Kabanata 3: Sino ang kumuha?

10K 405 43
                                    

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved

==== ==== ====

==== ==== ====

Ipinagwalang bahala na lang ni Virginia ang nangyari at hindi na uli binanggit ang tungkol kay Mang Bining. Alam niyang lalo lamang matatakot si Taweng at hindi na makakatulog mag-isa. Mangungulit na naman itong sumiksik sa higaan niya o kaya ay magpapabaling-baling ng higa. Mayuyugyog ang double deck nilang higaan at hindi rin siya makakatulog nang maayos kapag nagkataon.

Nang makapanghalian...

"Ayusin niyo na ni bakla ang parlor bago ako pumunta roon," utos ni Teresita habang nagpapahid ng cream sa mukha. Mula sa salamin ay natatanaw ang dalagang naghahanda ng damit na kanyang isusuot.

"Sige nay," pagkasabi ay lumabas na si Virginia.


Magkasama na silang naglakad ni Taweng papunta sa labasan, bitbit ang mga gagamitin ng ina sa panghuhula at pagkausap sa mga kaluluwa 'raw' ng mga yumao. Sumakay sila ng traysikel at nagpahatid sa kabilang kanto kung saan matatagpuan ang hanay ng mga parlor ng manghuhula. Huminto ang traysikel sa tapat ng isang maliit ngunit maayos na pwesto. Sa gawing itaas ng pintuan nakalagay ang karatulang, 'Madam Tereece, the Psychic'. Kung pagmamasdan mula sa labas, aakalaing mahusay at tunay na manghuhula ang matatagpuan sa loob ng parlor na iyon.

Nang makababa ng traysikel ay kinuha ni Virginia ang susi at binuksan ang padlock. Inangat naman ni Taweng ang shutter door at saka sila magkasunod na pumasok. Mabilis ang pagkilos ng dalawa, palibhasa'y kabisado na ang mga dapat gawin. Naghati sila sa mga gawain. Habang inaayos niya ang mga gamit ng ina, nagsimula namang magwalis si Taweng. Pagkatapos ay isinunod nito ang paglalampaso ng sahig. Nagsisindi na siya ng mga scented candle nang dumating ang ina. Muli na naman siyang humanga sa itsura nito. Bagay na bagay sa ina ang damit na tinahi niya. Maging ang mga accessories na suot ay maganda sa paningin. Ang make-up na ipinahid nito sa mukha ay nakadagdag ng malakas na appeal.

"Kung hindi ko kilala ang motherhood mo tiyak na isa ako sa maniniwalang magaling nga siyang manghuhula at nagagawa nga niyang kumausap ng mga kaluluwa," bulong ni Taweng.

Agad naman niyang ipinagtanggol ang ina, "Marunong naman talagang manghula ang inay ano ka ba? Marunong siyang bumasa ng guhit ng palad at marunong din siyang magbasa ng tarot cards. Ang hindi lang totoo sa kanya ay ang paggamit ng crystal ball, at ang pagtawag sa kaluluwa ng mga patay na gustong kausapin ng kostumer niya. Sila ang nagre-request sa inay kaya pinagbibigyan sila. Mali nga, kasi niloloko lang sila. Pero 'yong iba ay nagkakaroon na ng katahimikan pagkatapos makahingi ng tawad at mapatawad naman ng mga mahal nila sa buhay kahit kunyari lang."

"O, Zhazha Padilla. Wala na akong sinabi. Ikaw na ang dakilang anak na palaging may pangangatwirang tama para sa motherhood!" baklang-baklang sabi ni Taweng.


Hindi pa nagtatagal ay may tatlong babae nang pumasok sa parlor nila. Inasikaso kaagad ni Virginia ang mga ito.

"Magpapahula kami, ate. Nandiyan na ba si Madam Tereece?" tanong ng isang nakapusod ang buhok.

"Nandiyan na siya sa loob, nagme-meditate pa nga lang. Maupo muna kayo," nakangiti niyang sabi pagkatapos ay pumasok na sa kinaroroonan ng ina. Parang isang clinic at mga pasyente naman ang tatlong babaeng kapapasok lang. Binigyan ni Taweng ang mga ito ng numero. Sandali pa ay may pumasok uli at gaya ng nauna, binigyan din ang mga ito ng numero. Walong katao agad ang magkakasunod na pumasok. Lima sa mga ito ang magpapahula at ang tatlo naman ay kasama lang.

"Lima na ang may hawak na numero Nay, magtatawag na ba ako?"

"Teka lang, hayaan mo pa silang maghintay sandali. Mas maganda kung hindi tayo nauubusan ng kostumer sa loob. Malaking propaganda iyan para mas makahatak tayo ng magpapahula. Mas maraming nakikitang tao dito sa loob, mas marami tayong maeengganyong dito na magpahula dahil magaling ako!" bilib na bilib sa sariling sabi ni Teresita.

Lady PSYCHIC (lumuluhang kaluluwa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon