Naglakad ako patungo dito at mabilis naman ako nakita ng guwardya na nag babantay sa gate, syempre saan pa ba? Ngumiti itong dalawa at binuksan ang gate, hindi ko ito pinansin at tuloy tuloy na pumasok at binuksan ang pinto ng bahas. Bumungan sa'kin ang mukhang papalabas na si mommy at daddy na halatang gulat din nang makita ako. hehehe, surprise!
"Hi mom, hi dad." Mabilis akong inirapan ni mommy at mabilis na piningot ang tenga ko. Ang sakit!
"mom, teka lang!" Binitawan naman ako ni mom at si dad naman ay may kunting sama ang tingin sa'kin.
"follow me, Eliora." May diin na saad ni mommy at nauna nang maglakad papuntang sala. Sumunod naman ako at nang makatapat ako sa tabi ni dad ay tinapik lang nito ang balikat ko at sumunod narin kay mommy.
Nakanguso akong sumunod sa kanila at nakita kong umupo si mommy sa may single sofa at umupo naman si daddy sa may kabilang mahabang sofa. Umupo ako sa kaharap ni daddy habang si mommy ay nakatingin sa'kin ng masama.
"Mom, katakot ang tingin mo." Mahinang reklamo ko dito ngunit inirapan lang ako nito na mas lalong nagpahaba ng nguso ko. Sobrang sungit talaga ni mommy.
"I'm sure you'll agree now for marrying a guy that I've chosen for you, right?" Masungit na ani nito at hindi nilubayan ang tingin nito sa'kin.
"Kung may tumanggap lang sa'kin, mommy, hindi ako papayag. Kaso wala na'kong pera eh." ani ko at sinabayan kopa nang mahinang tawa, narinig ko naman na mahinang tumawa rin si daddy kaya napabaling ang tingin ni mommy sa kanya at sinamaan siya ng tingin na ikinatahimik ni daddy. Buti nga sayo, blehh!
"You're going to meet you future husband this afternoon." Ngumungusong tumango ako at bigla kong naalala ang utang ko.
"Mommy, pakibayaran yung utang ko kay aling Flora, sisingilin naman ako 'non." Nakangiting ani ko dito at nakita kopang umiling iling si daddy habang si mommy naman ay inismaran lang ako.
"Kung wala ka sigurong utang, hindi ka babalik ng bahay. Napaka tigas talaga ng ulo mo, kaka spoiled sayo ng daddy mo nagiging brat kana." Napairap ako sa kawalan at tumayo. Nagugutom na rin pala ako.
"Mommy, sabi ni daddy, brat ka rin naman daw noong nagkilala kayo, kaya sayo talaga ako nagmana." Ani ko at mabilis na tumakbo pa puntang dinning area bago pa'ko makurot ni mommy.
"Hello, manang iya. Gutom po ako." Mahinang napatawa naman si manang iya at tumango bago ako paghandaan ng makakain.
Kumain lang ako nang kumain dahil talagang gutom na gutom ako, Ikaw kaya maghanap ng trabaho nang apat na oras hindi ka gugutumin? Seven in the morning palang ang lakad ko ni hindi manlang ako nakapag almusal hanggang sa eleven, talagang magiging patay gutom ka.
Kakatapos kolang mag bihis dahil naghahanda ako para sa pag me- meet ko sa future husband ko kuno, hindi pwedeng hindi tayo maganda kung haharapin natin ito.
Baka mamaya iisipin niyang lugi siya, aba aba hindi pwede no.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok at bumukas iyon bumungad si manang Iya. Nakangiti ito habang nakatingin sakin.
"Bumaba kana ija, kanina kapa hinihintay nina mommy mo pati ang bisita niyo." Ani nito at lumapit sa'kin saka inayos ang leeg ng damit ko at ang pagkabutones nang nasa may bandang dibdib ko.
I am wearing a dirty white melody fashion self button collar neck shirt dress and a white luxury heels at naka lugay lang ang medyo may kahabaan kong brown na buhok.
"Ang ganda ganda naman ng alaga ko." Lumawak ang ngiti ko at mabilis kong hinalikan sa pisnge si manang Iya. Mahinang tumawa naman ito at hinaplos ang pisnge ko.
"Tara na't bumaba kana, hinihintay kana nila." Tumango kang ako at nauna na siyang lumabas sa kwarto ko.
I let out a little sighed to calm myself. Sana naman gwapo ang mapapangasawa ko, kasing gwapo ng masungit na ceo ng Alaric's Company.
Lumabas ako sa kwarto ko at tinungo sala dahil doon naman nag e stay kapag may bisita. Habang papalapit ako ay may isang lalaking naka upo sa may sofa at nakatalikod ito sa gawi ko habang siguro mga magulang nito ang nasa kabilang sofa naman na nakangiti habang nakatingin sakin. Sina mommy at daddy ay nasa may tabi lang nang sofang inuupuan ng dalawang tao ang sofang inuupuan nila.
"Sit beside your future husband, darling." Ngumiti lang ako kay daddy at umupo sa may tabi ng lalaking naka yuko. Tiningnan ko ito at bahagyang napaawang ang labi ko nang mag angat ito ng tingin.
Oh. My. God!
"Ikaw?" gulat na reksyon ko dito pero mukhang wala lang ito sa kanya at hindi manlang pinansin ang reksyon ko. oh edi, ikaw na nonchalant.
May inilapag na envelope yung dalawang mag asawa sa may lamesa na ikinatingin ko dito. Ngumiti lang ito at tiningnan ang mga magulang ko.
"It's a marriage contract, sign it." Ani ni mommy na may kunting lungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin, maybe she recognized the sorrowful in my eyes.
Unti unti ko yun binuksan ang pirma ko nalang pala ang ang kulang dahil naka pirma na si Alastais Rhod Alaric? What a nice name naman. Inabot ko ang ballpen na nasa mesa at mabilis na pinirmahan 'yun at nilapag ulit.
Hindi na tayo single self, taken na tayo. May asawa na.
DawnSunrise8
✨12-30-2024✨
YOU ARE READING
Losing Game ( End Of The Game Series 1)
Romance"In the game of love, freedom is the ultimate prize." Eliora Azalei Swason, a hard headed, slash brat woman who was once forced to marry an unknown man by her own family. A family that never let her feel the freedom she wanted, she g...
CHAPTER 1
Start from the beginning
