Chapter 19: Another

1.6K 44 11
                                    

Chapter 19: Another.

Tumambay ako sa kwarto ko habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Gusto kong pumunta kala Mommy kaya ayun nga ang ginawa ko. Hindi na ako nagpalit ng pang-alis dahil kala Mommy lang naman ako pupunta.


Kinuha ko ang susi ng Range Rover ko at kinuha ko ang Adidas shoes ko at sinuot iyon. Naka-shorts at maong button down sleeveless shirt naman ako kaya babagay naman ang sapatos ko sa suot ko. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko at umalis na ako.


Nagtext ako kala Mommy na pupunta ako. Wala si Dane sa bahay, nasa school pa kasi siya. Habang nasa byahe ay tinawagan niya ako. Nag-uusap kami habang break niya sa photoshoot at ako naman ay nagdadrive.


Hindi rin nagtagal ay binaba na namin ang tawag dahil malapit na ako kala Mommy at magsisimula na sila ulit. Pinagbuksan agad ako noong mga guards ng gate at dumiretso ako sa garahe ng bahay. Nakita kong bumukas ang front door ng bahay at lumabas si Mommy na suot ang kanyang kulay puti at gintong robe, sumunod naman si Daddy na nakarobe din pero kulay itim at ginto din. Nakangiti silang nakatingin sa sasakyan ko. Pinatay ko ang makina at kinuha ang mga gamit ko bago lumabas.


Ngumiti ako agad sa kanila pagkababa ko. Lalong lumaki ang mga ngiti nila.


"Hi Mom." bati ko nang makalapit sa kanila, "Dad." niyakap naman ako agad ni Mommy at hinalikan naman ni Daddy ang noo ko.


"Mabuti naman at bumisita ka rito." bulong ni Mommy sa akin habang yakap ako. Bumitaw ako.


"Wala kasi akong ginagawa sa bahay." pumasok na kami sa bahay, "Anong oras uuwi si Dane?" tanong ko pagkaupo sa sofa.


"Mga alas-dose ang labas nila. Gusto mo bang ikaw na lang ang magsundo sa kanya?" tanong ni Mommy sa akin.


Tumango naman ako, "Sure. Gusto ko 'yon. Namimiss ko na rin iyong bunso natin." ngumiti naman sa akin ni Mommy.


"Nasaan nga pala siya?" tanong ulit ni Mommy sa akin. Ngumiti ako bago sumagot.


"Nasa Baguio. May photoshoot tsaka may trabaho siyang gagawin doon. Mga isang linggo siya doon." hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil isang linggo ko rin siyang hindi makikita.


"Bakit hindi mo siya sundan doon?" nilagay ni Mommy ang tumakas na buhok sa likod ng tenga ko. Umiling naman ako.


"Hindi pwede, My. Marami kaming ginagawa sa opisina ngayon. Diba nga malapit na dumating 'yong mga possible foreign investors natin?" nagform naman ng 'O' ang bibig ni Mommy na parang naalala ang sinabi ko.


"Oo nga pala ano? Kailangan nga palang nandoon kami sa mismong araw na 'yon."


"Mmhmm." tango ko naman.

**

Baguio

"Alright, that's a wrap everybody!" sigaw ni Paul, 'yong photographer namin ngayon. Pumalakpak kami at nagpasalamat sa bawat isa.

OURS (Nerdy Princess♥♥ Book 4) *Her Story* [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon