Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip

Start from the beginning
                                    


"Teka. Pamilyar 'tong lugar na 'to sa akin." bulong ko sa sarili ko..


Lumingon-lingon ako, nakita ko medyo may kadiliman ang lugar pero naaninag ko pa na parang nasa isang gymnasium ako.


Hanggang sa may dumampi sa paanan ko.


"Ayyyyyyyy!!!!" napasigaw ako dahil sa gulat..


Nung tiningnan ko ito, umupo ako upang mas makita pa ito ng malapitan.


"Bola ng basketball??"


"Saan 'to galing??"


Lumingon ako, naaninag kong may lumabas ng gymnasium. Tumayo ako, naglakad papunta roon. Wala akong ideya kung ano ang nagyayari. Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko lamang ay liwanag. Nasilaw ako hanggang sa napapikit ako. Unti-unti kong dinilat ang mata ko.


"Ha? Nasaan ba ako??"


Naglakad ako. Naglakad ng naglakad hanggang sa nakakita ako ng puno, isang puno na pamilyar sa akin. Pinagmasdan ko ito ng malapitan, umupo ako rito at.


"Kilala mo pa ba ako?"


May biglang nagsalita, natakot ako kasi ramdam ko, ako lang mag-isa ang nandoon.


"Sino ka??" patakot kong sagot..


"Hindi mo na ako naalala?"


"Teka. Pamilyar ang boses mo sa akin.. Sino ka? Magpakita ka!"


"Akala ko nakalimutan mo na ako eh."


May biglang bumaba sa puno, napaatras ako sa nakita ko.


"K - kian??"


"Tama! Ako nga." sabay ngiti..


"Te-te-teka.. Nasaan ba ako??"


"Hindi na mahalaga kung nasaan ka."


"Ha??"


"May magbabalik galing sa nakaraan mo." sabay talikod nito sa akin..


"S - sino?? Ha?"


"Nakikita mo yung punong isa?"


"S - saan??"


Pagkalingon ko, may nakita akong punong hawig yung puno sa botanical garden.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now