Kabanata One: Crush

5 0 0
                                    

CARA's POV

"Sige, bagalan mo pa. Wala na bang ibabagal yan?"

"Wait ok? Easy ka nga lang dyan. Namimili pa nga ko eh. Ano bang mas masarap? Tubig o Ice Cream?"

"Malay ko sa'yo. Tignan mo kaya yang mga hawak mo. Worth 100 na yan oh. Tama na yan. Wala kang kabusugang babae ka"

"Gusto ko kase ng may nginunguya kada oras"

"Oh sya, magbayad ka na. Bagal bagal"

"Tara! Samahan mo ko"

Pumunta na kami ng bestfriend kong si Niall sa cashier.

"Eto nga po" nag abot ako ng buong 200.

"Pa-load nga po"

Biglang may tumabi sakin na lalaki. Ang bango nya.

Napatingin ako sakanya.

At pagtingin ko. Si CALUM!!! Ang ultimate crush ko! Elementary palang ako! Nakaclose ko na sya dati, kaso naging famous kaya nagsuplado ngayong naging high school kami. But still.. CRUSH KO PA DIN SYA!!

Sinisiko ko tong bestfriend ko habang nakatingin pa din ako kay Cal.

Tumingin naman sya sa kaliwa ko.

"Tss. Si Calum lang pala"

"SSSHH! Ang ingay mo!" bulong ko sa kanya

"Uh.. Miss? Hello?"

"HUY! Tawag ka ng cashier! Puro kase titig eh!" -Niall

"Ayy! Bakit po?"

"138 lahat. Wait lang hahanap lang ako ng barya"

"Sige po" tingin ulit kay Calum.

"Sino nagpapaload?" tanong nung isang tindera

"Ako po" sagot ni Niall with sweet voice <3

"Number?"

AYAN! KALOKA! Number daaaaw! Kinuha ko agad yung cp ko.

"09*********"

YEEEES! Buti nalang malakas pandinig ko at medyo nakatalikod sya sakin! XD

Bumalik na ulit sya sa pwesto nya. Nakaside view sya ngayon sakin.

"Magkano?"

"100 po"

Naisipan kong picturan sya. GOOD IDEA!!

Humarap ako sakanya tapos kunwari may tinitignan ako sa kabila.

*CLICK*

Processing..

Processing.

Nakita kong nagulat sya at napatingin sakin.

Namula ako bigla. Nakakahiya ka CARA!!

Nag smirk sya.

"Kung mag pipicture ka, sabihin mo lang sakin. Gusto mo kasama ka pa, Cara" tapos umalis na sya.

GRABE!!! NATUNAW AKO SA NGITI NYA SA MATA NYA SA LAHAT! NAKAKATUNAW SYA! ANG GWAPO GWAPO NYAAAA! WAAAAH!

Hindi ko na naalala yung pagkahiya that time. Kinikilig lang ako dun! Kilig na nakatulala hawak ang cellphone ko.

"Ano ka ngayon? Sound pa"

"Ineng wala talagang barya eh"

"Keep the change nalang po!" nagmamadali akong lumabas

Heart in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon