[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD

Magsimula sa umpisa
                                    

“Okay. I will search about her infos. Isama mo na rin sa e-mail mo yung mga personal information na naikuwento niya sayo. And if we found some conflicts, I think we have to investigate her more or pasusundan din natin siya.”

“Sige gagawin ko inspektor. Sa ngayon tutukan ko rin ang taong ito. Salamat. Bye.”

“Wait, inspector. I just want to tell you something,” habol ni James.

“Ano yun Inspector Corpuz?”

Bumilang ng ilang segundo bago nakapagsalita ang binata. “I-I hope you’re not getting yourself too attach to Blake Monteverde. I assume na hindi pa rin nawawala sa isip mo that everything about him is temporary…”

Natigilan si Alex sa narinig. “I-Inspektor anong ibig mong sabihin?”

“I don’t mean anything big. I’m just saying…you know to remind you as a friend before someone else get hurt especially you or maybe Blake…”

“I-inspector ba-bakit ka nagsasalita ng ganyan?”

“Everything is just part of our job, Inspector Valdemor…That’s all. Bye…”

“B-Bye….”

Nakanganga at natutulalang ibinaba ni Alex ang telepono. Parang may dumapong palad sa kanyang pisngi kasabay ng pagbuhos sa ulo ng isang baldeng tubig. Sapol ang tama sa dibdib niya ng mga huling salita ng kasamahan. Tila nagising siya sa isang malalim na pagkahimbing at unti-unting natauhan sa sitwasyon nila ni Blake. Batid niyang kaya nakapagsalita ng ganoon si James dahil napansin na nito ang pagiging malapit niya sa binabantayan. Maaring napupuna nitong unti-unti niya nang nakakalimutan ang dahilan kung bakit nasa tabi siya ni Blake.

Nadadala na siya ng sitwasyon. Hindi niya alam pero iba ang saya at pagiging komportable niya sa bawat sandaling kasama niya si Blake. Pakiramdamdam niya ay sa lalaki niya nararanasan ang maraming bagay na hindi niya napagdaanan nung siya’y teenager pa lamang. Pansamantala siyang nakalimot. Nakalimutan niyang trabaho lang si Blake. Nakalimutan niyang dahil sa hinayaan niyang magkalapit sila ay maaring may masasaktan isa man sa kanila sa bandang dulo.

Tok.Tok.Tok.

Nanghihinang binuksan niya ang pinto. Tinitigan siya ni Blake mula taas hanggang baba.

“You’re not ready yet?”

“K-kakatapos ko lang magjogging…”

Napansin ni Blake ang pananamlay niya. Napatingin din ito sa hawak niyang cellphone. “What’s wrong with your face? Did you just receive a bad news?” nag-aalalang sabi nito.

“W-wala. Nasobrahan lang siguro ako sa jogging.”

“Then hurry up. We’re having breakfast now.”

“Ma-mauna na kayong kumain Blake kasi maliligo pa ako. Sa-sasabay na lang ako kina Manang Cora.”

Ang Alalay Kong Astig! ( Published Under Pop Fiction/Summit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon