ALYANNA'S POV
Masyado yata akong napuyat nang dahil sa nangyari kahapon, ang gulo gulo na ng isip ko. Ano bang nagyayari sayo Sandra? Umayos ka nga.
"huy, ilang oras mo balak titigan yang mukha mo sa salamin ha?"
"nanay Emma, naguguluhan ho kasi ako e."
"halika nga rito. Oh, inumin mo to." binigyan niya ko ng gatas.
Si nanay Emma, bata palang ako siya na ang nag-aalaga saken, dati yaya lang talaga ang turing ko sakanya, pero ngayon mas nanay ko pa siya kesa sa totoo kong ina.
"ano bang problema ng anak ko?"
"nay, nainlove ka na ba?"
"oo naman, naalala ko pa nga si Fernando, yung kabataan namin...teka, mukhang naiinlove na ang anak ko ah. Sino naman ang maswerteng lalaki ha?"
"nay hindi. At saka alam niyo namang hindi ako pwedeng mainlove di ba? magiging hadlang lang yon sa pangarap ko, at saka pagkagraduate aalis na ko di ba? So hindi yon pwede"
"anak alam mo ang pag-ibig parang hangin yan, hindi mo makikita kung nasan, pero mararamdaman mo lang, hindi mo mapipigilan basta nandyan lang, at kapag sobrang nainlove ka na, yung tipong ika nga nila e nabaliw na, baka nga ikamatay pa"
"nay--"
"syempre alam ko namang hindi ka aabot sa ganon. Ang ibig sabihin ko lang, kapag napapansin mong naiiba na yung ihip ng hangin, pakiramdaman mo lang, huwag mong dedmahin, baka utot na yon. hahahahaha" muntik ko ng maibuga yung iniinom kong gatas dahil sa joke ni nanay.napatawa ako sa sinabi niya. benta saken yon ah.
"nay naman e."
"alam mo kasi anak bata ka pa, wag mo ng seryosohin at saka kung meron mang lalaki na nag-iinspire sayo ngayon, baka naman crush lang. Hindi love. wag mo munang seryosohin yang mga ganyang bagay"
"opo nay."
"sige na, kumain ka na dyan, at mag-gayak ka na, baka malate ka sa school mo."
Sinunod ko naman agad si nanay.
.
.
.
.
.
.
YUAN'S POV
"aba! milagro tong nakikita ko , pakibatukan nga ako, baka nanaginip lang ako e." .. at ayon nga at dahil mortal na kaaway ni erika si archie, binatukan nga niya.
"ano? gising ka na?"
"aray naman babyloves, pakiss nga"
"sige subukan mo, sisipain kita dyan"
Dalawa tong talaga. Nandito ako nga pala ako ngayon sa library, nagrereview, oo tama kayo ng nabasa, nagrereview ako. May long test kasi kami sa friday at kailangan kong makapasa, kaya ako nagrereview ngayon kasi medyo awkward ako pag tinuturuan ako ni Sandra, hindi ko alam kung bakit, nakakainis na nga e.
"mukhang bago yan kambal ah.."- erika
"guys, may long test tayo bukas, remember? Kailangan kong makapasa"
"ayos yan, dude, nagreview na ko sa bahay"
"talaga lang huh?"
"oo naman. inspired kasi ako sayo babyloves"
"gago talaga ne'to.."
"wag nga kayong magulong dalawa dyan, nag-aaral pa ko oh. "
"ibang iba ka na tol, grabe.."
YOU ARE READING
'Til it's time
Fanfiction".. blue moon? na kung sino daw yung kasama mo sa ilalim ng blue moon ,siya ang makakasama mo habang buhay? kalokohan yon". "bakit mo naman nasabing kalokohan? Totoo kaya yon". "totoo kasi pinapaniwalaan mo, alam mo kapag nagmahal ka hindi mo yon ia...
