Cali's POV
Halos 2 weeks pa lang pala kami nakakapagpracticum. Sa pagkakaalam ko aabutin kami ng 2 months if no absent. Kapag may absent pwedeng umabot ng 3 months. Yung 2 weeks na lumipas parang 2 years na sa akin T________________T
Kapag kasama ko itong si Kuto ang tagal tagal palagi ng oras. Siguro kung si Red ang kasama ko baka bumilis. Naalala ko lang, hindi nagtagumpay ang plano namin ni Ava na magpalit ng partner. Actually, plano naman talaga niya iyon pero bet ko rin naman makipagpalit. Duh.
Kapag naaalala ko talaga kung pano siya magbeg kay Sebastian na sila na lang ang magpartner medyo naawa ako kay Ava. Wala nang flashback kasi tinatamad na magtype yung author nito. Nakakahiya naman! Pero grabe ang tigas naman ng puso niya, Pinaglihi ba siya sa bato or semento? Kainis. Ang sarap sarap birahin, tirisin, tupiin, iwasiwas, tadyakan, batuka--
Ang harsh mo naman, Madaem...
So what? Desurb naman niya 'yon! Ikaw author pinagtatanggol mo talaga ang kuto na 'yan? Porket ba pogi siya?!
Eh di inamin mo rin na napopogian ka sa kaniya?
W-what?! H-hell naur!!! Mali ka siguro ng dinig! What I mean is pugo as in P-U-G-O!!! Time na siguro para maghinuli ka. Dyan ka na nga!
"Are you talking to someone?" Takang tanong ng Kuto na 'to. Hindi ko na namalayan na pumasok na pala sya rito sa office. Ang alam ko may kausap siya kanina sa phone at lumabas. Wala na rin akong balak alamin kung sino 'yon kasi hindi naman ako chismosa 'no. Slight lang.
"Pake mo?" Balik na tanong ko habang nakatingin sa mga papel na nasa harap ko. Tambak na naman sila dito sa lamesa. Kung pwede ko lang pagpupunitin 'to kanina ko pa nagawa. Kailangan i-alphabetical order yung mga files ng customer at ihiwalay yung mga last year pa.
"Relax, I'm just asking." Natatawang sabi niya habang nakataas ang kamay. Anong relax? Sinong makakapagrelax sa dami ng gawain naman na 'to?!
Inrapan ko lang siya. "Obvious ba? Eh, ako lang naman ang tao rito." Walang ganang sabi ko para hindi na siya magtanong. Mamaya malaman pa niya na nakakausap ko ang author nito. Tapos susuhulan niya para alisin ako dito o kaya naman gawin akong mahirap. Hmp!
Napansin kong nakatayo pa rin siya at may kung anong pinipindot sa phone. Wala ba siyang balak tumulong? Ano, manager siya tapos employee lang ako? Tagapagmana lang ang peg?
"Kung tinutulungan mo kaya ako?" Sarkastikong sabi ko na nakakuha naman ng atensyon niya. Nagtype lang ulit siya sa phone at umupo sa harapan ko dahilan para matitigan ko siya nang malapitan. Medyo maliit lang kasi yung table kaya kung may kaharap ka man ay sobrang lapit talaga. Tipong magpapalitan at magkakaamuyan kayo ng hininga. Stay unbothered ako, bango bango ng hininga ko eh. Kayo ba?
Hindi ko naman intensyon na titigan siya. Napansin ko na pogi rin pala talaga siya. Medyo maputi lang siya nang kaunti kay Red. Bagay rin sa kaniya yung curtain mullet na haircut. Sobrang tangos ng ilong niya tapos may nunal pa sa ibabaw. Yung labi niya ang pula pul--
Bumalik ako sa katinuan nang humalumbaba siya at nakipagtitigan sa akin. Napansin ba niya na nakatitig ako? Naririnig ba niya na dinidescribe ko siya? Nababasa niya ba ang nasa utak ko? O Baka naman may nagsumbong sa inyo?! May snitch ba dit--
"Enjoying my handsome face? For free?" Nakangising tanong niya. Napakunot ang noo dahil dun. Napakahangin talaga ng kuto na 'to. Signal no. 10 na yata yung bagyong nanunuot sa kaniya. Kailangan na siguro niyang ilabas yan sa Pacific Ocean. Oo doon dapat, hindi rito sa Pilipinas.
"Kapal mo naman. Nakatitig ako kasi inaalam ko kung kulangot ba 'yang nasa ilong mo." Palusot ko at mukha namang gumana dahil ngumisi lang siya at hindi na nagtanong. Umayos na siya ng upo at nagpatuloy na sa pag-aayos ng papel. Nakangisi lang siya habang umiling-iling.
BINABASA MO ANG
What If?
Teen FictionEver since a past heartbreak left deep scars, Cali has built walls around her heart. The prospect of another relationship terrifies her: the vulnerability, the potential pain, and the daunting idea of fully committing. But when a genuine connection...
