"But you still should have told him.He sounded so in distress yesterday, Av. I think my heart broke when he told me that you weren't responding to his texts and calls. Grabe, Avis. Sumikip dibdib ko sa tono ng boses niya."

Hindi ako nakasagot. Kahit na hindi ko personal narinig ay naninikip ang dibdib ko. I'm very familiar with Luke Dashiel's wrecked voice.

"Nag-alala sa'yo yung tao."

Mariin na ipinikit ko ang mga mata sa kamalian na nagawa ko. Napalunok ako. "I know." mahina ang boses ko at hirap pa nang sabihin iyon.

Lumungkot ang mukha ni Savion. Kahit na hindi magpaliwanag ay naiintindihan ako ni Savion. Naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Na mahirap para sa akin ang sitwasyon na ito.

"Ano nang plano mo ngayon?" maamo ang boses ni Savion.

I helplessly looked at my cousin. Kinagat ko ang labi ko. "I know I should and it's probably the right thing to do but Savion... I can't let him go."

Napauwang ang labi ni Savion sa sinabi ko. Isang big deal na marinig ni Savion iyon mula sa akin. Hindi na siya sumagot nang pumasok ang professor namin para sa unang subject.

The topic was never brought up again. Savion was being sensitive because of my current mood. Buong araw akong tahimik habang binabantayan ang phone ko. I'm almost done for today but I still haven't heard a word from him. It made me feel hollow inside.

Nang matapos ang klase ay dumeretso ako sa car park para hanapin ang usual parking space ni Luke Dashiel. Patapos na ang practice nila at mabilis lang naman siyang mag shower kaya dito ko na lang siya hihintayin.

It's been a little more than thirty minutes. Nakatayo lang ako sa harapan ng

Montero Sport para hintayin siya. Inililibot ko ang mga mata ko para sa kanya pero imbis na siya ang makita ay ang kaibigan niyang si Calum ang nakita ko.

Nakatingin din sa akin si Calum habang naglalakad. Kilala niya siguro ako.

Nakita niya ako nung huling beses na hinintay ko si Luke Dashiel sa labas ng shower room nila.

I'm sure he knows where Luke Dashiel is. Mukhang wala siyang balak na kausapin ako dahil dumiretso siya sa tapat ng isabg sasakyan. Naisipan ko na ako na lang ang lalapit sa kanya.

"Uh. hey. Calum. right?" nag-aalinlangan na tawag ko sa kanya. Lumingon sa akin si Calum at mukhang gulat na gulat nang makitang nasa gilid niya ako.

"Holy shit." his eyes were wide. Napakunot ang noo ko sa naging reaksyon niya pero isinantabi iyon dahil iba ang pakay ko.

"I'm Avis Sebastian." inabot ko ang kamay ko sa kanya. "Luke Dashiel's..."

"Girlfriend?" pagdugtong niya. Tumango ako at manghang-mangha naman niya akong tiningnan. "Holy shit... You're real? Akala ko nagyayabang lang sa akin si Luke na girlfriend ka niya kasi patay na patay yon sa'yo, but holy shit.."

Tinitigan ko lang siya, hindi sigurado kung ano ang isasagot ko doon. Namula ang buong mukha ni Calum nang nagtagal ang pagtitig ko sa kanya.

"Uh, ano ang kailangan mo, ate Avis?"

I gave him a horrified look. Mukha ba akong matanda? Either that or Luke Dashiel mentioned about our age gap.

Umiling ako sa kanya. "Don't ever call me that."

Mas lalong namula si Calum. "S-sorry."

Tumango lang ako sa kanya. It doesn't matter. "Do you know where Luke Dashiel is?"

Nagliwanag ang buong mukha niya at mukhang masaya dahil binago ko na ang topic. "He's still in the field. Nagpaiwan siya mag-isa."

I thanked Calum before leaving the car park. Dumiretso ako sa soccer field.

Denying Affinity (Affinity #1)Where stories live. Discover now