One- Shot

12 0 2
                                        

Warning: This chapter contains scenes with physical violence and inappropriate words, reader's discretion is advised.

Note: This is a one-shot story, the following scene is set in the middle of the story. This is experimental since i'm new at writing, thank you for reading!

"Wo, pa'no naman ako? 'wag mo naman akong iwan, o." sigaw ni Aiden sa kalayuan.

Note: "Wo" is short for "Lewo", Leo's nickname.

Ang lakas ng ulan, parang bagyo na yata. Basang-basa na kami pareho sa ulan. Pinisil ko nalang ang kabilang braso ko, nakaawang ang aking mga labi at halos ibuhos ko na lahat ng luha ko na pwede kong ibuhos.

Biglang nag iba ang mood ko nung madinig ko ang tinig ni Aiden sa may kalayuan. Tangina? siya pa talaga may gana na mag makaawa sa'kin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya?

Tumakbo siya palapit sa'kin at niyakap niya ako ng patalikod. Putangina!

"What the hell, Aiden!", napasigaw ako na umalingaw-ngaw sa gitna ng soccer field sa University namin.

Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakayakap sa'kin ng mahigpit. Nangdilim na ang paningin ko, and before i knew it, may pasa na siya sa kaliwang pisngi niya. Oo, nasuntok ko si Aiden.

"You cheated on me...at sa ex-girlfriend mo pa?!". Humagulgol ako ng iyak, habang sya ay nakayuko pa'rin.

Hindi ko inaasahan na luluhod siya. Nagulat ako no'ng kinuha niya ang mga kamay ko at tumingala siya sa'kin.

"P-please, Wo, let me explain naman oh, di mo ako p-pinapakinggan e." nanginginig niyang boses na di ko mawari kung dahil ba sa ginaw ng ulan o sa takot.

Natauhan ako sa ginawa ko, hinawakan ko ang pasa sa kanyang pisngi gawa ng malakas kong suntok.

"L-love, I-i'm so sorry." humagulgol ako nang mas malakas at niyakap ko siya ng mahigpit.

Mas lumakas ang ulan at hangin, lalong guminaw. Parehos na kaming nakaluhod sa gitna ng Soccer field, magkayakap at nanginginig na sa sobrang ginaw.

"Wo, mahal na mahal kita. 'Di ko magagawa sayo yun." Bulong niya sa'kin.

Umatake na naman ang bipolar disorder ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa naggawa ko sa kaniya.

"Aiden, i'm so sorry. B-baby, anlaki ng pasa mo." paiyak kong sagot sa kaniya.

"Naniniwala ka naman sa'kin 'di ba?" pangisi niyang tanong sa'kin.

"Oo, baby. Naniniwala ako sa'yo." ngumisi ako at hinalikan siya sa kabilang cheeks niya, iyong walang pasa.

"Baby, nahihilo ako. Hindi ko na ma feel ang init mo-" Nawalan siya ng malay.

Shit! Shit! Ano 'tong ginawa ko. Nagsimula na akong magpanic, Shit, iyong phone ko naiwan ko sa dorm! kinapakapa ko ang mga bulsa niya kung may dala ba siya na phone.

"Baby! hey, gising love, please!" Umiyak na naman ako. Shit! di-ni-al ko agad ang 911. Mabuti naman ay mabilis silang rumesponde.

Nasa hospital na kami ngayon, tinawagan ko parents niya, pero di pa'rin sumasagot. Nasa labas ako ng room niya, sa may alley. Nakahintay, piniprepare pa kasi nila iyong room. Napbuntong hininga ako, at napaisip ng kung ano-ano. Hindi ako mapakali, hanggang dumating si Kuya.

"Kuya Kael!" tinawag ko siya mula sa bangko ng alley patungo sa elevator.

"Wo, nasaan si Aiden?" tanong niya habang papalapit sa'kin.

"Ba't namamaga iyang mga mata mo?" nanalaki ang mata ko sa tanong niya. "Umiyak ka ba?" follow up niya.

Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

"Uh, nabasa kasi nung may dumaan na sasakyan sa harap ko papunta dito sa hospital". pangisi kong sagot kay kuya.

"Gan'on ba? Kumusta si Aiden? Ano ba kasi nangyari?" tanong niya habang inaabot sa'kin ang pinapadala ko na damit sa kaniya.

"Uh-" Bago pa ako maka isip kung ano ang isasagot ko ay bigla niya akong tinapik sa balikat.

"Leo, hindi mo na kailangan magsinungalin." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napalunok nalang.

"Leo, alam ko na may namamagitan sa inyong dalawa, wala namang problema sa'kin e basta magsabi kalang." Speechless ako at napayuko.

Niyakap ako ni kuya kahit basang-basa ako.

"K-kuya, basa ako e." paiyak kong sabi sa kaniya. Ngumisi lang si kuya at ginulo ang buhok ko.

"Magbihis kana, papasok tayo sa room, mukhang ready na e." Lumingon ako sa room na nasa likod ko at papalabas na ang nurse at ngumisi.

"Pwede na pumasok, sir. 'Wag lang masyado'ng galawin ang pasyente para makapahinga ng maayos." Ngumisi siya ulit at tumango kaming dalawa ni kuya at napangisi na rin.

Pagkatapos ko magbihis ay pumasok ako agad-agad sa room. Naabutan ko na dumating ang girlfriend ni kuya na may dala-dalang basket ng prutas at bulaklak.

"Ate Marg!" Pasigaw ko na tawag sa kanya at kumaripas ako ng takbo para ma yakap siya. Kumunot ang noo ni kuya.

"Oy, girlfriend ko yan ha." pabiro niyang sabi.

Nagtawanan kaming dalawa ni Ate Margaux. E, pano ba naman na hindi ko magugustuhan si Ate Marg, e palagi akong dinadalhan ng pagkain sa classroom namin, tapos sasabihin na si kuya nagpadala e, wala naman iyong pake sa'kin. tapos manununood pa 'yan siya ng full game namin sa soccer.

Kung hindi lang talaga 'yan siya jowa ni kuya, jojowain ko 'yan haha, joke lang, syempre mangingibabaw parin ang pagkagusto ko kay Aiden.
Natigilan nalang kami nung gumising na si Aiden.

"B-baby," tawag niya sa'kin.

Nagulat si Ate Marg at napatingin sa'kin. Tumango ako at ngumisi sa kaniya. Lumingon siya kay kuya at ganun din, ngumisi at tumango si kuya. Nilapitan ko si Aiden.

"Leo, alis muna kami ha? hahatid ko lang si Margaux sa kanila, hinahanap na ni tita e." Tumayo siya at kinuha ang kamay ni Ate Marg.

"Ikaw na bahala kay Aiden." Ngumisi si kuya at tuluyan silang lumabas sa silid.

"Cap-" pahabol niyang bati kay kuya pero pinatahan ko na siya.

"Baby, pahinga ka muna." ngumisi ako sa kanya, tumango naman siya sa'kin.

"Baby," hinawakan ko ang kamay niya. "I'm so sorry sa nagawa ko kanina." Naku, maiiyak naman yata ako.

Hinalikan ko ang pasa niya na gawa ng suntok ko. Napaisip nalang ako kung paano ko 'yon nagawa. Nilamon na ako ng guilt at panay sorry ako sa kanya.

"Baby, thank you for believing in me, I'm so sorry for the misunderstanding." Hinalikan niya ang kamay ko at nakabalik ito ulit sa pagtulog.

Note: This is it, for now hehe. I'll publish chapter 1 ASAP! thank you!

BENCH//MARKSStories to obsess over. Discover now