20th Drop: The Story Behind

Start from the beginning
                                    

Noong una, ayokong pumayag pero dahil nga sa pag galang ko kay Dad ay pumayag na akong ipagkasundo ang isa sa mga kambal ko.

Kinausap ko ang asawa ko na si Ryuzaki nalang ang ipakasal kay Alliah pero tumanggi ito dahil ayaw niyang madamay sa gulo ang bata. Siya daw ang nagpalaki dito kay siya ang dapat mag desisyon sa kung ano ang dapat sa bata.

Hindi ko na din siya pinilit dahil may katuwiran sya. Kaya napilitan akong ipagkasundo si Drake kay Alliah.

Alam naming dalawa ni Althea na mahihirapan ang dalawang bata sa kasalang magaganap pero hindi rin kami makatanggi dahil sa mga Ama naming nag desisyon nito.

Maganda sana ang kakalabasan nito kung si Ryuzaki ang naipagkasundo kay Alliah. Magkaibigan ang dalawang bata kaya siguradong mamahalin nila ang isa't isa kaso hindi... si Drake ang nakatuluyan ni Alliah.

Bata palang ay sutil na si Drake. Ayaw niyang may nangengealam sa kaniya kaya naman alam kong mahihirapang mag adjust si Alliah sa kanya.

Noong 16 years old na si Alliah at Drake sinabi namin sa kanilang ikakasal sila at tulad ng inaasahan.. tumanggi silang dalawa. Noong pagkakataong 'yon hindi nila kilala ang isa't isa.

Hindi alam ni Alliah na ang pakakasalan niya ay si Drake, kakambal ng best friend niya at hindi din alam ni Drake na si Alliah ang pakakasalan niya.

Pinili naming hindi banggitin.

Pero lahat ng tungkol sa kasal ay napag isipan na kaya hindi na sila pwede pang tumutol.

Matapos naman ang dalawang taon, 18 years old si Alliah, natuklasan naming may sakit ito sa puso. Hindi pala ito gumaling noong bata pa siya.

Kaylangan niya ng heart donor para sa transplant niya.

But an incident happened.

We're supposed to go to our rest house in Bataan to spend our vacation. Suddenly, umulan at naging madulas ang kalsada. Dahan dahan naman ang pagmamaneho ng sasakyan namin pero may nakasalubong kami na delivery truck at nabangga ang sinasakyan namin. Fortunately, all of us survived pwera kay Ryuzaki na nagtamo ng serious fracture at natusok ng piraso ng bakal sa tagiliran.

On our way to hospital, marami na siyang habilin sa'kin na parang handa na siyang mawala.

"If I didn't make it, Ma, please give my heart to Allian"

"About the heart transplant. Please tell Tita Althea to keep it secret. Please tell Her not to tell Allian about it. Please.."

"I-I just want to ask you to please don't tell Allian about me and her soon-to-be Husband."

"Can you hold me as I go? Please don't let go. I want to feel you until my last second."

Handa niyang ibigay ang puso niya para mailigtas lang ang buhay ni Alliah. Pinigilan ko sya nguni't isa lang ang sinabi niya.

"Kung hindi ako ang magiging kabiyak ng puso ni Alliah, ako nalang ang magsisilbing puso niya."

DRAKE

Bumalik ako sa kwarto ni Alliah.

"Alliah, please wake up." I plead.

Madami akong mga pagkukulang sa kaniya. Sana mapatawad niya pa ko.

"Kamusta siya?" Bungad na tanong sakin ni Tita Althea.

"Ganun pa din po Tita. Wala pa pong improvement pero normal parin naman po yung heart beat nya."

"Thank, God." She sigh in relief.

3 weeks nang hindi gumigising si Alliah.

Kinakabahan ako.

Ang sabi kasi noon ng doktor na over fatigue ang dahilan ng maraming beses na pagkahimatay niya pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hanggang ngayon 'di parin siya gumigising.

Punong puno ng pag sisisi at paghihinayang ang kalooban ko.

Sana gumising ka na, Alliah.

"Sige, anak. Lalabas na muna ako ahh." Paalam sakin ni Tita Althea.

I nodded as a response.

Muli kong tinitigan ang natutulog na mukha ni Alliah. Mapayapa itong natutulog, walang hirap na nararamdaman, walang sakit na nararanasan.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko, mabuti nga siguro yung ganito, hindi ko siya nasasaktan.

"Alliah," tawag ko sa kaniya. Ngayon ko lang sya kinausap simula nang matulog sya. "gumising ka na Please.."

I sigh. "Alam mo ba kung anong date bukas? July 17 na. Monthsary natin." Sabi ko "Alam mo bang no'ng anniversary natin no'ng nakaraan, dapat maaga talaga akong uuwi? Sabik akong makita ka. Kaso.." natigilan ako nang maalala ko ang nangyari noon na imbis na bumawi ay mas lalo ko pa siyang nasaktan. "Alliah, hindi ako bulag para hindi makita lahat ng ginagawa mo. Nararamdaman kita,"

Kusang tumulo ang luha ko. Naalala ko lahat ng preperation nya sa mga monthsary at anniversary namin, na lahat naman eh sinasawalang bahala ko lang.

Nag hinatay ako hanggang 12:00 am at sa wakas ay nag palit na ng date ang calendaryo.

"Happy Monthsary, Alliah.."

Maya maya, naramdaman kong gumalaw ang daliri niya.

Alliah??

To Be Continued

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now