Chapter 28: The Royal Dragons are back

Magsimula sa umpisa
                                    

" Limang bala sa likod " sabi ni Ryland na bumuntong hininga. Tinignan ko naman yung iba... lahat sila nakaiwas ng tingin sa akin.

" Stop this... hindi nakakatawa" sabi ko.

" I hope this was just a joke " sabi ni East, ewan ko pero nung si East yung nagsabi biglang bumagsak yung mga luha ko.

" A-asan nga siya ?" mahinang tanong ko pero wala pa ring sumagot. May inabot naman sakin si Calvin na kahon.

" What's this? " tanong ko. Si Kiefer naman ang sumagot habang nakatingin sa bintana.

" His Ashes " sabi niya. This time wala na kong nagawa para pigilan yung pag-iyak ko. I'm crying hard this time. Shizzz....

" Dustin... Tae ka naging Alikabok ka nga talaga... Bwisit ka sino bang nagsabi sayo na saluhin mo yung limang bala. D*mn you bullsh*t! uwahhh " ewan ko. Wala na akong pakealam kung para akong bata na ngumangawa dito. Ang daya-daya mo alikabok... Tae...

" Uwahhh... Dustin siraulo ka! Baliw! T*nga! Bobito! D*mn you Assh*le!!!" sigaw ko habang umiiyak.

" Bakit niyo pinapaiyak yan? "

0_o yung boses na yun...

Tumingin ako sa pinto tsaka tinitigan yung taong kanina ko pa minumura.

" Dustin " sabi ko... T^T

Minumulto ako ni Dustin?

Sorry na. Tinignan ko yung kahon kung saan nakalagay yung alikabok ni alikabok... err ni Dustin.

" So- sorry di na kita mumurahin wag mo lang ako multuhin " sabi ko na hinihimas himas pa yung kahon.

" Pffttt... bwahahahaha... Wala na guys. Di ko na talaga mapigilan... bwahahahaha" rinig kong tawa ni Calvin. Tinignan ko naman siya ng masama. Bakit siya tumatawa eh patay na nga si Dustin. Galit pa din ba siya kay Dustin?

" Wahahaha...Hooo Raven! Ang epic mo " tawa din ni Dash. Sunod-sunod na silang nagtawanan. Ano bang...

loading...

loading...

Tinignan ko ulit si Dustin na nakatayo sa may pinto na parang nagpipigil din ng tawa.

Pupu ng kalabaw na nilulon ng unggoy!

" Prepate to DIE guys! " sigaw ko tsaka tumayo para sana habulin sila. Mga loko to... Yung pride ko... Simot na Simot na.

Pinagtritripan nila ako. Buhay ang mokong!!!

Tatayo na sana ako kaya lang bigla na namang umikot yung paligid ko. Babagsak sana ako ng may naramdaman akong yumakap sa akin.

" Sa tinggin mo ba hahayaan kong umiyak ang araw namin?" bulong sakin ni Dustin. Yakap yakap niya ko. Yung ulo niya nakasandal sa balikat ko.

" Oi tama na. NAGSESELOS ako!" sigaw ni Barron na natatawa. Hinigpitan naman ni Dustin yung yakap niya sa akin.

" I'm willing to die for you Raven. Pero wag mo naman akong paulanan ng mura pag nangyari yun.. pffftt "

bulong niya...

>///////<

Kinagat ko yung balikat niya since nakadandal siya sa balikat ko.

" Aray " sigaw niya tsaka humiwalay sa akin. Napaupo naman ako sa kama. awwtttss... Ang sakit talaga ng katawan ko.

" Amazona. " sabi niya. Napangiti nalang ako. Atleast buhay siya diba? Diba? Atleast buhay sila.

Parang bumigat naman yung ulo ko. Umupo sa tabi ko si Allen tsaka hinatak ako pahiga sa lap niya.

" Magpahinga ka muna Raven " sabi niya habang dindilaan yung lollipop niya.

Nagsiupuan naman yung iba sa kama, yung iba sa may sofa.

" Pano nangayari yun? Limang bala yun ah " tanong ko habang nakapikit. Nahihilo ako. Bwisit na mukhang anay na yun!

" hahaha... Sa tingin mo ba susugod kami doon ng hindi handa? " tanong ni Zeke. Buti na lang kabisado ko yung boses nila.

" Naka bulletproof vest kami nun... Nadali lang ako kasi sa braso tumama." sabi ni Loki na mukhang ok naman na.

" Bati na kayo? " tanong ko nung naalala ko na sama-sama sila kahapon at ngayon.

" Yeah. " simpleng sagot ni Caleb.

" Tsaka tama na siguro yung dalawang taon na katangahan diba? " tanong ni Samir.

" Oh awat na sa dramahang yan. Atin ng ibaon sa limot ang lahat kasama ng kahong iniiyakan ni Raven kanina. Pffttt... " sabi ni Jeth. Napabangon ako bigla sa inis kaya lang bigla na naman akong nahilo. Hinatak na naman ni Allen yung ulo ko pero this time sa unan na ko nakahiga.

" Tulog ka muna. Talent night na mamaya oh " sabi ni Wendell. Oh no...

Oo nga pala. Mamaya na yun. Pusang gala naman oh. Makakasayaw pa ba ako kung pagbangon nga di ko kaya.

" Pano yun?" tanong ko na medyo natataranta. Pinatong naman ni Caleb yung kamay niya sa noo ko tsaka hinaplos pababa hangang ilong ko kaya napapikit ako.

" Rest. Hayaan mo na sa mga dragon mo ang lahat. Sleep our dearest Sun " sabi niya. Sun? Araw?

" After all, The Royal Dragons are back " sabi ni Calvin. Tumango nalang ako at pumikit. Bahala na mamaya.

---

( A/N: Oh ayan... buhay si Dustin! Hihihi... Joke lang yung rest in peace.

Anyway, Ano kaya yung napanaginipan ni Raven?

- Aishi )

The Only Girl in School (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon