simula

13.4K 424 459
                                        


simula

˖⁺‧₊˚ ♡ ˚₊‧⁺˖

laisrén
[las-rain]

Bobong 'to.

Lagi kong bulong tuwing makikita ko ang test papers, ang grado sa portal, at ang katangahan ko sa kada-recitation.

"Allegra, Laisrén," tawag sa akin ni Ma'am Gladys.

Meron pa bang mas malas kaysa sa laging unang natatawag sa roll call dahil sa apelyido? Pipili na lang ng asawa, yung tatay ko pa talaga ang pinili ni Mama. Ayan tuloy.

Ngumisi lang ako kay Ma'am habang iniiling niya ang test paper ko na parang hopeless case. Malaking bilog na pula ang highlight, at kitang-kita ang score ko sa loob: 19/50.

Okay na. Bawi na lang next quarter. Kaya pa 'yan sa late game.

Think positive, di ba? Alangan namang iyakan ko pa, tapos na 'to.

Ayaw umamin ni Mama, pero sigurado akong sa kanya ko nagmana. Nakita ko kasi dati sa lumang baul yung mga school records niya; puro pula rin ang marka! Kaya hindi siya pwedeng magreklamo kapag hanggang line of 8 lang ang grades ko. Tuwing bagsak ang test paper ko, ibinabalik ko agad ang line of 7 niya noon bilang rebuttal.

Walang personalan. Mahal ko si Mama, pero pareho lang kaming bobo. Kaya sana walang sisihan.

Si Papa naman, sobrang talino. Lagi siyang may achievements, at kahit sa trabaho niya bilang pulis, kilala siya bilang best presenter sa buong region. Pero okay na rin na hindi ako nagmana sa kanya-minsan kasi, ang mga genius, bagsak sa personality.

Hindi naman talaga ako seryoso sa grades ko. Madalas, cramming ang sagot sa lahat ng activities. The day before na ako nagbabasa kapag may exam. Mas kaya ko pang tapusin ang isang fiction novel na may 100 pages kaysa intindihin ang lesson discussion namin.

Mas kaya ko pang magsulat ng libo-libong salita tungkol sa alamat ng pagong kaysa gumawa ng essay na related sa lesson.

Wala naman akong pakialam basta pasado. Okay na 'yun. Aral nang aral, magiging underpaid din naman tayong lahat.

Pero ang kaso . . .

"Bagay talaga sila. Parehong galing section STEM-A1," sabi ni Shae na may ngiting abot-tenga.

Kumikinang ang halos limang piercings niya sa kaliwang tenga. Astig na babae, kahit pang-soft girl ang pangalan. Ilang beses na rin siyang nasisita dahil sa mga abuloy niya sa katawan.

Sinundan ko ang tingin niya, at ngumuso nang makita ang naglalakad na rank 1 student ng STEM-A1-si Ramiel Drew Marquez. Siya rin ang president ng senior high school student government namin, kaya hindi na nakakagulat kung bakit marami siyang admirers.

Siya ang hot topic sa school namin. Mukhang tinagalan talaga ni G ang paggawa sa kanya. His dark, slightly unkempt hair highlights his sharp, cat-like eyes.

Tinitingnan ko pa lang siya, parang busog na ako.

Kung magpapalahi ako, gusto ko sa kanya na: matalino, gwapo, at matangkad.

Tumalim ang tingin ko nang makita ang babaeng tumabi sa kanya. Nakiki-crush sa crush ko. Talaga namang may epal sa buhay!

"Matalino rin 'yun. Balita ko, rank 3 nila si Olivia," dagdag ni Shae, parang radyo na ayaw tumigil.

Inirapan ko siya at hinagis ang tissue. Natawa lang siya sa pang-aasar. Nasa cafeteria kami at oras ng lunch, madalas din itong sightseeing para sa mga 'inspiration' sa buhay.

Before the Rain FallsStories to obsess over. Discover now