Biko

18 4 0
                                        

PIKIT MATANG NASASAKTAN si Jana. Isa na namang sira na bahay ang kaniyang nadaanan. Ang pamilya dito ay kabilang sa mga nawalan ng tahanan dahil sa bagyo.

Naaawa siya ngunit walang magawa ang tulad niyang mahirap lang din sa buhay.

Siya ay yumuko at nagsambit na lamang ng panalangin para sa mga ng nasalanta.

"Amen."

Tinulak niya ang kariton at nagpatuloy sa maputik na daan. Sakay niya ang mga naisalbang niyog mula sa kanilang sakahan. Sa kasamaang palad, hindi niya naisalba ang tsinelas sa matahas na daan.

Kung may ibibigat pa sa itinutulak ni Jana na kariton, iyon ang sakit na kaniyang pasan sa nakikitang dulot ng bagyo sa kanilang bayan.

Kasing lupit din nang dumaang bagyo ang ekspresyon ni Aling Rusi ng kaniyang itong makasalamuha.

May nahulog itong gamit sa putikan. "Naku!"

Nahihirapan itong yumuko upang kunin ang sandals na nahulog.

Lumapit si Jana sa ginang. "Aling Rusi, ako na po," at pinulot niya ang nadumihang pangyapak.

"Jana, ikaw pala 'yan ija. Maligayang pasko sa iyo."

Nalulungkot siyang ngumiti. "Eh, hindi naman po maligaya ang pasko."

Hindi nakasagot.

"Pero kumusta po pala kayo?" bawi niya.

Ngumiti ito ng kaunti. "Salamat sa Panginoon at ligtas kami. Kayo ba sa bukid?"

"Maayos naman po, ngunit hindi ko lang masabi sa iba nating mga kababayan."

Napatitig si Aling Rusi sa kawalan, malungkot ang mukha.

Pinahid niya ang sadals gamit ang kamay.

"Ija, huwag! Madudumihan ang iyong kamay!"

Nakangiti siyang nagsauli sa sandals.

"Maraming salamat ija. Pero matanong ko lang, ano ba iyang inilalako mo?" Lumapit ito sa kaniyang kariton. "Niyog?"

"Opo. Plano ko sanang ipagbili sa tabo," kwento niya. "Sige, mauna na ako. Ingat po kayo sa daan."

Sinimulan nang itulak ni Jana ang kariton nang magsalita si Aling Rusi. "Patungo sana ako sa anak ko upang ibigay itong aking regalo," kwento nito.

Nalulungkot siyang ngumiti. Sayang at madumihan 'yong sandals.

"Di bale. Bibilhin ko 'yang mga niyog mo."

Naantig ang tenga ni Jana sa narinig. "Po?"

"May mga tuyo ka ba diyan?."

"M-meron po."

"Bilhin ko ang lahat."

Nanlaki kaagad ang mata ni Jana. Mausisa siyang napatanong, "ano po ba ang pagagamitan niyo?"

"Gagawing latik para sa biko."

Sinipat niya ang laman ng kariton. "Lahat nang 'to?"

Tumango si Aling Rusi. "Mabuti't marami 'yan." Lumapit ito sa kariton at hinawakan ang maduming hawakan. "Oh siya, tulungan mo akong dalhin ito sa bahay ng anak ko."

"Ako na po dito, napuputikan 'yang kamay niyo," nababahala siyang umapila.

"Huwag ka nang maalala sa'kin."

Sinumulan na nila ang pagtulak sa kariton.

Napailing-iling lamang si Aling Rusi sa naputikan nitong bestida, hindi masyadong iniintindi ang dumi.

"Ayos lang po ba sa inyo? Puno na po ng dumi ang himlayan ng suot niyo."

Ngumiti ang ginang. "Alam mo Jana, noong kabataan ko, paglalako din ang kinikitaan ko."

Maiiging nakinig si Jana.

"Pursigido akong makatulong sa pamilya ko kaya kahit maulan man o mainit; kahit naliligo na ako sa sarili kong pawis o nanginginig dahil sa ginaw ng panahon ay hindi pa rin ako tumigil."

Ngumiti si Aling Rusi sa alaala.

Bumukal sa saya ang puso ni Jana sa mga narinig. "Sobrang pursigido niyo pala."

Napatawa ito. "Alam kong ikaw din. Kaya Jana, huwag kang mawalan ng pananalig, patuloy kang magtiwala na may darating na biyaya sa iyong buhay."

Hindi makatingin si Jana. Nakangiti siya ngunit hindi sumasang-ayon.

"May bibilhin po kayo?"

Tumigil sila sa tabo.

"Mga sahog pang-biko. Bigas na malagkit at asukal."

Naging abala kaagad si Aling Rusi sa pamimili. Medyo natagalan bago ito nakabalik.

Agad napako ang kaniyang tingin sa plastic nitong hawak. Sandals? "Dahil po ba nadumihan iyong pangregalo mo?"

Ngumiti lamang ang ginang. Yumuko ito sa kaniyang paanan. Nagulat siya sa ginawa nito.

"Ano po ang ginagawa niyo?"

Ipinuwesto nito ang kabibili lamang na sandals sa lupa.

"Isukat mo."

"Pero madumi po itong paa ko."

Ngumiti si Aling Rusi sa kaniya, nag-uudyok na isukat niya ang binili nito.

Dahan dahan niyang isinuot ang sandals. Nagkasya ito sa kaniya. Napatitig siya ng maigi sa suot. Komportable at maganda. Matingkad na kape ang kulay nito.

"Regalo ko 'yan sa'yo," handog ni Aling Rusi. "Maligayang pasko Jana."

Nahihiya man ay tumango si Jana. Sobra niyang nagustuhan ang regalo.

Masakit ang kaniyang mga paa at puno ng gasgas dahil sa kawalan ng pang-apak. Ito ang kailangan niya ngayon.

"Maraming salamat po Aling Rusi!"

"Walang ano man ija. Magpatuloy na ba tayo?"

Sabay nilang itinulak ang kariton.

Pag may nadadaan nila ay agad bumabati si Aling Rusi sabay pag-imbita na magdiwang ng pasko ng sama-sama.

"Pumunta kayong lahat, may kaunting palaro sa mga bata mamaya."

"Maraming salamat Aling Rusi! Dadalo po kami mamaya."

Nasisiyahan si Jana na masaksihan ang kabutihan ni Aling Rusi na kahit sa simpleng paraan.

"Bilisan natin ija. Gumagabi na nang hindi pa rin bumabalik ang kuryente, baka hindi na natin makita ang daan."

Nakarating sila sa bahay ng anak ni Aling Rusi. Guro ito sa elementarya kaya hindi na nagtaka si Jana kung bakit mayroong maraming bulilit sa bahay.

"Huwag ka munang umuwi ija. Dito ka na maghapunan."

Napagdesisyunan niyang manatili matapos makitawag sa kaniyang mga magulang na gabi na siya makakauwi. Tutulong muna siya sa mga paghahanda gayong marami-rami nang mga bisita ang dumating.

"Ako na po Ma'am," alok niya sa guro. Bitbit ang flashlight, dinadala niya ang mga putahe sa lamesa upang ihanda.

Iilan sa mga nakahanda nang pagkain ay pansit, lumpia, adobong baboy, tinolang manok, at upang kumpletuhin ang lahat, ang pinakahatak sa mga kababayan, ang biko.

"Nakakain ka na ba Jana?"

Tumango si Jana kay Aling Rusi. Sobrang busog niya nga.

"Maraming salamat po. Ngayong gabi, marami kayong napasaya sa ating mga kababayan." Mapagpasalamating siyang ngumiti. "Maligayang pasko Aling Rusi."

Hindi mapipigilan ng bagyo o kawalan ng kuryente ang kasiyahan ng magkababayan sa pagdiriwang ng pasko.

Tunay ngang walang makakapigil sa ligayang hatid ng pagsasama.

BikoWhere stories live. Discover now