Chapter 31: The Punch

Magsimula sa umpisa
                                    

"O? Ba't bigla ka na lang tumatawa?" si Mick habang napansin niyang napapasmile ako sa pag-iisip nung nangyari sa 'min before. Hindi naman talaga ako tumatawa, napapa-smile lang na hindi ko mapigilan.

"Wala... natawa lang ako kase medyo baboy ka pa ring kumain," palusot ko sabay senyas sa kanya na meron siyang sisig na dumikit sa kanang parte ng kanyang labi. Inalis naman niya ito gamit ang kanyang dila.

"Ang sarap kase e......"

Oo na masarap na, parang ako? Haha ang kulit ko lang. "Gusto mo ba ng kanin? Ituloy mo na pati ang dinner mo."

"Ayoko baka mabusog pa 'ko. Okay na 'tong papakin."

Lalong bumerde 'yung isip ko sa sinabi niyang term na "Papakin". Alam mo 'yun, kahit meron pa akong doubts sa mga ikinikilos ng tarantadong 'to, parang 'di ko mapigilang magtravel ako back to those moments na masyado kaming intimate na dalawa. 'Yung nagpapakan kami sa hotel.... hahaha. Hindi ko talaga mapigilang mapangiting muli tuwing naiisip ko 'yun. Nagawa ko ba talaga 'yung mga 'yun? Nahirapan akong paniwalaan.

"May girlfriend ka na ba Mick?" bigla ko na lang natanong. Maging ako'y nagulat sa itinanong kong iyon.

Bigla naman siyang napangiti. "Bakit mo naitanong Jace? Interesado ka bang mag-apply?" sabay kindat niya.

"Baliw!" banat ko. "Hindi nga? Since nung ano... alam mo na? Hindi ka ba naghanap ng babae?"

Napakunot ang nuo ni Mick sa tanong ko. Dumampot pa siya ng sisig sabay subo sa bibig niya. Tila mas inatupag pa niyang lantakin ang sisig na iniluto ko kesa sa pag-inom niya ng alak. "Ang babae, nandiyan lang 'yan. Hindi naman ako mauubusan. Gusto ko may challenge e...." sagot niya na hindi ko alam kung naintindihan niya ang tanong ko o ano. "E ikaw Jace? May girlfriend ka na?"

Nangiti ako. "Ang girlfriend ko is 'yung kayamanan na itinago ni Mama. Since, hindi ako tagumpay, break na kami......"

"Ikaw pala ang baliw e! Hindi mo pa nga nahahanap break na kaagad?" patawa niyang sabi. Pero infairness, namiss ko 'yung tawa niyang 'yun. Ang sarap niyang pagmasdan."

Masaya lang kaming nag-iinuman na parang normal lang sa mga lalaki. More on sports kami and to my surprise e hindi pa namin napag-uusapan nang malalim ang tungkol sa nangyaring confrontation. Siguro'y ayaw niyang iopen up ang topic kaya't umiiwas si Mick na maitanong ko ito sa kanya o mabanggit man lang niya.

Isang oras na kaming nag-iinuman, and during our session na puro tawanan e biglang may tumawag sa Phone ko. Nakita ko sa screen ng aking Phone ang pangalan ni Tenten. Nagpaalam ako saglit kay Mick at kinusap ang kapatid ko.

"Hello...."

"Hello Jace?"

"O ba't napatawag ka?"- ako.

"Nabalitaan ko na nakuha na raw ng mga Tiyahin natin 'yung kayamanan? Totoo ba 'to?" ramdam ko ang namumuong galit sa boses niya.

Napakagat ako ng labi. Tila ayokong sabihin sa kanya ang masamang balita ngunit wala na akong magagawa kung ayun talaga ang kapalaran namin. "Kinuha na niya 'yung susi pati ang Mapa. Wala pa akong ideya kung nakuha na nila 'yung kayamanan pero.... malamang e makuha na nila...."

"Jace, do you really even think na mahahanap nila 'yun?"

"What do you mean Ten?"

Ramdam ko 'yung paghinga ni Ten sa phone. A sigh of disgust. "It's been decades pero ni anino ng kayamanan e hindi pa nila nakikita. Maraming theories o mga haka-haka sa kayamanan na 'yan pero 'till now, nganga pa rin sila. I'm also considering kung Authentic ba 'yang Mapang 'yan. Where did it come from? Si Alex lang naman 'yung key natin diba? Why there's a need for a Map?"

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon