Chapter 2 - Debut

49 3 0
                                    

2 years later...

"Congrats," nakangiting bati ni Zeke kay Vince na ngayon ay lumapit nasa kanya matapos nitong lapitan ang pamilya nito.

Pumunta siya sa graduation nito kahit na labag sa kalooban niya. Kung hindi lang dahil sa pagta-tantrums nito, hindi talaga siya pupunta. Sabi pa nito'y hindi raw kumpleto ang graduation nito kung wala ang bestfriend niya.

"Bestfriend, my foot."

Nakangiting lumapit na si Vince kay Zeke, with his arms wide open. Zeke sighed and hugged him back. Somehow, she's used to Vince's sweet side. Bigla-bigla na nga lang siya nitong niyayakap sa hindi malamang dahilan. Sabi nito, palagi din naman daw nitong niyayakap ang Ate Dee nito, and that makes her no different dahil Ate rin daw siya nito.

"Hey," ani Vince na nakayakap pa rin sa kanya. "May party ang section namin. Sama ka?"

Bumitaw sa pagkakayakap si Zeke, ngunit hinigpitan ni Vince ang pagkakayakap sa kanya. Walang magawa si Zeke sapagkat mas mataas nga si Vince sa kanya, and he's using it to his advantage. ALWAYS.

"Teka nga muna," sambit ni Zeke. "Marami ang nakatingin. Baka ano na naman ang iisipin nila."

"Bahala sila," walang pakialam na saad ni Vince. "Sasabihin mo rin naman na nakababatang kapatid mo 'ko."

"Abnormal. Sasabihin ko nga 'yon kung hindi ka nila kilala. Eh, kilala ka nga halos lahat ng tao dito sa campus. Sige na bitawan mo na 'ko."

"Hmm," ani Vince na hindi pa rin bumitaw kay Zeke. "Only when you say yes to my invitation."

Kumunot ang noo ni Zeke.

"Alam mo, ngayong graduate ka na, you should stop threatening me. Stop acting like a child."

"It's not a threat. It's called NEGOTIATION," nakangiting saad ni Vince saka hinigpitan pa ang pagkakayakap sa likod niya.

Tila hindi na makahinga si Zeke sa ginagawa ni Vince. And seeing the knowing looks around her...

She sighed. Everybody would be really asking kung anong nakita ni Vince sa kanya't naging magkaibigan sila. Sabihin pang ang baduy na get-up niya'y hindi tumpak sa personality ni Vince na habulin ng mga babae kahit na ng mga kolehiyala. Well, it's no wonder because Vince looks more mature in his age, but he acts too CHILDISH in his AGE.

"OO na! Bitawan mo lang ako!"

Binitawan naman agad siya ni Vince.

"Yes!" masayang sigaw ni Vince na nakakuyom pa ang mga kamay.

Helpless na napahawak na sa kanyang noo si Zeke.

Three days later...

"Oh, anong tinitingin-tingin mo d'yan?" kunot-noong tanong ni Zeke nang mapansin niyang tinititigan siya ni Vince.

"Zeke naman, eh--"

"Zeke?"

"Alright... Ate Zeke, whatever. 'Yang get-up mo, wala na bang iba d'yan? Mas mukha kang lalake kesa sa 'kin nyan, eh?" reklamo ni Vince.

Tiningnan ni Zeke ang sarili. Nakasuot siya ng plain blue shirt, jeans at chucks. AGAIN.

"Eh, sa ganito na eh! May problema ka du'n? Edi, mas maigi... 'wag mo nalang akong isama," ani Zeke saka akmang tatalikod na.

"Teka nga! Oh, sige na," pigil ni Vince. "Mas maganda pa 'yang bag mo sa'yo."

"Bakit ba? Naiistorbo ka ba ng get-up ko?"

Keeping Up With VinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon