17th Drop: Unconditional Love

Start from the beginning
                                    

Napapikit nalang ako para maiwasan kong umiyak. Dalawang patak ng luha nalang, wala na kong pag asang mabuhay pa.

"Alliah.. im s-sorry.." basag na boses nyang sabi. Maya maya pa'y naramdaman ko ang maiinit na patak ng tubig na patuloy na umaagos sa balikat ko.

Humarap ako sa kanya. I cupped his face and wipe his tears. Sana ganito din ang ginawa mo sakin noong umiiyak ako, sana may nagpunas din ng luha ko noon.

"It's okay.. I understand." I said at tumuloy na ko sa counter dala ang niluto kong breakfast nya.

"Look Alliah I-" I cut him.

"I understand. You're the owner of company kaya ikaw ang incharge at responsible doon. Im not mad at you, Drake. Dont think that I am. Alam kong yun ang dahilan kung bakit di ka naka uwi ng maaga." I smiled. Sana lang maniwala syang okay lang ako. Alam ko namang hindi sya galing sa company eh. Tumawag ako sa office niya at ang sabi ng secretary nya ay maagang nag out si Drake.

"I-im sorry.." sabi nya habang nakayuko.

Sorry nanaman? Di na nun mababalik ang luhang nasayang mo at ang chance mong mabuhay. - sabi ng isip ko.

Diba Alliah sabi naman kaya mong umiyak hanggang sa mamatay ka mapakita lang na mahal mo sya. Love really hurt Alliah pero yun din ang nagpapatibay sa isang tao. - sabi naman ng puso ko.

Tama nga sila. Ang utak ay walang awa dahil wala itong puso at ang puso naman ay tanga dahil wala itong utak.

Kaya nga siguro binigyan tayo ng Dios ng puso at utak para makapag desisyon tayo kaso magka kontra ang utak at puso ko
Anong susundin ko?

"Minsan ang tiwala ay parang pambura. Hanggat nagkakamali ka, unti unti itong nawawala." I said as I bowed my head.

Naramdaman ko namang napatingin sakin si Drake at hinawakan nya nag kamay ko.

"Gusto kong malaman kung may pag asa pa bang itama ko ang mga mali ko Alliah. I want to know. Please give me a chance." He said as he squeezed my hand.

I bit my lower lip. I want to cry but I just can't.

"Y-yes Drake.. you have a chance. An unlimited chance. Alam mo yun? Hindi nauubos ang pag asa mo. Ang unfair no? Kahit ilang beses kang magkamali may chance ka pa rin." Samantalang ako pag namatay dahil sa pag iyak sayo, wala na kong chance na mabuhay.

"Mula nang minahal kita binigyan na kita ng mahintulot na saktan ako." I said then I gave him a faint smile.

Bumagsak ang mga luha nya at patuloy ito sa pag agos. Lumapit sya sakin at niyakap nya ko.

"Im so blessed to have you as my wife. Im sorry for the pain. Im sorry for being an asshole, Alliah. I promise, you'll never regret it." He said as he hug me. Naramdaman ko ang patuloy na pag agos ng luha nya sa balikat ko.

DRAKE

God, this girl is so understanding. She's like an angle sent here from heaven.

Napaka walang kwenta kong tao for taking her for granted. Wala akong ibamg ginawa kundi ang saktan sya.

Kanina pumasok ako sa reading room ko at nakita ko na ang linis nito. Nang huli akong pumasok dito napaka kalat nito.

Nilibot ko ang buong kwarto. Naka agaw ng atensyon ko ang picture sa ibabaw ng study table ko. Picture namin ni Ritz.

Kuha ito nang araw na mag propose ako sa kanya na maging fiance ko. Parehas kaming masaya nang araw na yun.

Napansin kong wala iyong alikabok. Hindi naman ako naglilinis ng reading room ko actually ngayon nga lang ulit ako pumasok dito eh. Pero parang kakalinis palang nito wala itong kahit isang dumi.

Nakaagaw din ng pansin ko ang wedding picture naming dalawa ni Alliah na nasa ibaba ng study table ko. Mukha atang nahulog ito.

Hindi tulad ng picture namin ni Ritz, sa picture namin ni Alliah hindi ako nakangiti. Hindi ako masaya, at ayokong maging masaya.

Pinunit ko pa nga yung ulo Alliah sa picture na to sobrang inis ko eh. Pero naaalala ko kung ano yung itsura nya dito. Nakangiti sya. Malawak ang ngiti nya pero halata sa mata nya ang lungkot.

Napansin kong basa ito. May mga patak ng tubig na sariwa pa. Parang... parang luha.

Naalala ko si Alliah..

Okay lang Drake. Kasalanan ko din naman eh. Umasa akong kaya mo kong mahalin. Umasa ako, ang ending? Ayun! Nasaktan ako.

I faced palm. "Shit!!" I cursed.

Sinaktan ko siya. Ang daming sakit ang naidulot ko sa kanya pero bakit patuloy nya parin akong minamahal ang inaalala?

Ganun ba sya ka tanga o baka ganon nya ko ... kamahal. To the point na ginagawa nyang tanga ang sarili nya.

Kaya eto ko ngayon.. nakayakap sa kanya.

"Im so sorry for the stupid things I've done." I said.

"Shh.. stop. You're forgiven." I herd her said. " 'coz I love you, Drake." She added.

"T-thank you..." I answered.

Bakit ganun? Ang simple lang naman na sabihin ng Ilove you too para mapagaan ang loob nya kumpara sa ginagawa nyang pagsasakripisyo para lang mapatawad ako. Pero ba't di ko magawa? Ganun ba yun kahirap??

ALLIANAH

"...'Coz I love you.." I said. Baka sakaling I love you too na din ang maisagot nya sakin.

"T-thank you." Sabi nya habang naka yakap parin sakin.

Naramdaman ko ang sakit na gumuhit sa puso ko. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Tama bang isagot ang 'Thank you' pag sinabihan ka ng 'I love you'? Well, buti nga din 'thank you' ang sagot nya eh, hindi 'Im Sorry'.

--**To be Continued**--

Hurt Me To DeathWhere stories live. Discover now