YUAN'S POV


  Tinitingnan ko yung mga papel na pinasagutan sakin ni Sandra, sa dami nito nasagutan ko lahat isang libro na yata to e. 5:30pm na..

"oh, tapos na---" hindi ko  na natuloy yung sasabihin ko dahil pagtingin ko bagsak na ang ulo niya sa mesa, oo, nakatulog na siya. Dahil na rin siguro sa pagod...

 Hindi naman kasi ako mahina sa math o sa kahit na anong subject, kung tutuusin, kaya ko naman magrevie mag-isa kahit walang tutor, yon nga lang. Madalas tinatamad talaga ako pag walang pumipilit sakin. HAHAHA.




 Nilapitan ko siya at pinagmasdan habang tulog.. Sheeeeet, ang ganda niya. Para siyang batang paslit lang na natutulog, yung tipong naghihintay na kinabukasan makikita niya si Santa Claus. HAHAHA.



 Ilang minuto ko din siyang tinitingnan , hanggang sa napansin ko nalang nakangiti na ko. Tumayo ako at tumalikod, tiningnan ko ang labas mula sa bintana, gabi na.. Hindi ko pa makontak si Manong..


 Hihintayin ko nalang magising tong babaeng to baka masampal ako pag ginising ko e.

.

.

.

.

.


ALYANNA'S POV

 Unti unti kong minulat yung mata ko, naramdaman kong ang sakit na ng batok ko, dahil siguro sa ngalay.


hmm? teka, nasa library pa rin ako tama ba? Mabilis kong iniangat ang ulo ko, sheet. anong oras na? Tiningnan ko yung cellphone, and for god sake, 7:20 na.. Ano ba to?


Pagtingin ko sa harap ko, nakita ko si Eric, 



tulog..


 Bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina, pinatong ko ulit yung ulo ko sa mesa, at humarap sakanya. Sobrang lapit na ng mukha ko sa mukha niya.


yung mata, ilong, bibig, lahat yon perfect hindi ko alam kung meron pang maiipintas sakanya.


yung blonde niyang buhok super bagay  , yung tipong pantasya talag ng lahat.


Kapag ganito lang siya, mukha siyang Prince charming, pero kapag gising naman siya mukha siyang Vampire Knight kasi naman pag kausap niya ko, palagi nalang siyang masungit.



Masyado na kong nag-eenjoy sa pagtitig sa magandang hulma ng mukha niya nang bigla siyang dumilat.


 Oo, at malamang sa malamang, nagkagulatan kami.


Pakiramdam ko uminit yung buong mukha ko, agad akong tumayo. At dahil nga hindi ko na alam ang gagawin ko, inayos ko na agad yung sarili ko pati na rin yung mga gamit ko..

 At siya, nakatingin pa rin saken. Iniisip siguro nito pinagnanasahan ko siya habang tulog siya. -.-


Lupa, kainin mo na ko, utang na loob =.=

"ahh.. ano..ano.. ahh.. gabi na, uuwi na ko. Sige"

"sandali.. ihahatid kita"

"hindi na ok na naman ako e.."

"alam mo ba kung anong oras na?"

 TUmingin ako sa relo ko.. shockssss.

"8:00"

"see? tingin mo hahayaan kitang umuwi mag-isa ?"


 Sabi sainyo e, kapag gising si Eric, Vampire Knight ~.~



.

.

.

Lumabas na kami ng school, si Eric, panay ang pindot sa cellphone niya. Siguro kinokontak niya si Manong. Nasaan na ba kasi si manong?

.

.

"hintayin mo ko dito, kukunin ko lang motor ko, wag kang aalis"

"okay." as expected.

.

.


Maya maya nalang din, tumigil sa harap ko si Eric sakay ng motor niya.

"suot mo na yan"

"huh?"

"bingi ka ba?"

"ahh. teka, hindi ba si manong yung maghahatid saken sa bahay?"

"hindi ko siya makontak, so I think we have no choice, wag ka ng maarte"


 At obviously wala na naman akong nagawa, sinuod ko yung helmet at sumakay na sa motor niya.. HIndi ko alam kung saan ako kakapit. My God!


"Kumapit ka baka mahulog ka"

"okay.."

kumapit lang ako sa leather jacket niya, haler, nakakahiya kaya. ano namang gagawin ko? yayakap talaga.


 Pero nung papaharurutin niya na yung motor, muntik na kong malaglag, buti nalang nahagip niya agad yung kamay ko.

  

Hawak niya kamay ko ~.~


At hihimatayin ako sa sumunod na eksena, iniyakap niya yung mga kamay ko sakanya,


"sabi nang kumapit ka, kailangan ko pa bang i-demo sayo ibig sabihin nung sinabi ko?"



Hindi na ko sumagot pa, palagi naman akong talo sakanya e. Nakakainis din minsan.


  At ngayon , pauwi na nga kami sa bahay namin. Charot. ihahatid niya na ko sa bahay. This is the first time kasama ko talaga siya sa sasakyan, motor niya pa, tapos ganitong eksena, sobrang bago saken ng araw na to. Hindi ko man maipaliwanag kung ano man yung nararamdamn ko ngayon , alam ko gusto ko to.


Si Yuan kaya, ano kayang iniisip niya ngayon?


********************************************

NAENJOY KO ANG CHAPTER NA TO. KAHIT AKO YUNG AUTHOR, KINIKILIG AKO!. HAHAHAHA

-cyrusblack

'Til it's timeWhere stories live. Discover now