CHAPTER 19: STATUS BEYOND THE CLOUDS

1 0 0
                                        

*sa cafeteria, habang kumakain na ng tanghalian sina Lily, Lance at Liam pagkaalis ni Katie...

Lily: Alam mo, bagay kayong dalawa ng bestfriend ko eh?

*saka na nabulunan si Liam sa pagkain at saka ito kumuha ng tubig upang maiinom...

Lance: Lily, tama na yan. Nasa harap tayo ng pagkain.

Lily: Bakit Kuya? Totoo naman ah. Tutal magkakilala naman kayo, baka pwede ko na kayong ireto sa isa't-isa.

Lance: Hoy, trabaho ang ipinunta ni Liam dito hindi paglalandi. Alam mo naman siguro kung ano ang sitwasyon nina Liam sa probinsya diba?

Lily: What? Galing ka sa probinsya?

Liam: Opo. Kaya malabo po yang sinasabi nyo Ma'am Lily. Hindi po magugustuhan ni Ma'am Katie ang isang kagaya ko.

Lily: Oh...

*saka na sila nagpatuloy sa kanilang pagkain. Habang si Katie naman na kumakain sa kanyang opisina, pinuntahan sya ng Head Supervisor nito na si Ma'am Queenie. Nasa late 20s na ito kaya para na rin ito naging ate ni Katie sa kanyang opisina...

Queenie: Oh mag-isa ka na namang kumakain dyan.

Katie: Madami po kasi akong gawain eh. Kain po tayo ma'am.

Queenie: Thanks. Kakatapos ko lang din na kumain eh. Why don't you join with the clan? Andun sila sa likod kumakain ah.

*saka na napalingon si Katie sa grupo ng tatlong babaeng kumakain sa may sofa. At nang tingnan din sya nito ay napairap nalang ang tatlo kay Katie...

Katie: No thanks nalang po. Hindi ko po tipo na kasama ang mga yan eh.

Queenie: Hay naku talaga sina Charrie oh. Hindi na mapagkumbaba. Kinaiinggitan ka pa rin.

Katie: Hayaan nyo nalang po siguro sila ma'am. Wala din naman po akong balak na manatili dito eh.

Queenie: Hays sayang talaga dahil uunahin mo pa yung pangarap mo na sa Amsterdam makatrabaho kaysa sa amin dito. But what can we do? Nauna yung pangarap mo kaysa sa amin eh.

Katie: Don't worry po, ma'am. Hinding-hindi ko rin naman po makakalimutan ang lahat ng kabaitang ipinakita nyo sa akin eh kahit saan man po ako magpunta.

Queenie: Goods. By the way, did you already heard the news?

Katie: News po? Tungkol po sa ano?

Queenie: About a group of publishers that came here in this school for their first publishing entry.

Katie: Ah opo nga po. Andun nga daw sila sa nursing department ngayon eh.

Queenie: Oh how did you know?

Katie: May pakpak po kasi ang balita eh. And ang kuya ng bestfriend ko ang nagmamay-ari ng publishing company na yun.

Queenie: Ah si Lance Montenegro?

Katie: Opo sya nga po.

"Oh ano na namang mga Lance Montenegro ang pinagsasabi nyo dyan ha?"

*saka na pumasok sa eksena ang mga bestfriend na lalaki sa trabaho ni Katie na sina Henry Devera at Noah Sales...

Queenie: Uh guys, may pinag-uusapan lang naman kami na importante. Girl talk only.

Noah: Sus eh lalaki na naman ang narinig namin eh. Kunwari pa kayo.

Queenie: Excuse me, for all that you know, ako pa rin ang boss nyo dito, kaya wala kayong karapatan na kwestyunin ako at palabasin ako na sinungaling.

Henry: Eh wala pa naman tayo sa workplace time na tinutukoy mo eh. Yabang mo na porke nakakaangat ka na sa amin at kami ay nasa dukdukan pa rin ng hirap.

Queenie: So anong pinapalabas nyo? Na pinapahirapan ko kayo dito ha? Ganun ba ang ibig nyong sabihin ha?

Katie: Ssh tumigil na po kayo okay? Busog pa po ako at hindi pa po natutunaw ang pagkain ko sa tyan. Kaya baka hindi ko na po masikmura lahat ng kinain ko kapag mag-aaway pa kayo dito sa harapan ko.

Noah: Hayst as usual, hindi ka pa rin kumakain ng okra. Hindi ka naman mamamatay nyan pag kumain ka eh.

Katie: Eh ayoko nga. It's so slimy and slippery. Hindi kaya ng sikmura ko okay?

Henry: Arte talaga. Kaya ka walang jowa eh.

Katie: Heh!

Noah: Oo nga pala. May grupo ng publishing company na mag-iinterview daw sa atin bukas ng umaga. Sabi ni bossing daw, wear your beautiful and handsome smiles. May dalawang gwapo daw at isang maganda na mag-iinterview sa atin bukas.

Queenie: Oh ayan. Pag may sinabing maganda eh tatayo yang mga pantog nyo.

*saka na natakot sina Henry at Noah at nag-akto pang tinago ang kanilang pang-ibabang bahagi ng katawan...

Katie: Profanity...

Henry: Holy sh*t...

Queenie: Bakit? May mali ba sa sinabi ko ha?

*saka na nagring ang bell ng campus, hudyat na mag-uumpisa na naman ang klase ng mga estudyante sa hapon...

Queenie: Oo nga pala. Henry, Noah at Katie?

Henry/Noah/Katie: Yes po?

Queenie: Pinapatawag kayo ni Mrs. Castro mamaya. Mag-aassist daw kayo para sa Chemistry class nya mamaya.

Henry/Noah/Katie: Yes po.

*saka na umalis si Ma'am Queenie ng faculty. Pag-alis nito...

Henry: Oo nga pala Katie. Yung isa sa mga publishers na andito sa school ngayon, gusto mo bang ipakilala kita sa kanila ha?

Katie: What?

Noah: Well, it's your chance naman para-

Katie: I'm not interested. No thank you.

*saka na tinalikuran ni Katie ang dalawa upang gawin ang kanyang trabaho. Lingid sa kaalaman ng dalawa na matagal nang gustong kalimutan ni Katie ang isa sa mga publishers na si Liam pero hanggang ngayon ay hindi nya pa rin ito magawang kalimutan...

PS: The story is fictional and nothing of this happened in real life. If any of this happened in real life, this is unintentional and it was just a coincidence.

CATCH ME I'M FALLIN'Where stories live. Discover now