IKAAPAT NA KABANATA

Start from the beginning
                                    

"Hmm, I'm planning to have a vacation by myself sa Austria. Since busy naman si Bryan sa trabaho nya." naka-ngiting sagot ko habang nakatingin kay Bryan. "And, I'll be there to sort out my mind, if I'll pursue my decision or not."

"What's your desicion ba, Di?" tanong ni Luchie habang nakatayo sa gilid ng kama ko. "You haven't told me one, miss."

"Oh, didn't I told you?" I asked her and laughed. Masama ang tingin na itinatapon ni Bryan kay Steve. "Aaaaaaaaaah!" tili ko nang muntikan na akong mahulog sa kama.

"Dianna!" malakas na tawag ni Bryan at sinalo ako. Wooh. Ang sakit ng pwetan ko. "Wife, mag-ingat ka naman." mahinang bulong nya.

"Mam, kayo na po sa OB." sabi nung nurse at isinakay ako sa isang wheel chair. "Okay na po ba kayo?" tanong pa nya,

Mahina akong tumango at nginitian sya. Sumama si Bryan sa akin since sya naman daw ang ama, kailangan nyang malaman ang kalagayan ng anak nya.

Naaalala ko pa dati, nung hindi pa kami naiikasal, gustong-gusto ni Bryan na magkaroon na kaagad ng anak. Minsan kasing iniwan sa kanya ang anak ng Ate nya sa amin ng isang buwan para sa surprise birthday party nito. Nagagalit sya kapag mayroong ibang nag-aalaga sa amin. Minsan pa nga, napagtripan namin s'ya, umalis kami para manood ng movie sa isang mall, galit na galit sya at gumawa pa sya ng eksena sa mall. Natutuwa nga ako, eh. Iniisip ko noon, ganito pa rin kaya s'ya kapag naikasal at nagka-anak na kami?

Napaka-labong mangyari nun. Iniisip ko pa lang na mag-kakaanak kami, natutuwa na ako. Pero, mas masaya s'ya kung si Luchie ang ina ng mga anak n'ya.

I smiled bitterly at that thought. Ni hindi ko na namalayang nasa OB na ako. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita si Bryan na nakikipag-usap sa isang nurse habang tumatawa-tawa pa.

"Mrs. Montenegro..." tawag ng doctor sa akin. "Tara. Pasok na po kayo." dagdag n'ya. Tumayo ako sa wheel chair at pumasok sa kwarto.

Matagal kong tinitigan ang mga litrato ng mga nanay at baby sa dingding ng kwarto. Ganito pa rin kaya ako matapos kong manganak? Ganito pa rin kaya ang buhay ko kasama ang anak ko?

"Misis, I'm advising you to have a daily exercise. By just looking at you, you need a good exercise. Then, eat plenty fruits and vegetables. Medyo bawasan mo ang protein dishes like meat, beef and chicken. Kung 'yun naman ang paglilihian mo, add some vegetables." kaagad na sabi n'ya.

I nodded and smiled. She guided me to a room to change my dress so I can see my baby.

My baby...

"Misis, okay na po ang bed. Just lay down there." sabi ng nurse sa akin.

Tumango ako at pumasok. Nagulat ako nang makita ko na si Bryan na seryosong nakikipag-usap sa doctor ko. He looked at me and smiled a little, "You excited to see your baby?" tanong n'ya sa akin.

"Yes." sabi ko at humiga na.

"So, Misis. May ilalagay lang akong gel and then we'll see your baby."

Nilagyan na n'ya ako ng kung ano-ano at binuhay ang isang machine sa gilid ko. I'm excited yet nervous. This is my first time to have a baby, this is the first time that I'll see him/her.

Pagkabuhay ng machine, umupo s'ya sa gilid. Bale katapat na s'ya ni Bryan at iniharap n'ya sa akin ang monitor. "This is your tummy's world." she said and chuckled. "I mean, ito ang loob ng t'yan mo. As you can see, everything's fine. Then take a look here," sabi n'ya sabay turo sa may puson ko. "These black ones are your babies."

"Ba-babies?" hindi makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Dalawa?

"Yes, nakikita mo namang dalawa ang itim na dot-like sa loob mo. So, you'll be having a twins. Congratulations!" she said happily and stood up. Iniwan n'ya kami ni Bryan na nakatingin pareho sa screen. Kukunin lang daw n'ya ang ultrasound ko.

"Wow." mahinang sabi n'ya sa gilid ko. "Really? I'll be a real father soon!" he shouted.

I smiled sadly as I look at him. Masaya s'ya kasi magkaka-anak na s'ya. Pero nakikita ko sa mga mata n'ya na hindi s'ya masayang ako ang ina. Damn life.

"Mam, tara po. Palit na po ulit kayo." untag ng nurse sa akin. "Teka lang po. Aayusin ko muna ang machine." sabi n'ya at niligpit ang ilang cord sa gilid ko.

Ilang minuto din ang itinagal ko sa pagpapalit dahil sa dextrose na nakakabit sa kamay ko.

"I advise to you, Mr. Montenegro to take your wife into a beach. She and your babies needs fresh air." maikling paliwanag n'ya kay Bryan.

"Su---"

"I'll be having my own vacation at Austria, Doc." I butted.

Tiningnan muna ako ni Bryan bago ngumiti ng malungkot. "Does my wife needs to take some medicines or vitamins?" he asked and changed the topic.

Mabilis na tumango ang doctor at ibinigay ang isang papel sa kanya. Hindi na ako nag-abalang makinig dahil pagod ako.

Ayoko na sa ospital. Mas mabilis akong mamamatay dito. Mas lalo ko lang maaalala na may sakit na kakambal ang pagbubuntis ko.

I need space, really.

Bryan

After ng check-up, nagmadali akong ipabili sa isang nurse ang mga gamot na reseta kay Dianna.

"KUYA KASI! Ibili n'yo na ako ng Mojos at Fried Chicken sa Shakey's! Tapos magpadagdag ka ng madaming sour cream at cheese dips! Dali na!" iyan kaagad ang naabutan ko sa loob ng kwarto.

Tiningnan ako ni Kuya Drei bago um-oo sa kapatid. Umalis na pala si Ate Mona para sa isang fashion exhibit nila ni Mama sa Malaysia at China.

"Dianna," I called her nang makalabas si Kuya Drei, "Don't file the annulment, please." I whispered on her ears while hugging her.

"Nasasakal na ako a relasyon natin, Bry. You've changed a lot!" She shrieked.

I can't be mad at her, she's pregnant. But hell! Ayoko talaga. I don't want her to to be out of my life. She... and the babies are now my life. Ayokong mawalay sa mga anak ko. It fucking hurts me by just thinking of that.

Kanina, nung kinausap ako ng doctor about Dianna's condition, alam kong may mali, alam kong nahihirapan na s'ya. She had told me that Dianna's pregnancy is too sensitive. Kaya pala ang dalas n'ya akong hindi kausapin. She's feeling weirder.

"Dianna, I'll make it up to you. Please, let me. I'll try being a husband to you, again." I whispered.

I felt her tears flowing on my shoulder. "Bryan, I've done enough. Ayoko nang masakal pa. Isipin mo na lang na gagawin mo iyon para sa mga anak mo." she said faced me, "Bryan, ang sakit-sakit na. Hindi mo ba ako naiintindihan? Hindi mo ba nararamdaman? Bryan, I've been a wife to you! Kahit anong pananakit mo o pagsasalita ng mga masasamang salita, tiniis ko.... Kasi mahal kita. At hanggang ngayon? Si Luchie pa rin ang mahal mo!" she said, "Umalis ka na. Ayaw kitang makita. Please lang." mahinang sabi n'ya.

Nanigas ako sa mga narinig ko. Yeah. I deserve being treated by her like that. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pero... mahal ko si Luchie. At mahal ko rin ang mga magiging anak ko.

"If you want, after I gave birth. Ibibigay ko na sa'yo ang mga anak ko." she told me coldly. Napatingin ako sa gawi n'ya. What is he talking about? "Hanggang sa bagay na 'yon, alam kong pinagdudahan mo kung mga anak mo ba talaga sila. Sana nakakalabas ako ng village, ano? Tapos nakapanlalaki ako, sa kanya 'yung nga anak ko pagkatapos magagalit ka at makakalaya na ako." sarkastikong sabi n'ya.

"Dianna..." I looked at the window, "Ayokong mawalay ka. Pero hindi na kita mahal."

Book 1: Tears of a Broken Wife [FIN]Where stories live. Discover now