Chapter 32

308K 5.4K 843
                                    

I feel sorry for people who don't know me.

--


"Sasabihin ko sa kanilang pinilit lang kita."

Nakatungo ang dalaga habang naglalakad. Her friends agreed to meet up with them after class. Medyo gabi na ang uwi nila so they decided na pagkatapos ng klase sila mag-uusap-usap.

Madilim na.... halos wala ng tao. It's almost seven in the evening na rin kase...

She waited for him to say something pero nanatili lamang itong tahimik.

Buong maghapon silang magkalayo. Buong hapon silang hindi nag-imikan. Ni pagtingin dito ay iniwasan nya para walang masabi ang mga tao sa paligid nila. Si Pierre ang kadikit nya maghapon.

Ito yung malayang nakakahawak sa kamay nya o nakakaakbay sa kanya sa harap ng maraming tao.

Girlfriend... 

Ngayong naging ganito na sya... parang gusto nyang maiyak. Bakit sa taong hindi pa nya gusto sya magkakaroon ng relasyon?

Nandito na sa tabi nya yung taong gusto nya pero bakit hindi pwedeng maging sila?

She sighed as they entered the room at the end of the hall. May mga upuan na nakaikot. Nakaupo doon sina Lei, Eula, Eli at Keeme. May dalawang bakanteng upuan na she's guessing ay para sa kanila.

Matamang nakatingin sa kanila ang apat, nasa may pintuan pa lang sila.

She gave them her sheepish smile saka sya naupo sa tabi ni Lei. Naupo din si Zelo sa tabi nya.

"Ano 'to? Council meeting? Bat ang seseryoso nyo?" she joked.

Tumingin sa kanya ang apat.

"Galing ah... parang wala lang nangyari," Lei finally said.

Natahimik sya.

"Magtapat nga kayo sa 'min... may relasyon ba kayong dalawa?" mataray na tanong ni Eula. Mukhang kaiiyak lang nito.

"W-Wala nga!" mariin nyang tanggi. "I was the one who kissed him. Ako lang yung mapilit. Ayaw nya pero pinilit ko sya. Di ba?" she nudged Zelo.

Kagaya ng napag-usapan natin... I'll carry the mess I created by myself. Ayaw na kitang idamay. Please... sakyan mo na lang ang sinasabi ko.

"Huy!" untag nyang muli dito. "Sumagot ka naman!"

"Ano Zelo? Totoo ba?" tanong ni Eli.

Nakita niyang saglit na nagkatinginan sina Keeme at Zelo. Zelo held her hand after. Pilit nya iyong binabawi pero ayaw nitong bumitaw.

Saka nito pinadaanan ng tingin ang barkada.

"Ayan." he raised their intertwined hands. "Yan ang totoo."

Ilang minuto ang lumipas ng walang nagsasalita sa kanila. Nagkakatinginan silang magkakaibigan. Titingin sa dalawa, maiiling, magkakatinginan at titingin ulit sa kanila.

"Ano na namang kalokohan 'to ha?" naiinis na tanong ni Lei.

"Gusto nyo ng totoo? Eto ang totoo," sagot ni Zelo.

Dama tried pulling her hand from him pero hindi ito bumitaw.

"Z-Zelo..."

Sa wakas ay tumingin na rin ito sa kanya. "What's the point kung itatago pa natin sa kanila, di ba?" Ngumiti ito. "Mahal kita... hindi ko yun dapat itago sa mga kaibigan ko."

She immediately turned red.

"What the fuck Zelo! Magpinsan kayo di ba?!" paghuhuramentado ni Lei.

"Oo nga! Alam nyo bang kasalanan sa Diyos yan?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Eula.

"Hindi naman sila magpinsan eh," sagot ni Keeme sa magkapatid. Gulat na napalingon ang mga ito dito.

"Ano?"

"Pakiulit?"

"Hindi sila magpinsan," pag-uulit nito.

"May ganyan ka na palang nalalaman, hindi mo man lang sinasabi sa 'min?" Lei said in anger. "Pare-pareho nyo kaming pinagmumukhang tanga. Alam nyo yun? Hindi namin kayo maipagtanggol kase alam namin na kayo yun eh!"

"Sorry na Lei," mangiyak-ngiyak niyang sabi sa kaibigan. "Sorry na... hindi naman kase namin akalan na may makakakita eh."

"At hanggang kelan nyo balak itago sa 'min ha? Kung hindi pa kayo huhulihin, di kayo aamin eh!"

 "Sorry na kase!" natuluyan na sa pag-iyak si Dama. 

"Wag kang umiyak tanga! Naiinis lang ako sayo. Kung sana sinabi nyo agad sa 'min eh di naipagtanggol ko kayo sa bruhang Tassie na yun!"

Yumakap si Lei sa kanya. Sumunod na rin si Eula.

"Oo nga! Ang bitter nya masyado! Akala mo santa sa bait, magaling lang palang magtago ng sungay!" dagdag nito.

Puro luha man sa pisngi ay napangiti ang dalaga at gumanti ng yakap sa magkapatid.

"Group hug!!!" Eli announced saka yumakap sa tatlo. 

"Adik!" Itinulak ito ni Eula at saka sila tuluyang naghiwa-hiwalay.

"So pano yan? Kayo na ni Pierre di ba?" 

"Bakit mo kase pinabayaan Zelo?"

"Tingin nyo ba gusto ko yun?" inis na sagot ng binata. 

"Naaawa na ako sa inyo best," nakasimangot na sabi sa kanya ni Eula. "Matagal na ba kayo?"

"Ilang months pa lang," sagot niya habang nagpapahid ng luha.

"Kaya pala minsan, parang iba yung tingin nyo sa isa't isa eh. Hindi ko na lang binibigyan ng malisya kase akala ko ganun lang talaga kayo," Eli shared.

"So ano'ng plano nyong dalawa?" tanong ni Keeme sa kanila.

"Siguro hahayaan na muna naming mamatay yung issue na ginawa ni Tassie," sagot dito ni Zelo.

"Handa kang ipaubaya si Dama sa iba habang inaantay nyo yun?" pabalik nitong tanong.

"Hindi ko naman sya ipapaubaya eh," tumingin si Zelo sa kanya. No--stare is more like it. "Sa 'kin ka lang di ba?"

Kiilig ang barkada sa sinabi nito. Napangiti naman siya.

"Hoy Zelo gumaganyan ka na ha! Dati lang hindi ka tumitingin sa mga babae!"

Nagtawanan sila. 

"Oy Keeme... since naman na nagladlad na kami.... baka gusto mong sumunod?" Dama grinned at Keeme. Biglang nawala ang ngiti nito at umiwas ng tingin.

"Ano'ng aaminin ni Keeme? Hoy! Wag mong sabihing may nahalikan ka rin?" tanong ni Lei. Nagkatinginan sina Dama, Eula, Zelo at Eli.

"Keeme amin na!" pagpilit nila dito.

"Wala naman akong aaminin eh!" 

"Sus! Dali na!" 

"Aamin na yan!"

"Wala nga!"

"Dali na! Aminin mo na kase kay Lei!"

Eula glared at Eli. Nadala kase ito sa moment kaya ayun... nadulas.

"Oops!"

Nagkatinginan sina Lei at Keeme. Kumunot ang noo ng dalaga.

"Aamining ano?" tanong nito sa binata. "Hoy Keeme Jace Astel, ano na namang kalokohan 'to?"

"Aba malay ko!"

"Eeee... dali na Keeme! Amin na kase!" pagpipilit ng mga kabarkada nila.

Nagdabog ito. "Wala nga kase akong aaminin sa kanya! Wala naman akong gusto sa kanya eh! Ang kulit nyo lang!" naiirita nitong sabi.

Natahimik sila bigla.

"Si Eula ang gusto ko, maliwanag?" Pagkasabi'y lumabas ito ng classroom at iniwan sila.

xxxxxx

AN: So... maikli ang UD. Antok na antok na eh... saka distracted. Ang dami kaseng maingay kanina. haha... anyway, sana magustuhan nyo. ^^

DAMA: The Princess BitchWhere stories live. Discover now