ANTHONY PLAYS 1

453 15 0
                                        


Nangyari ang sekswal na kaganapan sa pagitan namin ni Anthony nang gabing iyon. Nabuo ang kasunduan na sex lang at walang relasyon ang mamamagitan sa amin ni Anthony na kaniya namang tinanggap.

"Anton, ayaw ko ng relasyon. Kung libog lang ang lahat na ito, then let it be. Dahil unang una ay may pamilya ka at pangalawa ayaw ko ng sakit ng ulo at sa damdamin. Aminin ko rin sayo na nasaktan ako sa ginawa ni George sa akin at muntik ko na siyang minahal. Kaso kiss and tell ang gagong iyon." wika ko rito habang nagpapahinga kami matapos ang aming pagniniig.

"Joe, gusto pa naman kita maging syota. Saka ibahin mo ako kay George. Yung kumpareng kong iyon ay magaling manlaro sa damdamin ng isang tao pero ako seseryusuhin kita." turan ni Anthony sa akin habang magkaharap kaming nakahiga.

"Kahit naisin mo pa Anton, the mere fact na may asawa at anak ka ay talo ako lagi. Paano kung mahulog ang loob ko sayo? Iiwan mo ba ang pamilya for my sake?" tanong ko rito. Kita ko ang gulat sa mukha ni Anthony na alam ko na mahal niya ang pamilya kahit pumapatol ito sa kapwa lalaki.

"Sige na nga lang... pero Joe pwede tayo magsex. Mas okay kesa gaya kay George na bigla mong iniwasan." sagot sa akin ni Anthony. Sa aking desisyon ito ay isang malinaw na dahilan na hindi ako dapat madaling mahulog ang loob sa isang tao. Marahil ay natuto ako sa nangyari sa amin ni George.




Lunes, magkasama kami ni Anthony para sa aming obligasyon na puntahan ang mga kakilala nito na potensyal na magig donor at sponsor para sa gaganaping Alumni Homecoming. Alas syete ng umaga nang umalis kami sa bahay sakay sa sasakyan ni Anthony. Habang nasa byahe kami ay pinapaliwanag nito ang mga pupuntahan namin at kikitain na tao na sa tingin niya ay makatutulong sa okasyon. Ibat ibang lugar ang napuntahan namin at doon ko nakilala ang mga kaibigan at dating kaklase nito na tunay na umasenso sa buhay. Marami sa mga kaibigan nito ang nagpledge ng halaga para sa paaralan.

"Anton, matanong ko nga sayo, bakit naisipan mong maging PTA president ng school ngayong taon samantalang ibang parents ay ayaw na maging kabahagi sa mga gawain sa paaralan." tanong ko.

"Naisip ko rin iyang bagay na iyan Joe. Subalit maaring kong rason ay dating akong alumnus ng school at noong panahon nag aaral ako sa school natin ay maraming bagay akong nais mangyari para sa kapakanan ng mga kapwa ko mag aaral. Unang una naisip ko noon na magkaroon ng speech room dahil sa ibang private school ay meron sila ng ganung facility pero sa public school na tulad ng Villamater ay isang pangarap na lamang. Tapos noong panahon nag aaral kami ay ni isa walang computer sa school at naranasan kong gumamit ng computer nang tumuntong ako ng college at naging ignoranti ako sa paggamit ng computer. Marahil yung mga bagay na iyon ay gusto kong maranasan ng mga mag aaral sa ngayon. To tell you Joe, i was appointed by the principal to become the PTA president student niya ako dati at ninang namin sa kasal namin ng misis ko si Mrs. Agao." lahad nito.

Sa winika ni Anton ay napagtanto ko na kung gaano kalapit si Mrs. Agao kay Anthony. Marahil sa nais na makasama ako ni Anthony ay maaring iminungkahi niya sa principal namin na ako ang gawing focal person sa solicitation.

"Ano bang work mo maliban sa pagiging PTA president ng school?" tanong ko rito sapagkat ay di nito nababanggit ang hanapbuhay nito.

"Seaman ako Joe. Chief mate ang trabaho ko sa barko. One year ang leave ko dahil I was diagnosed na may problema sa kidney. Although hindi naman malala ang sakit ko still need ko to undergo ng medication. Pero may salary ako mula sa trabaho ko." tugon nito.

"Ibig sabihin ay maaring by June ay sasakay ka uli ng barko?" tanong ko.

"Mga May this year siguro ay need ko nang bumalik sa trabaho. Dalawang taon ang kontrata ko para makapag ipon naman at mangyari ang mga business na nais kong iput up." lahad nito.

WHEN I LEARN TO PLAYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora