"Take a seat, ms." Nag angat uli ako ng tingin at umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.
"Let's start." Malamig na ani nito. Tumango lang ako at palihim na pinaglaruan ang mga daliri ko.
"I only have one question, yet i didn't read your resume but I badly need a secretary now." Hindi ako nagsalita at tumango lang, aba sana naman swertihan ako nito.
"Why do you want to work?" Napatanga ako, seryuso? eh kailangan ko ng pera.
"Isn't it obvious, sir? I need money, of course." Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa naging sagot ko, oh god! It sounds rude.
"If you don't have a polite answer, you may take your leave." Napaawang yung labi ko. Sheyt, matino naman yung sagot ko ah.
Kailangan niya raw ng secretary pero tinaboy ako dahil sa sagot ko. Nakaka bother pa yung makapal niyang kilay na nagkakasalubong, hindi ko naman siya iniaaway.
"Sir, as far as I observed, matino naman po ang sagot ko. Kailangan ko ho talaga ng pera dahil panigaradong palalayasin ako ng may ari ng apartment na tinitirahan ko dahil hindi pa'ko nakapagbayad." Nagkakasalubong ang makapal na kilay nito habang malamig na nakatingin sa'kin.
"It's not my problem." Baliwalang saad nito na ikinagigil ko. Hindi kolang talagang mapigilan na manggigil.
"Sir sabihin niyo nalang kung tanggap ba'ko o hindi nang makaalis na'ko." ayy, sinabi niya na pala kanina na pwede na'kong umalis.
"I won't hire you. I know you, you are the daughter of Efram and Zeila Swason, an heir of Swason." I rolled my eyes, nakakainis. Palagi nalang ganito sinasabi nilang lahat kapag nag aapply ako. Kairita.
"Eh ano naman? kahit naman anak ako ng kung sino, kung wala akong pera wala talaga." Naiiritang saad ko dito at tumayo, maka alis na nga lang.
"Where are you going?"
"Aalis na sir, kahiya naman sayo." Mabilis na saad ko dito at nagawa kopa talagang irapan ito sa pangalawang pagkakataon. well, naiirita lang ako sa kanya.
Nang hindi ito nagsalita ay walang lingon lingon na umalis ako. Scammer talaga ang babaeng naghatid at nagsabi na kailangan talaga ng secretary ng boss nila. Naiinis akong naglalakad patungo sa elevator at pumasok.
Wala talaga akong choise kundi ang sundin ang gusto ng mga magulang ko. Nakakainis talaga, porket anak ng isang Swason hindi na tatanggapin kapag mag aapply? Seriously? what's their problem?
Tuluyan na nga akong lumabas sa Alaric's Company at pumara ng taxi. Wala akong choise eh, uuwi talaga ako ng bahay. May five hundred pa naman ako, pag uwi ko awtimatikong may pera na'ko bastang umoo ako sa kanila. Makakabayad narin ako ng utang ko sa wakas, hindi na'ko bubungangahan ni aling Flora.
Isa patong nakakainis na traffic na'to, kanina pa'ko naiinis peri nadagdagan pa dahil sa tagal na naming na stuck sa traffic ni manong ng taxi. Kung may pakpak lang ako ay lumipad na'ko papuntang bahay nang makakain at makainom narin ako. Nauuhaw na nga, nagugutom pa. Langyang buhay naman 'to, parang palaka. Pakokak kokak ang galawan.
Oh, ayan tuloy, nadamay pa ang palaka dahil sa traffic na'to. Malayo layo pa naman kung lalakarin 'yun saka ayuko narin maglakad no, masakit na yung talampakan ko, idagdag mopa 'yung takong ng sandals ko.
Guminhawa naman ang pakiramdam ko nang umusad na ang sinasakyan kong taxi. Hay, sa wakas, umandar narin. Kulang na lang talaga lilipad na'ko sa sobrang pagkairita kanina, ngayon ayus naman na. Tuloy tuloy na ang pag andar ng kotse hanggang sa makarating kami sa bahay na minsan ko nang nilayasan.
Nagbayad ako kay manong at nakangusong tiningnan ang bahay na nilayasan ko noong nakaraang dalawang buwan na. Pinagtatawanan na siguro ako nitong bahay, lalayas layas tapos di naman marunong gumastos mag isa. Duhh, nag apply naman ako ng trabaho, sadyang malas lang talaga.
YOU ARE READING
Losing Game ( End Of The Game Series 1)
Romance"In the game of love, freedom is the ultimate prize." Eliora Azalei Swason, a hard headed, slash brat woman who was once forced to marry an unknown man by her own family. A family that never let her feel the freedom she wanted, she g...
CHAPTER 1
Start from the beginning
