I Miss You

2.4K 94 5
                                    

General POV


Ilang araw ang nagdaan ay puspusan naman sa paghahanda si Vice para sa nalalapit niyang Birthday Special para sa GGV. Puro meeting at pag-eensayo ang inatupag niya dahil sa gusto niyang maging maayos ang lahat.

At dahil sa pagiging abala niya, ay saglit rin niyang naisantabi muna ang pag-iisip sa isang alaalang gumagambala sa kanya ng ilang araw. 


Sa kabilang dako naman ay pumayag naman si Direk Arnel sa nais na mangyari ni Karylle kaya ganoon na din siya ka-busy sa pagtatapos ng pagsulat ng kanta at sa pag-eensayo dito. 


Nakipagtulungan din siya kay Direk Marvin at binigay dito ang chords na ginawa ng kaibigan niya noon para kanta. 


Laking tuwa naman niya dahil maganda ang kinalabasan ng natapos na kanta at nagustuhan rin ito ng mga taga-GGV.


"Sana magustuhan rin ito ni Vice" bulong ni Karylle sa isip niya


--------------------------------------------------------------------------------------


Dumating na ang araw para Birthday Special ni Vice.

Umaga palang ay nasa Music Museum na sila para sa paghahanda.


Hindi na rin pumasok ng Showtime si Vice para makapag final rehearsal siya kasama ang iilang guests na kasama niyang magpeperform mamayang gabi.


"Direk, sino ba tong surprise guest na to sa listahan? At ayaw niyo talagang ipaalam sa akin ha hehehe" natatawa na tanong bigla ni Vice sa Direktor habang ni-rereview muli ang sequence ng i-peperform niya.


"Basta! Secret nga! Malalaman mo rin naman yan mamaya." sagot naman ng Direktor


"Hmp!!  Sino nga kasi? Si Atom ba ulit yan?" sabay pa-cute naman ni Vice at kunwaring kinikilig


Nagtawanan naman lahat sa kinikilos ni Vice sa harap ng Direktor.


"OMG! Baka si Terrence!" kantyaw naman ni Buern kaya nasabunutan siya tuloy ni Vice.


"Hahaha No! Basta you'll see it later. And they are special." natatawang sagot na lamang ng direktor at tinapik tapik ang balikat ni Vice.


"Taray! THEY! at may pa-special special pa ah! Sige na nga.. Baka ma-stress pa ako sa kakahula diyan hahaha" ngiti naman pabalik ni Vice sa direktor.


Nakailang rehearse pa sila at nang matapos ay umalis saglit para mananghalian.


Habang wala naman si Vice at ang Team Vice ay siya ring dating ni Karylle para sa band rehearsal niya.


Naging maayos naman ang lahat at tamang tama lang ng pagtatapos ng rehearsal ni Karylle dahil siya ring pagkabalik nina Vice. Kaya di rin niya naabutan at nalaman ang "secret" ng kanyang direktor.

ViceRylle Short Story (Fate in YOU)Where stories live. Discover now