ADNP #8

22K 97 5
                                    

April 2, 2015

Dear Diary

Sumama sakin sa computer shop yung isang friend ko para tulungan kong maghanap ng jowang Kano. Hindi siya makahanap, puro mga malilibog ang mga nakikita niya. Okay lang sana kung nasa kwarto kami para makapaghubad siya. Nang hindi siya makakita ay nakinggit siya sakin dahil may jowa ako. Sabi ko nga mag iipon ako para nakabili ng sariling laptop. Ilang araw palang kaming magkakilala ni James pero sabi niya, very funny daw ako dahil tawa daw ako ng tawa. Natatawa ako kasi nakakahiya sa tao. Magkausap kami sa skype, hindi ko alam kung tama ba yung mga pinagsasabi ko.

Yung kasama ko tuloy pinakausap ko sa kaniya at sinabi ko narin na ihanap siya para dalawa na kami. Ang bait ni James. Sabi niya "If you were my girlfriend, i never break your heart."

Kanina nga pala ang kulit ng costumer ko. Gusto ba naman na matulog ako sa kanila, naligo na nga kami ng sabay eh. Ginawa ko na nga lahat ng gusto niya. Aba, hindi kami pwedeng magsama ng magdamag. Bayaran niya ako kung gusto niya kong makasex ng paulit ulit. Loko pala siya eh. Gusto ba naman akong pagsawaan. No way, para kay James lang ako. Pinapatulan ko lang sila para magkapera ako.

Ilang araw nalang, mabibili ko na 'yung second hand na laptop nabinebenta sakin. Makakapag hubad na ako sa harap ni James.

Angel

Ang Diary Ng PokpokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon