Humiwalay sa yakap si Dara sa anak. Sumeryoso na ang muka nito at bumalik sa kaniyang upuan.

" Maaari ko bang malaman kung bakit ito ang napili mong paaralan na pasukan, Blaire?" seryoso at may kuryosidad na tanong ni Dara kay Blaire.

" Do I need a reason to study in here?" balik tanong naman ni Blaire hindi nawawala ang lamig sa boses nito.

Umiling lang naman si Dara sa tanong ng inaanak. Parehas talaga sila ng nanay niya. Usal na wika ni Dara sa kaniyang isip. Pinalis niya ang isipan tungkol sa matalik na kaibigan at muling hinarap ang anak nito.

" I will no longer ask you of why did you choose my school. So here. I'll gonna give you your schedules~" pakantang wika ni Dara at may kinuha sa isang kabinet na nasa ilalim lamang ng kaniyang desk.

Inilapag niya ang ilang mga papel sa kaniyang lamesa. Iyon ay ang mga schedules at tatlong map para sa tatlo.

" I also gave you maps para di kayo maligaw. Your first subject is on.. 5 minutes later so I guess you have to go now para makahabol pa at di masyadong malate." wika ni Dara matapos tignan ang oras. Tignan niya ang anak na nanlalaki ang mata.

" Omo! Malelate na tayo! Let's go!" sigaw ni Ashley hinablot nito ang mga schedules at maps nila at saka hinila ang dalawa papalabas ng opisina pero bago iyon ay tumigil siya sa pinto at nilingon ang ina.

" Mom! Babye see you later, I guess! Bye! Love you!" sigaw nito bago isara ang pinto. Napangiti si Dara sa kasweetan ng kaniyang anak.

"Parehas talaga sila ng tatay niya." bulong niya sa sarili. Bago niya isipin ang tungkol sa ama ni Ashley ay naisip niya kung ano ang dahilan ni Blaire kung bakit ito lumipad dito sa pilipinas galing Japan.

Pero isang dahilan lamang ang pumasok sa isip niya.

****

Hingal na hingal si Ashley ng makarating sila sa tapat ng pinto ng classroom nila kung saan meron ng guro na nagpapakilala sa harapan.

" Mukang sakto lang ang dating natin." hinihingal na wika ni Ashley at hingal na kumatok sa pinto.

Bumukas naman ito at bumungad sa kanila ang isang magandang babae na maaari ng maging modelo sa tangkad at ganda nito.

Naka-bun ang itim na itim na buhok nito na sobrang ayos. May salamin din ito na tama lamang sa shape ng muka nito. Naka-suot ito ng uniform ng mga teacher. White long sleeves polo, black blazer, and a fitted skirt na above the knee. Nakasuot siya ng isang black heels.

Unang kita pa lamang ni Blaire sa babae ay nakaramdam na sila ng kakaiba. She can feel the powerful power coming from this lady standing infront of her.

Assassin? A Mafia Reaper? Gangster? Hula ni Blaire sa dating antas ng babae sa kaniyang harap. Tinignan niya ang porma ng babae. The way she looks at them, the way she stands,

"Are you just going to stand there all day?" malamig na tanong ng babae sa kanila. An assassin. Kompirma ni Blaire.

Hinintay niyang mag-salita si Ashley bago siya pumasok sa loob.

"Sorry po!"

" Introduce yourselves." malamig paring turan ng guro. Nakangiti namang humarap si Ashley sa kaniyang kamag-aral.

" Hello everyone! Hello classmates! I'm Ashley Alvino. You can call me Ash. 18 yrs. old. My birthday is on September 19. My mother is Dara Alvino and my father is I-Don't-Know-Him-Yet. My favorite food is Pizza! My favorite drink is cold coffee. I love eating Ice cream if someone make me mad or pissed me off. My favorite color is Light Pink and White. My hobbies are--"pinutol na ang sasabihin ni Ashley sapagkat hindi sila matatapos sa kakabigay nito ng information about herself.

"Next"

" I'm Skylar Hartford. 18 yrs. old." usal naman ni Skylar gamit ang mababang tono ng kaniyang boses.

"Blaire." pagpapakilala naman ni Blaire sa harap wearing her infamous cold and hard expression.

" You may now take your seat, again for the late comers. I'm Melanie Pascual your homeroom teacher." pagpapakilalang muli ng guro. Dumiretso naman sila Blaire sa upuan sa dulo at sa tabi ito ng bintana.

Si Blaire ang umupo sa katabi ng bintana upang makita niya ang nasa labas. At hindi lang naman pati iyon kasi kapag ayaw niyang makinig titingin na lamang siya sa labas.

Katabi naman ni Blaire sa upuan si Ashley na walang ibang ginawa kundi ang dumaldal ng dumaldal sa mga kaklaseng gustong kumausap sa kaniya dahil siya nga ang anak ng Head Mistress at may-ari din ng eskwelahan.

Nakita naman ni Blaire ang intensyon ng mga kaklaseng ngatal na ngatal makausap si Ashley na tuwang tuwa naman sa dami ng taong gustong kumausap sa kaniya. Napapailing na lamang si Blaire as she whisper stupid in the air.

Si Skylar ay sa tabi ni Ashley. Tahimik lamang siyang yumukod sa kaniyang lamesa sapagkat hindi siya nakatulog ng maaga dahil may ginawa siyang importante.

Tumingin na lamang sa malayo si Blaire at nag-simulang isipin ang mga mangyayari kapag nag-patuloy siya sa pagpasok dito. Pumikit na lamang siya at umidlip.

A/N:

Medyo magulo? Tsaka ko na lang ieedit ang story. I hope you like it.

A Mafia Heiress : Blaire KatanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon