Prologue

16.2K 121 1
                                        


                       FAITH'S POV

Matteo Montenegro is a 32 year old businessman. Isa siya sa pinaka kilala at maimpluwensyang tao pagdating sa larangan ng negosyo. At his age ay hindi na halos mabilang lahat ng mga negosyong naipatayo nito mapa loob o labas man ng bansa.

"What?! Siya si Matteo Montenegro?"

Agad naagaw ang aking atensyon sa kadarating lang na lalaki at saktong huminto ito sa aming harapan. Freya, my twin sister looked at the man with disgusts.

"You've got to be kidding me, Mum! Ipapakasal nyo 'ko sa isang lumpo?!"

Mabilis na tinakpan ni Mama ang bibig ng kambal ko sabay pinanlakihan niya ito ng mata. "Watch your mouth, Freya. Hindi kung sino-sinong lalaki lang 'yang kaharap mo." May halong diing saad ng aming ina tsaka ito muling humarap dun sa lalaki.

"Pasensya na po kayo sa inasal ng anak ko, Mr. Montenegro, nagulat lamang po siya."

Hindi umimik iyung lalaki at diretso lang ang tingin nito sa kawalan. Palihim ko naman itong pinasadahan ng tingin. He's dashingly handsome. From his deep, blue eyes, thick brows, pointed nose down to his firm jawline. Walang tapon.

He's currently sitting on a wheelchair habang nasa likod naman niya ang isang matangkad na lalaki na naka all black attire, must be his bodyguard. It's obvious that he can't walk.

"Wait, are you blind?" Ang diretsong tanong ng kambal ko habang naka kunot ang noo. Muli ay hindi naman umimik iyung lalaki kaya ang bodyguard na niya ang sumagot.

"Yes, my boss is blind but-"

"Oh, come on! Lumpo na ta's bulag pa? Ganyang klasi ng lalaki ang nais mong ipakasal sa'kin? What kind of a mother are-"

"Enough, Freya!"

Isang malakas na sampal ang syang nagpatigil sa kapatid ko. Our mother just slapped her, eyes' filled with anger. Mukhang hindi niya na kinaya ang harap-harapang pang-iinsulto ng kambal ko sa future husband 'kuno' nito.

Well, I didn't know na bulag at lumpo pala ang isang Matteo Montenegro. Simula't sapul kasi ay never nag face reveal ang Matteo na 'to– ngayon lang. Matunog ang pangalan niya pero ni minsan ay hindi ito nagpakita sa publiko dahilan kung bakit binansagan siyang The Mysterious Businessman.

"I hate you, Mum!" After saying that ay kaagad na nag walk out si Freya at naiwan kaming apat dito sa may salas ng aming bahay. Me, Mama, Matteo and his lets-say bodyguard.

"I'm so sor-"

"Since your daughter didn't agree, I want you to give me my fifty million, and I want it now."

Parang biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan matapos marinig ang malalim at may kalamigang tinig ni Matteo.

Biglang lumuhod sa harap niya si Mama na ngayon ay lumuluha na. "Nakikiusap ako, Mr. Montenegro, isang pagkakataon pa. Mababago ko rin ang isip ng anak ko-"

"And do you really think na papayag pa akong magpakasal sa babaeng yun after she insulted me? Fuck. I can easily kill her right now." At nagtagis ang bagang nito.

Para akong tinakasan ng dugo sa narinig. Wala sa sarili akong napatitig kay Mama at miski siya'y namutla rin.

"D-don't do that, please... Ito, si Faith," bigla akong hinila ni Mama palapit kay Mr. Montenegro. "She's Freya's twin sister. S-siya ang magpapakasal sa 'yo kapalit ng utang ko..."

Married To The Mafia Boss (Complete ✓)قصص لتهوسّ بها. اكتشف الآن