5pm na means UWIAN NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Sino ba namang hindi masaya kapag uwian na? Dalhin nyo sa akin 'yan at kakausapin ko nang masinsinan. Promise, usap lang!

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng office. Nasa lobby na sina Scarlet at Renzo. As usual, para na naman silang aso't pusa. Talak dito, talak doon. Minsan gusto ko nang isipin na magjowa na sila eh.

"I-in your dreams! Hinding hindi mangyayari 'yun no! Over my dead body. Dyan ka na nga!" Maarteng sigaw ni Scarlet at tumayo na. Saktong pagkatalikod niya kay Renzo ay nakita niya ako at patakbong lumapit sa akin.

"Cali, nandyan ka na pala." Mukhang nabunutan siya ng tinik at mabilis akong hinila palabas ng building. Anong meron?

Nagpahila na lang din ako sa kaniya kasi ano pa bang magagawa ko? Ang laki laki niya kaya sakin. Huminto kami sa may parang garden sa labas ng building. May mga bench doon kaya naupo muna kami. Mukhang wala siyang balak magsalita dahil nakatungo lang siya at malalim ang iniisip. May pinagkakautangan ba siya tapos wala siyang pambayad?

"Ano bang meron at hinigit mo pa ako hanggang dito sa labas?" Takang tanong ko. Nakatulala lang siya na parang ewan. Sabog sabog ang buhok. Teka, nagsabunutan ba sila ni Renzo?

"Ano kasi..." Napansin ko na pinagpapawisan siya. Hindi rin siya mapakali. Problema nito?

"Ano?" Nagbubutil na ang pawis nya sa noo. Hindi kaya tama ang hinala ko...

"Natatae ka na? Gusto mo ba samahan kita?" Sunod sunod na tanong ko. Natampal na lang niya ang sarili niyang noo. Hindi kasi 'yan nakakadumi sa public CR. Kailangan may kasama siya. At ang nakakainis pa, ako ang gusto niyang kasama. Kulang na lang gawin niya akong tagahugas niya ng pwet.

"Gaga, hindi!"

"Oh, eh ano nga? Spill mo na kasi!" Inis ko nang sabi. Invested na yung tao sa chika tapos pinapatagal pa. Tama ba 'yon???

"Si Renzo kasi..." Naghintay ako ng sasabihin niya pero mukhang after 10 minutes pa bago siya magsalita.

"Anong meron kay Renzo?" May halong pagkachismosang tanong ko. Sino ba namang may ayaw sa chismis? Yung iba nga ginagawa pang almusal 'yan.

"Gagawin niya raw ang lahat para mapunta ako sa kaniya..." Pabulong na sabi ni Scarlet. Kitang-kita ko kung paano namula ang pisngi niya. What is going on here? May na-miss ba akong chapter??? Nag-uusap ba sila romantically behind my back? If so, bakit hindi man lang sinabi ni Scarlet??? How coul--

Gaga. May nabasa ka nga eh. Sa katakawan mo kasi sa alak hindi mo na naalala ang mga nangyari.

Nabasa? Pinagsasabi mo, ate? At kailan pa ako nalasing, aber?

"Gusto mo ba siya?" Nakangiting tanong ko at napatitig naman siya sa akin. May pagtataka sa mukha niya. Pilit ko namang binasa ang itsura niya kung gusto ba niya si Renzo. Kasi ang labo naman. Lagi kaya silang magkaaway.

Mukhang oo pero mukha ring hindi. Ano raw?

"W-wala ka bang naaalala nung nasa Stellar Pub tayo?" Takang tanong niya. Napakunot naman ang noo ko at umiling. Pilit kong inalala kung may nabanggit ba siya sa akin tungkol kay Renzo pero wala talaga. Tungkol ba kasi saan 'yon? At isa pa, hindi ako lasing nun. Tipsy lang, siguro? Pero bakit wala akong maalala?

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita at nakinig na lang ako dahil baka sakaling may maalala ako.

Scarlet's POV

Sosyal may POV rin pala ako rito. Thank you so muc—

Gusto mo tapusin ko na kaagad? :)

Grabe siya! Hindi pa nga nakakapagsimula eh.

What If?Where stories live. Discover now