"gusto ko na talaga yata siya simula pa nung una ko siyang nakita" syempre sa utak ko lang sinabi yon..
"wala. ok siya. Bakit di mo ligawan ?"
"ayoko. Kayo bagay ne'to e. Oh, sayo na yan" tapos non, nilagay niya sa bag ko yung poster. Baliw talaga tong si Archie.
.
.
.
ALYANNA'S POV
Masyado naman yata akong napagod sa photoshoot na yon. Bakit kasi kailangan ako pa yung ilagay sa poster na yon? Porke ba ako yung valedictorian?
Oo, pakulo yon ng school na to. Yung may mga poster pag tapusan na ng school year para sa susunod na pasukan makahakot pa sila ng estudyante para mag-enroll sa school na to, since university to kaya may mga ek ek na ganyan.
Wala tuloy akong na-attendan na klase maghapon, dahil sa mga ganito, in 3 months, finals na tapos sabay tong mga ganito. Excuse naman ako sa mga klase ko pero gusto ko pa rin yung nakakattend ako ng mga klase.
Pagtingin ko sa relo ko, 3:22pm na pala,dali dali akong pumunta sa library dahil tyak na nandon na ang mokong, away na naman kami nito kung magkataon.
.
.
.
Pag punta ko sa library, tama nga hinala ko, nandon na siya, at ang gwapo niyang tingnan pag seryoso siya sa pagrereview. Sana palagi nalang siyang ganyan yung tipong ang bait ng awra niya, hindi siya mukhang bampira ngayon :)
Lumapit ako sakanya.
"sorry, late ako"
"it's okay" o_O
"ah.. eh.. math tayo ngayon di ba?"
"umuwi ka na, kaya ko na to." gosh, tama ba tong naririnig ko? Hindi niya ko sinisigawan o sinupladuhan?
"huh?"
"sabi ko magpahinga ka na, umuwi ka na"
"hindi.. okay lang ako. Nangako ako na tuturuan kita di ba? Ayoko namang sumira sa pangako"
"magkikita naman tayo sa monday e, saka nalang ulit. Pagod ka sa photoshoot di ba? sige na, umuwi ka na" pati yon alam niya? Oh my! Hindi kaya nakita niya na yung ibang poster? Nakakahiya ka Sandra, for sure sa isip niya pinagtatawanan na niya ako..
"hindi.. okay lang talaga..."
"makulit ka tala---"
"hep!. preno ka dyan.. ingay mo.. oh eto, gumawa ako ng mga example ng mga equation na posibleng kasama sa exam, sagutin mo na yan ngayon then ichecheck ko agad, para sa monday iba naman yung aaralin natin.."
"okay ka lang ba talaga"
"oo naman. okay? sige na. start ka na.."
Hindi na siya komontra pa, at sinagutan ang papel. Ako naman? Panakaw na naman akong tumitingin sakanya. HIndi ko alam pero kahit halos kilala ko na tong si Eric dahil sa pagiging sikat niya, may bagay pa rin talaga akong hindi alam sakanya, parang pakiramdam ko hindi naman talaga siya ganyan, pakiramdam ko may iba talaga e.
.
.
KAMU SEDANG MEMBACA
'Til it's time
Fiksi Penggemar".. blue moon? na kung sino daw yung kasama mo sa ilalim ng blue moon ,siya ang makakasama mo habang buhay? kalokohan yon". "bakit mo naman nasabing kalokohan? Totoo kaya yon". "totoo kasi pinapaniwalaan mo, alam mo kapag nagmahal ka hindi mo yon ia...
#TutorialDay3
Mulai dari awal
