ADNP #19

10.4K 77 10
                                    

Nasa mall kami para mag lunch. Noon ako lang ang kasama nila pero ngayon kasama nila ang ibang girls. Sila Cherry, Babes, Amanda at Maycie. Nagkitakita kami. Wala akong balita sa kanila kung ano ang nangyari kahit noong house party. Si Don at Amanda na kaya? Nakakaselos naman kahit may James na ako.

"Where's my wallet?!" tanong ni Amanda at nakatingin kay Don.

"I don't know, you're the one who handed that. Maybe you left it on your car." Sagot ni Don sa malumanay kahit galit si Amanda.

"What the fuck Don?! Samahan mo ako. Nakakainis ka. You know naman na tayo ang magkasama sa kotse tapos hindi mo man lang pina-alala."

Naglakad sila palayo para kunin ang pitaka.

"Why are you oftenly blaming people those sorounded you if you did a mistake even you're the one who deserves that. Mainit agad ulo mo." Rinig kong sabi ni Don.

Sila na nga.

"Okay, okay!!" Rinig kong pagalit na sagot ni Amanda.

Onbvious na obvious na nag mamahalan sila. Sabi nga nila basta mahal mo ang tao, OA ka magreact pag siya ang kaaway mo. Masaya sila siguro. Ilang araw lang ang lumipas madami na ang nagbago. Buti na lang andiyan si James na nagpapasaya sakin.

Pumasok ako sa club pagtapos namin maglunch ilang oras ang lumipas. 11 pm pa lang.

"Ang gwapo naman niya." Sabi ni Mayla habang nakasilip sa pinto. Nasa loob kami ng dressing room. Siguro may nakitang gwapo.

"Apat sila Mayla. Shit, ang gwagwapo. Tang ina. First time to." Nagdedeliryo naman na sabi ni Rosana.

"Mga leche kayo. Naiistorbo ako sa kalandian niyo. Patingin nga." Sabi ni Rita at sumilip din.

Wala akong paki. Gwapo?! Sawa na ako makakita niyan. Kung makikita lang nila sila Don baka mas OA pa diyan ang reaksyon nila.

"Aaaaaaay!" Tili ni Rita.

Sabagay kilala ko sila. Minsan pogi na ang tao, nilalait pa nila. Baka totoong mga gwapo nga? Nacurious tuloy ako. Lumapit ako sa pinto para silipin.

"Nye! Joskopo!!" Muntik na akong himatayin. Hindi dahil sa gwapo ang mga nakita ko.

NAKITA KO SILA DON, MARLON, JERRY, ERIC.

Ano ang gagawin ko? Bakit andito yang mga yan! Nyeeeeeeeeeeeee!

"Bakit Angel?! Ngayon lang kita nakitang kiligin ah. Maigi pa lapitan mo na dahil aminado naman kaming ikaw ang pinakamaganda. Para balikbalikan tayo dito. Sige na please." sabi ni Rita sakin.

"Ayoko! Itago niyo ako. Hindi ako lalabas. Wag na kayong magtanong." sabi ko at pumasok ako.

"Bakit?" tanong ni Mayla.

"Basta!! Kayo na ang bahala sa kanila."

Sobra ang kaba ko sa dibdib nang dumating ang floor manager namin. Hinahanap ako.

"Angel, may mga kabataan sa labas. Hindi kabataan pero kabataan sila dito sa club. Super hunk. Ilabas daw namin ang pinaka maganda. Dali, I'm sure mag eenjoy ka."

HINDI PWEDE! Kaso mapapagalitan ako.

"Ma-Ma'am! Masama pakiramdam ko."

"Hindi pwede. Wala ka namang gagawin dun. Bakit pumasok ka pa?"

"Ma'am please, hindi ako pwede ngayon."

May naalala ako. Hindi habang buhay itatago ko kay Don ang pagkatao ko. Ito na yata ang tamang panahon para malaman nila ang lahat. Bakit kasi marami namang lugar pero dito pa sila nagpunta? Imposible naman na dahil sa babae? Huh? Baka maghahanap ng babaing ikakama? Pero imposibleng wala pang nangyayari sa kanila ni Amanda.

"Angel! Makisama ka naman. Hindi porke may ipagmamalaki, aasta kang ganiyan. Ang gwagwapo na nga nila maarte ka pa?!"

Sobra ang kaba ko sa dibdib. Nag sign of the cross ako at lumabas ng dressing room. Sa malayo pa lang napansin ko nang nagtatawanan sila at umiinom ng beer. Sobrang nakakahiya talaga.

Ang Diary Ng PokpokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon