Special Chapter: Interview with the Barkada Part 1

159K 1.4K 186
                                    

AN: Salamat sa lahat ng nag-compile kagabi... kay Lynne, Jas, LJ at Cza. Salamat talaga sa tulong nyo at sipag nyo pagtatype. :) Eto po ay page 3 out of 21 pages sa MS Word pa lang. I still have 18 pages of questions to answer. 

Sana po magustuhan nyo. Kelangan ko na kaseng mag-UD sa kahit saang story kaya eto muna, okie? ^^v

 

-

 


"Nasan tayo?" tanong ni Eula kay Eli.

"Aba malay!" sagot ni Eli na patingin-tingin sa paligid.

Earlier that day, the four of them were escorted to a secluded place. Ang sabi sa kanila ay makikipag-meet sa kanila si Dama. Sumama naman sila agad dahil akala nila ay pakulo na naman ito ng kaibigan nila.

But we know better, right?

"Baka kinidnap tayo? Hala!"

"Sira ka ba? Bat tayo kikidnapin eh wala tayong pera?"

"Sina Eli po may tindahan! Sya na lang hingan nyo ng ransom!"

"Pero seryoso... asan ba tayo?"

"Guys, gusto nyo ng cake?" tanong ni Eli sa mga kaibigan. He took a slice for himself at saka sya prenteng kumain habang nakaupo sa malambot na sofa.

"Eli may lason yan."

Biglang iniluwa ni Eli yung kinakain nya. Nailing na lang ako sa usapan ng mga batang are. I stepped out of the secret room na nasa likuran lang ng bookshelf.

"Walang lason yan Eli."

Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Sino ka?"

"Wala po kaming pera ate!"

"Walang lason? Ayos!"

Naupo ako sa upuan na katapat nilang apat. "I'm here to do an interview."

"Interview? Ay, hindi po kami nag-aapply ng trabaho," sagot ni Eula.

"Opo. Next year pa OJT namin," dagdag naman ni Keeme.

Napangiti na lang ako sa kanila. "Don't worry guys... simpleng interview lang 'to. Eli, please stop eating. Okay. I'll start na ha?"

(Legends: Y for EULA, L for LEI, E for ELI, K for KEEME and A for AUTHOR)

Interview Proper:

A: This is from Enjelshii, Lei... may gusto ka ba kay Keeme?

L: LOL.

Y: Ate, sagutin mo ng maayos.

E: Oo nga naman.

L: Sagutin ng maayos? Fine. Wala. Happy?

A: Weh?

L: Wala nga. Next na.

A: Okay. Eula, close na ba kayo ni Jairus?

Y: Oo naman. Sa text...

L: Lame...

Y: *irap sa ate*

A: Next na nga... Keeme, sino ba talaga crush mo? Si Eula o si Lei?

K: Eula.

Y: Adik.

K: *tawa*

DAMA: The Princess BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon