman ni Kaykay, na tila kinakausap ang bato na hawak ni Tutoy. Lihim na ngumiti na parang kinikilig si Tutoy, pero pilit niyang pigilin ito upang hindi mahalata ni Kaykay.

"A-Ano, ihahagis ko na ba?" Tanong ni Tutoy, pero kahit anong gawin niya sadyang nakukyutan ito kay Kaykay, na kasalukuyang nakapikit at nakahawak sa bato.

Minulat ni Kaykay ang kanang mata niya, at unti-unting minulat ang kabila, "Sige, ihagis mo na. Ikaw, nakasumpa ka na ba?" Tanong naman ni Kaykay, pero tango lang ang isinagot ni Tutoy.

"One... Two... Three!!!" Sabay na sigaw ng dalawang bata, at tuluyan ng inihagis ang bato.

Pasimpleng inakbayan ni Tutoy si Kaykay, pero wala namang pakialam si Kaykay, dahil para sakanya wala naman itong malisya. (Manhid talaga! Jk.)

~

Dumaan na ang pitong taon, at nasa college days na sina Karylle at Vice. 17 years old na sila, at kahit na ganun na ang edad nila ay Kaykay at Tutoy pa din ang tawagan nila.

Naglalakad sa corridors ang dalawang magkaibigan, pero sa mata ng mga kaklase nila ay magdyowa o mag-MU sila, pero ang totoo "friends" lang daw talaga sila.

"Anong gusto mong kainin, Kaykay?" Tanong ni Vice habang nakaakbay kay Karylle. Inangat naman ni Karylle ang ulo niya upang tingnan si Vice, at nagshrug naman siya.

"I don't know eh. Kahit ano nalang, Tutoy." Nakangiting sagot ni Karylle at naglakad na sila papuntang canteen.

Nagpaalam muna si Vice na pupunta muna siya ng CR, kaya naiwan si Karylle sa canteen na nakaupo sa isa sa mga upuan.

"Kaaarreell!" Napalingon agad si Karylle sa taong sumigaw na pangalan niya. And narealize niyang si Coleen lang pala yun. Si Coleen ay isa sa mga naging close friends niya sa campus, pero she couldn't label her as her bestfriend dahil she had one, one and only.

"Coleen! Oh, what seems to be the problem?" Tanong ni Karylle at nakangiti sa kaibigan na nasa likod lang ng upuan nito.

"Uhm. Nothing naman, ate. I-I just wanna invite you to my party later at... 8:30 pm! But, sa pagkakakilala ko sayo, you don't want late parties eh." Malungkot na saad ni Coleen. Ngumiti nalang si Karylle at tinap ang balikat ng kaibigan, that made her look at her.

My Fangirl Daughter| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon