Two
**
Napakupo ako ngayon sa labas ng ICU. Hindi matigil ang pagtulo ng mga luha ko.
Dasal ako ng dasal na sana maging maayos ang kalagayan ni Scott.
"Candice.." napatunghay ako nung marinig kong may tumawag sa akin.
Si Mama..
Agad akong tumayo at niyakap ko siya. "Mama.. si S-Scott po.." umiiyak kong sabi.
"Sshh, tahan na anak.. magiging okay lang din si Scott." Pagtatahan sa akin ni mama.
Niyakap ko rin si Tita Carmen, ang mama ni Scott.
"Ang anak ko.." umiiyak din nitong sabi.
"Tita, I'm sorry po.."
"D-Don't be sorry, Candice. Wala kang kasalanan."
"Ano ba talagang nangyari kay Scott, Candice?" Tanong naman ng Daddy ko.
"Nabangga po si Scott, dad. Niligtas niya po kasi yung bata na tumawid sa kalsada." I paused and I bit my lower lip para mapigilan ang pagiyak ko.
"M-Malala po siya n-ngayon dahil yung ulo niya po ang n-napuruhan." Umiyak na ulit ako.
"Carmen, tinawagan mo na ba si Martin? Nabalita mo na ba ang nangyari sa anak niyo?" Tanong ni Mommy kay Tita Carmen.
"H-Hindi pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko, n-natatakot ako sa magiging reaction niya sa nangyari kay Scott.." Sabi ni tita carmen.
"Dapat mo nang sabihin. Karapatan niyang malaman bilang ama ni Scott. Don't worry, andito naman kami." Sabi muli ni mommy.
"Doc.." narinig kong sabi ni dad.
Nakalabas na pala ng ICU ang doctor na nagopera kay Scott.
Tumayo ako kasama ni Mommy para salubungin ang doctor.
"Who's the family of the patient?" Tanong ng doctor.
"I'm the mother. How's my son?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni tita.
"Glad to say that your son is alive. Unfortunately, he's in coma. Due to his brain damage. Maswerte nalang at hindi nagkaroon ng internal bleeding. And we're not sure kung kelan siya magigising. Excuse me."
Tila nabingi ako sa narinig.
Akala ko good news na all the way kaso hindi pala, may kasunod kaagad na bad news.
**
"Sige na po tita, mom and dad. Ako na po ang bahala kay Scott. Ako na po ang magbabantay." Pagp-presenta ko.
"Are you sure, anak?" Tanong ni mommy.
"Yes, mommy. Magpahinga nalang po kayo, pati ikaw tita. Kailangan niyo pong magpahinga."
"Sige, salamat Candice ha? Ikaw na muna ang bahala sa anak ko."
Tumango ako.
"Anak, dadalhan ka nalang namin ng daddy mo ng clothes tomorrow para makapagpalit ka."
"Okay po. Ingat po kayo." Pagpapaalam ko sakanila.
Naiwan nalang akong mag-isang nagbabantay kay Scott.
Grabe, kahit comatose na 'tong baklang ito bakit ang gwapo niya pa rin?
Hay. Sarap halikan! Hahaha joke. Kung anu-ano pinagiisip ko, tsk.
Tiningnan ko siya ng mas maigi.
"Scott.. gumising ka na jan oh. Miss na miss na kita, alam mo yun? Hay. Dalian mo na sa pagb-beauty rest mo at baka masobrahan ka na."
Naiiyak nanaman ako.
I sighed.
Please Scott, wake up.
**
K I N A B U K A S A N ; Sunday
8:36 pm na ng gabi.
Hindi pa rin ako umaalis sa tabi ni Scott.
Nung nagsimba lang ako, doon lang ako nakaalis.
Hay, pero wala pa ring pagbabago. Nag-beauty rest pa rin ang bakla.
"Anak.."
Nakita kong pumasok si Mommy ng kwarto.
"Bakit po, ma?"
"Halika ka na? May pasok ka pa bukas." Aya nito sakin.
Umiling ako. "Babantayan ko pa po si Scott, ma."
"Anak, alam ko namang sobrang nagaalala ka sa bestfriend mo pero hindi mo naman pwedeng pabayaan ang studies mo. Pwede ka namang dumalaw dito, 'di ka namin pagbabawalan."
"Tama ang mommy mo, Candice. Besides, I'm the one who's oblige to be here as Scott's mom." Sabi ni tita na sumulpot sa likod ni mommy.
Tiningnan ko muna si Scott. "Bye for now, beks. Promise me , when I comeback.. you're awake."
Tumayo na ako't nagpaalam kay Tita Carmen.
Tuluyan na kaming lumabas ng kwarto ni beks.
**
*To be edited*
YOU ARE READING
Breaking A Beautiful Memory [ON-GOING]
Teen Fiction"I'm a gay who has lost my memory, and I should be the same person, I should be your best friend that I was before.. but I'm not. I'm sorry, Gabby." - Travis
![Breaking A Beautiful Memory [ON-GOING]](https://img.wattpad.com/cover/45077556-64-k268693.jpg)