"Max?"

Lumipat ang tingin niya sa akin. At nakita ko ang kislap sa mga mata niya. Hindi ko alam pero parang may kumirot sa puso ko.

"Kilala mo ba siya Rain?"

Tanong niya.

"Bago lang siya dito. Siya si Carisse Sanchez. Bakit?"

Muling ibinalik niya ang tingin kay Carisse.

"Nakita ko rin siya.."

Naguluhan ako sa sinabi niya..

"Nakita ko na rin ang babaeng mamahalin ko."

Simula ng araw na yun. Unti-unti ng nagbago ang lahat..

Nakatayo lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan si Max at Carisse na nag-uusap. Ang saya-saya nilang tignan lalo na si Max. Nililigawan na niya si Carisse at syempre bilang best friend niya sinusuportahan ko siya. 

Kaya nga tuwing inihahatid niya si Carisse, hindi na lang ako sumasabay. Nakakahiya naman kung sasabay pa ako di ba? Makakaistorbo lang ako. Kaya tuloy miss na miss ko si Max. Hindi ko na kasi siya masyadong nakakasama.

"Okay ka lang?"

Nagulat ako ng tumabi sa akin si Melody.

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

Nakangiti kong sagot. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa notebook ko. Pero hindi naman ako makapag-concentrate.

"Naku! Rain! Ako pa niloko mo! Alam naman namin ang nararamdaman mo sa kanya. Sadyang manhid lang ata si Max para hindi iyon mapansin."

Tumingin ako ulit sa dalawa. 

"Hindi na importante ang nararamdaman ko. Basta nasa tabi lang niya ako kahit anong mangyari, masaya na ako doon."

Napabuntong hininga si Melody. At inakbayan ako.

"Bahala ka.. Basta andito lang kami.."

Napatingin sa gawin namin si Max. Kumaway siya, ngumiti lang ako. Biglang sumama ang pakiramdam ko. 

"Ah Melody. Mauna na ako sa iyo.. May gagawin pa pala ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya tumakbo na lang ako agad. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa. Pagtingin ko nasa music room pala ako. Pumasok ako at isinara ang pinto. Napaupo ako, hinintay kong mawala ang hilo ko.

Nang mapansin kong medyo okay na ako. Tumayo ako at umupo sa piano. Naalala ko tuwing magpapractice ako laging nasa tabi ko si Max. Pinakikinggan ang pagtugtog ko. 

Nagsimula akong tumugtog at ang nasa isip ko lang ay si Max. Hindi ko napansin na may kasama pala ako sa loob.

"Ang ganda.. Tama sila, ang galing mo pala talagang tumugtog.."

Napatingin ako sa may pintuan. Doon nakatayo si Carisse habang nakangiti. 

"Carisse?"

Lumapit siya sa akin. 

"Pasensya na naistorbo ba kita?"

Umiling ako.

"Hindi naman.. Napadaan lang ako dito.."

Umupo siya sa tabi ko. Medyo awkward pa kaming dalawa. Hindi naman maitatanggi na hindi pa rin nawawala sa akin ang pagiging tahimik. Kaya nga lagi akong nakikita nila Max sa isang sulok dahil hindi pa rin ako sociable.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon