The composer

7.3K 144 6
                                    

Charles POV


Nasa kalagitnaan ako ng pagpapractice kasama ang banda ng dumating si Arnold, ang manager ko at si Roxy, ang stylist ng banda.

"Charles, tignan mo itong pinadalang bagong compose na kanta ni sweet lily." bungad ni Arnold sa akin. 

Napatayo ako. Sa wakas may bagong compose si sweet lily para sa akin. Si sweet lily ay isang sikat na composer at writer pero walang makapagsabi kung sino ba talaga siya. Ipinapadala lang niya mula sa e-mail ang mga write ups at lyrics niya. Lahat ay magaganda. 

Kinuha ko ang naprint na lyrics. 

"Hindi pa ito buo ah!" sita  ko. Tatlong stanza lang kasi yung nakasulat.

"Ewan ko ba. Nagreply nga ako kay sweet lily kung bakit kulang yan eh pero wala pang sagot." sagot lamang ni Arnold.

Napailing na lang tuloy ako. Sino kaya itong sweet lily na ito na napakamysterious? tanong ko sa sarili.

"Pandak siguro yang si Sweet lily kaya ayaw magpakita!" biro ni Hems - the drummer.

"O baka may malaking balat sa mukha kaya nagtatago." biro naman ni Blade - the guitarist

"Feeling ko nga maganda yang si sweet lily, pa mysterious lang. Ang galing pang magsulat!" wika ni Connor - the bassist

"Thats what i think also!" sagot ko. "Actually i wanna meet her in person."

"But sorry guys. Ayaw magpakita ni Sweet lily." wika ni Arnold.

Nadisappoint ako sa sinabi ni Arnold. Humahanga ako sa kagandahan ni Kirsten pero humahanga din ako kay sweet lily kahit di ko pa siya nakikita. 

Binasa ko na lang ulit yung nakaprint na lyrics.

We get so close but we never touch,
Gotta wear this mask for just long enough
To get away from all the eyes that stare us down.
Like two criminals with the dream to steal,
Not a trace to be found of the way we feel.
With our hearts on line, we give in and we get away.

Secret love, all the things we do,
For secret love, baby me and you,
Got a secret love.
Stayin' under cover and out of sight,
If nobody knows, then we're doin' it right.
Secret love.
Got a secret love.

When you're living a life that you gotta deny,
When you feel how we feel, but you gotta keep lying,
It's only gonna mess you up inside.
When you walk by each other in a crowded room,
And nobody sees how I'm looking at you,
But we'll meet in a minute at the rendezvous.
Only you know what I mean.

Ang galing talaga ng kanyang kamay sa pagku-compose.

"Wow ! She is really an artist! " bulalas ni Connor habang nakikibasa sa hawak ko. Napalapit din tuloy sina Hems at Blade sa amin.

"Oo nga." wika ni Blade

"Para kanino kaya itong ginawa niya?" tanong ni Hems

"Obvious ba na para yan sa secret love niya!" wika ni Connor.

"She likes someone else!" naibulalas ko.

"Tumpak!" wika pa ni Connor.

Napangiwi ako. Ang aga ko namang nabasted. Di ko pa nga siya nakikita eh. Ano ba namang buhay ito? Sana magkaroon ng himala at magkabungguan kami ni Sweet lily. 

"Tara Charles, tambay muna tayo sa the wedge!" aya ni Connor sa akin. The Wedge is Kaifer's bar in Makati. Lagi kaming naroon kapag tapos na ang gig, show o kaya ay practice. 

Hindi na ako tumanggi sa kanilang paanyaya. Ilang minuto lang ay nasa The wedge na kami at tumuloy sa private lounge doon. 

I saw Kaifer with Charlotte and Aerriel. 

Lumapit ako sa kanila.

Agad na humalik sa akin si Charlotte. "Oh kuya, andito ka rin pala!" sabi nito.

Pinaningkitan ko ito ng mata. She's not supposed to be here at this time. "Ikaw bakit nandito ka? " Napatingin ako kay kuya Kaifer pero nagkibit balikat lang ito.

"I just need to unwind myself lang kuya!" sagot ni Charlotte sa akin.

"Maya isabay ko na silang iuwi ni kutong lupa." sabi sa akin ni kuya Kaifer.

"Oo Charles sabay na kaming umuwing tatlo. Dito lang ako sa tabi niya." sabi naman ni Aer sa akin.

Mukha ngang problemado si Charlotte . Nakakatatlong shot pa lang ito ng ng vodka kaya alam kong binabantayan ito nila kuya.

"Mukhang tinatawag ka na ng mga kabanda mo!" wika ni kuya Kaifer sa akin sabay turo sa taas kung saan kumakaway na si Connor.

"Mukha nga. Sige, kayo na ang bahala sa kanya kuya!" sabi ko.

Nagpaalam na ako kina Aer at naglakad na patungo sa private lounge na nirent namin ng bigla na lang akong mabangga ng nagmamadaling babae. Di ko man lang nakita ang mukha nito, mabilis din kasi itong naglakad palayo. Hindi man lang humingi ng sorry.

What the heck?

Anong klaseng babae yun? Nagawa niyang magpunta sa ganitong bar na nakatsinelas, white na sando at faded jeans. 

Saglit akong natigilan ng maalaala ang nakita kani kanina lang. May tattoo ang babae sa batok. Kitang kita ko iyon dahil nakapusod ang buhok nito. Tattoo ng isang lily na flower.

Imposible namang si sweet lily yun! 

Iiling iling akong nagtungo sa puwesto nila Connor.


MY LOVE LYRICS FOR CHARLESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora