Five
**
To: Tita Carmen
Good morning, tita. Kamusta na po si Scott? Nakalabas na po ba siya ng hospital?
*sent*
From: Tita Carmen
He's fine, hija. Actually papasok na raw siya ng school, pinaayos ko na rin ang papers niya para mag-advance sa 4th year highschool. Ikaw na ang bahala magbantay sakanya, ha? Despite sa nangyari sakanya.. I hope you understand.
*
To: Tita Carmen
Okay lang po tita. He's my best friend after all.
*sent*
Nakarating na ako sa campus.
Himala at wala masyadong tao ngayon sa hallway, ah. Nasaan ang mga estudyante?
"Hey Gabby!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin.
"Hi Shar." Bati ko sakanya at ngumiti ng pilit.
"Kamusta? Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong nito sa akin.
"Sumama lang ang pakiramdam ko." I lied.
"Okay ka na ba?"
Tumango nalang ako.
"Ah, Shar.. kapag ba ang bakla nagka-amnesia bakla pa rin?" Out of the blue kong tanong.
Nagisip siya sandali at noong sasagutin niya na'y may biglang nagtiliang mga babae sa field ng campus kaya napurnada ang sagot niya.
Naki-usisa kami sa mga babaeng nagkakaguluhan.
Bihira lang magkaroon ng ganitong eksena, siguro tuwing naglalaro ang mga varsity.
"Anong meron?" Rinig kong tanong ni Shar sa isang senior din.
"Hindi niyo ba alam?"
"Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi namin alam, diba? Edi sana hindi nalang ako nagtanong kung alam ko." Pamimilosopo nito sa babae.
Gaga talaga kaya ako nalang ang kumausap.
"Ah, miss. Ano nga bang meron?"
Tanong ko naman.
"Eh kasi may bagong transferee eh. Pero sabi ng iba matagal na raw siya rito, kaso ngayon ko lang siya nakita."
"Alam mo ba ang pangalan niya?"
"Uhm, Javis? Jarvy ata? Travis! Ayun, Travis Montes ang pangalan niya."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Shar.
"SI SCOTT!" In chorus naming sigaw.
Tumakbo kami papunta sa soccer field kung saan mismo nagkukumpulan ang mga tao.
Nakisingit kami and I was like O to M to G!
"Well now, it answers your question earlier, my friend."
Napalunok ako bigla.
Is that.. my gay bestfriend?
"What a hotty hearttrob."
Precisely!
Walang bakas ng kabaklaan.
"Kelan pang natutong mag-soccer 'yang baklang 'yan?" Tanong ni Shar.
"Ay, hindi na pala bakla." Tumatawa niya pang pahayag kaya siniko ko siya.
"Walang nakakatawa."
"Sus. Oh, ayan! Lapitan na natin, tapos na ang game nila." Hila niya sa akin pero hinila ko rin siya pabalik at umiling.
"Bakit? Ayaw mong lapitan si Scott?"
Tumango ako. "Oo ayaw ko. Kaya tara na."
Hinila ko na siya papunta sa building namin.
**
"Bakit nga kasi ayaw mong lapitan si Scott kanina? Like duh! We're his friends 'no! Tska anong nangyari bakit parang manly niya na? At yung tungkol sa 'amnesia' na yun, totoo ba?"
"Ano ka ba! Hinay hinay lang sa mga tanong." Bumuntong hininga ako at nagsalita ulit.
"Yes, it's true. May amnesia siya. At ayun, nalimutan niyang bakla siya at kaya ayokong lumapit sakanya kasi.."
"Hindi ka na niya maalala, ganun ba?" Pagtutuloy niya sa sasabihin ko.
Nanlumo ako.
"Okay lang yan, Gabby.. I'm sure babalik din ang dating Scott.. don't worry." pangc-comfort niya sa akin. Buti nalang may isa pa rin akong kaibigan kahit na nakalimutan na ako ng isa.
"I hope so.." yun nalang ang nasabi ko.
"Tara na, lunch na tayo." Aya sa akin ni Shar.
Kaya tumayo na kami at naglakad na sa cafeteria.
Tahimik kaming naglalakad sa hallway nang may bigla kaming nakasalubong na mga nagtatakangkaran at nagg-gwapuhang mga soccer players and Scott is one of them.
Napatigil kami sa paglalakad. I looked at him and I know he saw me but he just ignored me.
Ano bang aasahan ko? Babatiin niya ako? Edi ba, hindi niya na ako maalala?
Haaaay! I bit my lower lip. It's okay, Gabby.. it's okay..
But fvck! It's not!
"U-Uhm, Shar.. I have to go to the toilet."
"Okay, I'll wait for you outside."
Tumakbo na ako papasok ng cr.
Nagkulong sa isang cubicle.
At
Umiyak..
***
*To be edited*
YOU ARE READING
Breaking A Beautiful Memory [ON-GOING]
Teen Fiction"I'm a gay who has lost my memory, and I should be the same person, I should be your best friend that I was before.. but I'm not. I'm sorry, Gabby." - Travis
![Breaking A Beautiful Memory [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/45077556-64-k268693.jpg)